Chappie 39

3.6K 81 6
                                    

Nagulat na lang ako na nagtinginan ang mga nakapila sa unahan namin at ang cashier sa amin. May narinig din akong ‘ayieeee’ mula sa likod. Ang lakas naman kasi ng boses ni Tristan. Argh!

Shame. Awkward.

“Nice joke ah. Magbayad ka na nga lang.”

“Ayaw mo?” Ginagatungan pa! Walang hiya talaga to!

“Gagawin ba natin yun sa public place?” Nagpa-cute na lang ako na parang ewan.

“Ang cute niyo naman. You are free to do anything in the world.” Ahy, liberated si ate sa unahan namin? Tsk tsk tsk.

“No, we’re not. Labas na ako.” At iniwan ko na nga sila ni Stacey. Bakit naman kasi niya yun sasabihin out of nowhere?! Pero baka joke lang yun? Anong ‘baka’? Joke talaga yun! Pero sana lang ako nga ang first.

HEPHEPHEP! Enough of these thoughts. Ang pangit talaga ng joke na yun. Hindi nakakatuwa. Shemay.

“Hoy Agustin, galit ka?” Andito na pala tong bwisit na ‘to.

“Hindi kasi nakakatuwa yung joke mo eh! Nakakahiya kaya sa mga nakarinig! Baka kung ano pa ang isipin nila.”

“Sino ba nagsabing joke yun? Tyaka ano naman pakialam mo sa iisipin nila.” Tumatawa-tawa na lang si Stacey.

“Shaddap!” Nakakapikon na!

“Hoy, san ka na pupunta?”

“Tatawid na. Dun sa kabila ang sakayan natin ng tricy.”

“Nakikita mo yung red lights?” Biglang nag-iba itsura niya. Ang taray na oh. Hay baka masermonan na naman ako.

“Oo, mukha ba akong bulag? Kelan ba ako tumawid sa red light? Masunurin kaya akong bata. Wag kang mag-alala, hindi kita gagayahin.” Ahahahah, baliktarin ba? Oh well.

Nag green na kaya tumakbo na ako sa pedestrian lane. Nakasakay na kami kaya nakauwi na ako. Hindi pa rin ako tinantanan ni Tristan sa mga pang-aasar niya. Kakainis! Kung ano-ano pa ang pinagsasasabi. Grrrr!

**

Time flew very fast. Graduation came and finally, graduate na ako from high school. Wala na akong music club na poproblemahin. Wala na rin na chess competitions na iisipin. Surprisingly, I got three medals. Isa para sa leadership award (sa music club daw kasi), isa din sa athlete of the year (kahit na umupo lang naman ako habang naglalaro na hindi man lang pinagpawisan ang kili-kili ko), and lastly, for being of service to school (lagi kasi akong lumalaban sa mga non-curricular activities at syempre, school ang nirerepresent ko).

Wala naman akong paki dun sa mga medals ko eh. Sana kasi trophy ang binigay nila,haha joke. Pero mas importante kasi sakin yung corsage na nasa toga ko. Part kasi ng tradition namin sa school na may magbibigay ng corsage instead na bilhin ng gagraduate. Opposite gender ang magbibigay ng corsage dapat.  Kahit wala naman talagang rationale or basis sa pag-conduct ng tradition na yun, yun na ang nakagawian ng mga estudyante eh.

Hindi ako sumusunod sa mga batas ng school. I mean yung mga ganitong wala namang sense. Kaya bumili na ako ng corsage. Kasama ko si Crystal na bumili. Palihim kaming bumili kasi baka may makakita samin na mga kaklase namin. Sumbungera/o pa naman ang mga kaklase ko.

On the day of graduation, nagulat na lang ako na nandun sina Tristan at mga kapatid niya. Pati nga si Stacey sumama din. Binigyan ako ni Tristan ng corsage.

“Hindi mo ba nakikitang may suot na ako?”

“Ikaw lang ang bumili nyan.”

“Kapal mo! Maraming gustong magbigay sakin ng corsage noh!”

“Hindi mo ako maloloko, Agustin. 50 pesos.”

“Anong 50 pesos?”

“50 pesos ang halaga ng corsage mo.” Manghuhula ba ‘tong taong ‘to? Napapadalas na ang mga ganyang moments ah. 

“At paano mo naman nalaman hah?”

“Ikaw kasi ang taong kapag bumili ng kahit anong gamit, laging nakakalimutang tanggalin ang price tag.” Kinuha niya yung corsage ko at pinakita sakin yung price. Tsk, lagi ko nga talagang nakakalimutan yun tanggalin. Etiquette ba ang tanggalin ang price tag?

“Forget about the price tag. Ain’t about the, uh ch-ching ch-ching. Ain’t about the b-bling b-bling. Wanna make the world…” Kinanta ko na lang.

“Shut up. Nakakabingi ang boses mo.”

“Maganda kaya ang boses ko. Anyway, sayang naman kasi ng corsage kong 50 pesos. Pambili ko na yun ng pirated dvd if ever.”

“Bakit ka kasi bumili?”

“Eh ang nonsense naman kasi ng tradition na yan eh.”

Sumulpot naman si Crystal from nowhere. “It’s not nonsense. May reason kaya ang tradition na yan. According to my research, back when the school was still young, may isang popular girl na hindi nagsuot ng corsage during the graduation. A guy from other school came and gave her a corsage. Tapos nagka-inlaban ang dalawa during their college life. Matagal na palang may gusto si guy kay girl. Tapos naging sila in the end. Kinasal sila at nagkaroon ng twins. So parang belief na din ng mga estudyante na para magkaroon ng good luck on love life for the start of college, nagsimula ang tradition na ‘to.”

“See? It’s nonsense! Sino bang tanga ang maniniwala sa tradition na yan? May mga confirmations ba?” Mukha bang Obando ang skul namin para magkaroon ng tradition na ganyan? Tch.

“Yes, sweetie.” Shoot, yung principal.

“Good afternoon, ma’am.” Natameme naman ako sa pag-appear ni madam principal.

“Good afternoon, too.”

“Ma’am, hindi ko po sinasadya na masabi yun.” Ano ba yan. Gagraduate na nga lang ako mukhang mateterminate pa dahil sa mga pinagsasasabi ko.

“I understand. I was like that when I first heard that they’re doing that tradition. But who knows, it might be true for some.” Nag-smile siya. Buti na lang mabait siyang principal kahit madalas na kaming nagtutuos sa principal’s office. Kasi nga diba, pasaway akong bata. Haha.

“Get ready for the processional.” Nasa labas pa kasi kami ng covered courts. “By the way, Ms. Agustin and Ms. Casimiro,…I was that girl behind the tradition.” Napanganga na lang kami habang pumasok na si madam principal.

“Oo nga noh. May kambal siyang anak. Yung isa naging teacher natin tapos yung isa CEO na ng isang kumpanya.” Sabi ni Crystal.

“Oo nga. Tyaka matanda na si madam principal. Which means na matagal na yun nangyari. So.. pero Crystal, sa kanya lang naman yun nagsimula eh. Syempre sa kanya totoo yung tradition na yun. Wala ka bang ibang alam na issue or tsismis?”

“Sina mama at papa.” Si ate Shine. Magsisimula na ang graduation kaya mukhang pinahanap na kami nina papa.

“Ano?”

“Sina mama at papa naniwala din sa tradition ng skul mo. Nakalimutan mo na bang dito din galing si mama?” Wait, oo nga noh? Start daw ng graduation ni mama sa high school nagsimula ang love story nila. Tapos nagkaroon sila ng anak na kambal.

“Oh, kita mo Mimi.”

“Pero irrational pa rin eh. Haler, may lahi naman talagang kambal sina mama kaya malamang magkakaroon sila ng anak na kambal. Walang kwenta ang maniwala sa mga tradition na yan.” Ayoko talaga sa ganitong mga paniniwala sa earth!

“Fine, kung ayaw mong maniwala eh di wag.” Wait, parang iba yung corsage ni Crystal ah. Sa pagkakatanda ko, may pagka-green yun. Pero blue ang suot niya. Baka nagkamali lang ako.

“Itong dalawa na ang isuot mo. Sayang naman ng pagbili ko.” Ang bakla naman ni Tristan. Parang bata na ewan. Ang cute tuloy. Argh! Stop!

“Ok.” So yun na nga, dalawa ang corsage ko. Nauna na si Crystal sa pagtakbo sa loob kasi nagsisimula na. Nasa unahan pa naman siya ng linya.

“Agustin, kung totoo yung tradition ng skul na ‘to..eh di..

magkakaroon tayo ng kambal?”

%^&*()@%^&*!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now