Chappie 32

3.6K 68 1
                                    

Binaba ko na agad ang telepono. So, prom date na niya ako. Ano naman isusuot ko niyan? Hay, bahala na nga. Hindi ko na muna yan poproblemahin.

After some days, dumating na yung choir competition. 1st runner up ang skul namin. One down. Yung chess na lang three days from now. Kaya ko ‘to!

“Agustin.” Pati ba naman dito sa mall makikita ko pa si Tristan? Pero bakit kaya mag-isa siya? Tyaka naka-uniform pa siya. Wait, malamang weekday diba? Wednesday pa lang eh.

“Bakit?”

“Congrats sa inyo.”

“Salamat.”

“Uwi ka na ba?”

“Oo na. Magpapraktis pa ako ng chess sa bahay.”

“May damit ka na ba?” Ay shoot! Oo nga noh.

“Maghahanap na lang ako sa bahay. Marami naman ata dun si ate na damit… Teka lang, ano ang theme?”

“Wedding Masquerade.”

“Huh? Yung sinuggest ko?”

“Oo, nagustuhan naman nila eh.”

“Walang gown si ate. Alangan naman yung wedding gown ni mama.”

“Ako na bahala since ako naman ang nagyaya sayo.”

“Angel wings ba?”

“Hindi, fairy wings na lang. Ako na ang bahala sa lahat ng susuotin mo. Hindi pala ako, sina ate na ang bahala. Pumunta ka na lang sa bahay pag 18. Kailangan mga 2 pa lang ng hapon nandun ka na.” Ganun ganun na lang? Hindi ko man  lang alam ang itsura ng damit ko?

“Anong oras ba ang prom mo?”

“7.”

“Ang aga naman ng 2! Para aayusin lang ang itsura ko eh.” Wait, does that mean matagal ang gagawing pag-aayos sakin para umayos ang mukha ko? Ang ouch naman nun ah.

“Alam mo naman ang mga kapatid ko. Sila ang nagsabi nun. Pinaparating ko lang sayo.” Ano na naman kaya ang plano ng mga kapatid nito? Hm, safe naman siguro ako sa mga kamay nila, diba?

“May pupuntahan ka ba ngayon o uuwi ka na?”

“Maghahanap ako ng damit ko. Yung sa cotillion kasi pare-pareho ang damit namin. Gusto kong magpalit after nun.”

“Ano naman kung pare-pareho? Ibang klase talaga ang kaartehan mo.”

“Mag-explain man ako, hindi mo rin maiintindihan. Samahan mo ako.” Sabay kuha sa bag ko tapos hila sa kamay ko. Hay Tristan, kung boyfriend lang sana kita. Kaso hindi eh. Napakalabo ng chance.

Sa isang tailoring house kami napadpad. Sikat ‘daw’ ‘tong patahian na ‘to eh. Maganda yung mga gowns and dresses. Mukhang elegant din yung mga tuxedo.

“For prom, sir?” Tanong nung bakla.

“Yes.”

“Yung white dun maganda oh.” Tinuro ko yung nakadisplay.

“Pang wedding po yun, mam.”

“Wedding concept po yung prom.” Si Tristan na sumagot. Pero bagay sa kanya yun eh.

“Wedding? That’s quite..rare. Anyway, you can try that one sir.” Tinuro niya yung black na tuxedo. Ang common naman nun. Halos laging yan ang suot ni Tristan sa recital.

“Do you have anything blue?” Blue? Senti ang drama niya? Pero usually diba matching ang colors ng magpartner? Ano nga kaya ang damit ko? Baka blue din.

“Wait, sir.”

“Uy, ano ang isusuot ko?” Hinila ko yung dulo ng uniform niya. Parang bata lang eh.

“Ewan ko kay ate.”

“Mas bagay sayo yung white na tuxedo.” Pinagpipilitan ko talaga noh? Haha.

“Ano ba favorite color mo?”

“Green. Wait, ano naman kinalaman nun?”

“Green, huh? Hmm, wala naman.”

“Weird.”

“Manahimik ka na lang dyan.” Sumunod siya dun sa bakla. May pinakita ata sa kanyang mga damit eh. Nakaupo lang ako sa couch at nagbrowse ng mga magazines. Bridal magazines. Maraming kasalan akong naririnig ngayon. Si kuya Donn ikakasal na. Yung kapitbahay namin ikakasal na din. Yung teacher ko ikakasal na din.

Ako kaya kelan ikakasal? Matino naman kaya ang papakasalan ko? May magmamahal nga kaya sakin? Meron nga ba? Bakit parang hindi ko nakikita ang sarili ko na magmamahal? Bata pa nga talaga ako. Masyado pang mabagal ang pick-up ng utak ko sa mga ganyang bagay. Si Nick nga sinaktan ko lang. At kahit anong sorry ko sa kanya, alam kong nasaktan talaga siya.

Haaaay, naalala ko na naman ang sandamakmak kong kasalanan sa kanya. Bakit naman kasi ang lakas ng tama niya eh? Naalala ko yung binilhan niya ako ng stuffed toy tapos binalik ko lang sa kanya. Tapos yung chocolate na binigay niya na binigay ko lang kay Crystal. Yung cake din nung nag birthday ako na binigay ko lang sa kapitbahay namin. Tapos yung unan pa na regalo niya na binalik ko din sakanya. Meron pa pala yung niyaya niya akong magdate na tinakasan ko lang. Tapos meron din yung naghintay siya sakin sa skul hanggang gabi tapos nagtago ako sa may puno para makatakas sa kanya.

Sus, ang dami na pala ah. Kaya ba nakakarma ako ngayon kay Tristan?

T___T

Ang sama ko nga pala talaga. I think I deserve everything after all. Pero kung tutuusin, hindi pa ako naka-sorry kay Nick nang maayos. Sa text lang. Nasaan na nga kaya siya? Baka pinakulam niya ako kaya nagkakaganito ako. Lol.

Kailangan kong magsorry sa kanya personally. I know how bad I was for treating him like that.

“Miss, ikaw ba kasama ni Tristan?” Sino naman ‘tong babaeng ‘to? Wait, schoolmate ata to ni Tristan eh. Yung uniform niya kasi.

“Oo.”

“Girlfriend ka niya?” Tanong naman nung lalaking kasama niya.

“Hindi. Friends lang.”

“Ikaw ang prom date niya?” Ang daming tanong ah. Nakakabanas. Ok lang sana kung maganda yung pagkakatanong niya pero yung tono niya parang nanlalait eh!

“Oo.” Hoy bruha ka, maganda ka nga pero sunog naman ang buhok mo, lagas na ang kilay mo at ang kapal ng concealer sa may mata mo! Ok, relax Mimi.

“Akala ko si Valerie ang date niya.” Akala ko din eh. Tsssss. Manahimik ka na ngang babae ka kundi makakatikim ka na! Alam kong malayo ako kay Valerie kaya tama na!

“Wala pang niyayaya si Tristan as far as I know. Niyaya ka ba niya?” Uupakan ko na din tong lalaking to! Ang mga tao talaga sa mundo masyadong judgmental. They judge by what they see.

“She’s the first and last person I ever asked to be my date.” Oh rinig niyo yun? Sus.

*LOADING…*

WHAAAAAAAAT??!!!

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora