Chappie 30

3.6K 61 6
                                    

“Prom date mo? Sus, ayoko nga. Bakit di mo yayain si Valerie?”

“Ayoko siyang yayain. Kapag siya kasi kasama ko, hindi na ako bwelo.”

“And what does that mean?”

“Pagkakaguluhan siya, for sure. At ayokong may problemahin pag prom. Tyaka busy din siya sa ballet.” Parang ang pangit naman ng date niya pag nagkataon. Pagkakaguluhan din ako niyan. Iisipin ng mga tao na ang pangit naman ng kasama niya. Ayoko ngang mangyari yun.

“Ayoko nga. Maghanap ka na lang ng iba. Hindi ba pwede ang schoolmate mo?”

“Bawal. Tradition na kasi na magdala ng mga hindi taga samin.”

“Eh sino ba kadate mo last year?”

“Wala. Hindi naman ako nagdala ng kahit sino eh. Busy kasi yung yayayain ko sana.” Hala, hmmmm. Sino kaya yun?

“Eh di wag ka din magdala ngayon.”

“Hindi pwede.”

“Bakit?”

“Ako ang president ng student council. Kapag nakita ng principal na wala akong partner, papagalitan ako nun. Tyaka, ako ang over-all in-charge kaya dapat good example ako.”

“Good example? Hah, kelan pa yun nangyari?”

“Sa prom lang. Kaya sumama ka na sakin.”

“Ayoko nga. May prom din kami noh! Tyaka, mamaya batuhin pa ako ng mga kamatis ng mga fan girls mo. No way!”

“Walang mangbabato sayo ng kahit ano.”

“Ayoko pa rin. Yayain mo na lang kaya yung gusto mong yayain nung isang taon? Baka hindi na siya busy.”

“Hindi nga talaga siya busy. Niyayaya ko na nga siya eh.” Tapos niyayaya pa ako? Bastusan?

“Oh ano sabi niya?” Bigla na lang siyang nag roll eyes. Ano na naman ang maling sinabi ko?

“Yung yayayain ko last year, yun din ang niyayaya ko ngayon.”

“Oh tapos? Alam ko ang sinasabi mo. Ano nga yung sagot niya?”

“Dial-up nga talaga ang utak mo noh? Nakakapikon ka talaga.”

“Hoy! Hindi ko naman talaga alam. Malay ko ba kung ano ang sagot nung niyayaya mo! Tapos yayayain mo pa ako ngayon. Ano ako, reserve mo? Kapal mo din ah.” Ngayon naman tatawa siya. Ang gulo naman. Hay, makalabas na nga!

“Hoy, Agustin.”

“Oh anong nangyari sa’yo?” Nakasalubong ko sina ate Shine at ate Danica pag labas ko.

“Si pangit kasi! Yayain ba naman ako sa prom nila tapos yun pala may niyaya nang iba. Ano naman yun? Two-timer?” Lumabas ng pinto si Tristan.

“Huh? Ano? Tristan!” Ate Danica is glaring at Tristan. Wew, scary. “Anong sinasabi ni Ina?”

“Niyaya ko yung gusto kong maka-prom date last year since hindi na siya busy tapos ganyan na siya maka-react.” Parang wala lang sa kanya ah.

“Ahhhh..yung gusto mong maka-prom date last year?” Tapos tumingin lang sakin si ate Danica.

“Bakit po?” Tanong ko since natahimik pati si ate.

“Ina, actually,..”

“She won’t understand that. Don’t bother telling her. I’ll just find another prom date.” Binagsakan niya lang kami ng pinto. Christmas na Christmas ganyan siya kung umasta. Tss.

“Hindi ko talaga kayo naiintindihan! Ano ba kasing meron? Kakapikon na.” Bumalik na lang ako sa bahay since I know for sure na mabagal talaga ang pick-up ko. Eh malay ko ba naman kasi sa mga tumatakbo sa isip nila? At tyaka, sino nga yung gusto niyang yayain last year na niyaya niya ngayon since hindi na busy? Imposibleng si Valerie yun kasi ngayon pa lang naman nagparamdam ulit si Valerie. Sino pa ba ang ibang babae sa buhay niya? May hindi pa ba ako nakikilala? SINOOOOO??

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon