Chappie 8

4.2K 97 5
                                    

Hindi ko kwinento muna yung tungkol dun. Ayoko muna. Baka di ko pa nga sinasabi eh hindi na ako payagan.


Lumipas pa ang mga buwan at SUMMER na!

Consistent ang practice ko. Nagugulat nga silang lahat kasi seryosong-seryoso daw ako sa pagpractice ko eh wala naman akong contest na sasalihan.

Kahit kay Tristan di ko rin kinukwento.


Lagi namang nagtetext sakin si Ian. Minsan nga nagkikita pa kami eh. Hindi naman date no!

Minsan kasi pumupunta siya sa lugar namin pag may promotions yung EMAU tyaka Yamaha Music Instruments so pumupunta ako para makibalita sa exam na gaganapin sa summer.


At ngayon nga, summer na. Hinihintay ko pa ang pagpunta ni sir Dave dito para ipaalam ako sa magulang ko.


“Hoy, Agustin, parang distracted ka masyado ah.” Si Tristan naman kasi oh. Nakita ng nag-iisip ako eh.

Nasa bahay nila ako ngayon. Wala lang. Trip ko lang pumunta dito. 


“Ano paki mo?” Oo, alam kong distracted ako.

Sabi kasi ni Ian one of these days daw pupunta na si sir Dave. Eh hindi ko naman alam kung kelan. Although nagtetext naman si sir Dave na pupunta nga daw siya, nakakahiya naman na kulitin ko kung kelan siya pupunta diba?


“Mag-eexam pala ako para sa EMAU. Dun ko kasi gusto mag-aral eh. Ngayong summer ako mag-eexam. San ka ba magcocollege?” Oh, so kung dun siya, malaki ang chance na payagan ako kasi magkasama naman kami!


“Actually, may sasabihin ako sayo. ^___^” Abot langit na ngiti ko.


“Nakakatakot yang ngiti mo ah.”


“Kasi..” Biglang tumunog cellphone ko.

Pagtingin ko, si sir Dave tumatawag!!


“Ah, yes sir?”


[Where are you, Mimi?]


“Uhm, at a friend’s house. Are you here already, sir?”


[Yes, I’m in Rose Hotel. Can you come over?]


“Oh, sure sir!” YES! Nandito na ang aking savior! Woohoo! Tapos binaba ko na yung tawag.


“At may pa-english English ka pang nalalaman ah. Sino yun?” Ang sama ng tingin ni Tristan.


“Mamaya ko na lang ikkwento. Pero Fajardo, the good thing is, baka sa EMAU din ako mag-aral!”


“HUH? Hoy, ipaliwanag mo nga!” Kaso tumatakbo na ako nun palabas ng bahay nila.


..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now