Chappie 23

4.1K 75 1
                                    

Bigla akong nalungkot nun. He’ll always be my prince but he’s already the king of somebody else. I’ll just be the damsel but never will be the Queen.


Ano ba naman umagang-umaga ang drama drama ko! Hay, makauwi na nga. Kailangan ko nang masabunutan ang aking beloved brother!


Inayos ko na yung kama ni Tristan. Sinigurado kong malinis yun at walang gusot man lang. Nakakahiya naman kasi eh. Ang ganda pa man din ng bed sheet niya. White kasi yun na may designs na mga notes and G-clefs at iba pang music symbols.

Maingat kong inayos ang kama niya kasi baka magising siya mahirap na. Hindi ako ready na masigawan.


 Lumabas na ako. Si Stacey takbo lang ng takbo sa sala. Nakikipaghabulan pa kay ate Danica. Nagulat ako nung tumingin si ate Danica sakin nang nakakaloko.


“San ka natulog?” Nakataas pa ang kilay.


“Sa kwarto po ni Tristan. Bakit naman kasi sinara niyo ung mga pintuan niyo?!”


“Sinadya namin yun! Hahaha!” May topak din to gaya ng kapatid ko.


“At bakit naman?”

“Gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin ng aming kapatid?”


“Nagtatanong ka ba?”


“Haha, hindi ko rin alam ang motibo namin ni Clarisse. Ano nga ba Clarisse?” Nakaupo si ate Clarisse sa sofa at nanunuod ng news.


“One thing na yun. Pero ang pinakareason talaga is nakatulog na kami. Sorry ha. By the looks of it, mukhang masaya ka naman.” Baliw talaga tong magkapatid na to. Ako masaya? The heck!


“Anong masaya?! Mga adik kayo.”


“Pero wala namang ginawa sayo si Tristan so I think it’s alright.” Tumawa pa yung dalawa. Si Stacey nakitawa na lang din kahit hindi naman naiintindihan yung pinag-uusapan namin.


“As if naman may gagawin ako sa kanya.” Narinig namin si Tristan. Pababa na siya sa hagdan at mukhang maayos naman gising niya. “May taste ako noh!” Aray naman!

Pero what right do I have to feel hurt when what he said was true? Pero sabi nga, truth hurts. Yeah, it hurts deep down here. ‘cause I know, he will never like someone like me. No, erase that. He will never like ME.


=’(


“At ano namang ibig mong sabihin dun ha?” Dire-diretso lang si Tristan sa kusina.


“Ate nga pala uwi na po ako.”


“Ang sama talaga ng Tristan na yun. Oh sige, ikumusta mo na lang ako kay Bessie ha.”


“Sure po! ^___^” Todo pa ang smile ko. One skill I’ve mastered all this years is pretending that nothing affects me. Ayaw ko naman kasing ipahalata na I’m affected.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt