Chappie 41

3.6K 67 2
                                    

“Yun ang sabi ni Alona.”

“Si tita Alona ang nagsabi?”

“Baka mali lang ang pagkakaintindi ko.” Tch. Mali talaga, mama.

“Alam mo naman na si Valerie ang gusto nun eh.”

“Siguro nga. Sige, tulog ka na. Maaga pa tayo bukas.” Natulog na nga ako. Kinabukasan, maaga akong nagising. Actually, hindi naman ako masyadong nakatulog. Excited ako na nalulungkot. But I have to be strong.

After breakfast and everything, ready to go na kami. Sina mama at papa ang kasama ko papunta dun para daw makita nila yung titirhan kong dorm. Si ate nagtatrabaho na kaya nauna na siyang umalis ng bahay. Si kuya naman, inaantok pa nung paalis na kami. Graduation niya kasi kahapon kaya uminom siya kasama ng mga barkada niya sa banda. Kaya ngayon, ang tindi ng hang-over. Sus, if I know, ayaw niya lang akong makitang umalis kaya sinadya niyang magpakalasing. Yun ang text sakin ni ate Beatrice eh. Haha. Syempre informed ako lagi sa mga bagay-bagay.

Nag plane na lang kami kasi time consuming kapag nag bus lang kami. Since kahapon yung graduation ni kuya dapat nandun sina mama so hindi kami nagbyahe. Mas tipid sana kung sa bus kaso wala nang magagawa eh.

 Nakarating din kami sa EMAU kaso pagdating namin sa reception area ng dorm sabi daw sarado pa ang dorm building ko kasi inaayos daw. San na ako nito titira? Hay anu ba naman kasi yan!

“Is there a problem?” Whoa, si sir Dave. Namiss ko siya in fairness. “Oh, Mr. and Mrs. Agustin.”

“Hello, sir.” Bati nina mama.

“Uh, sir, the dorm’s being renovated so she can’t stay here yet.” Sabi naman nung receptionist.

“Is that so? Hm, you can stay in my house until then.” Ayoko, nakakahiya kaya.

“Just stay in my place.” Si Tristan.

“Tristan, ok then. Mimi, I’ll see you tomorrow for the practice. Bye sir, your child is safe here.” Hay salamat. Pero gaano ka-safe?

“Tristan, san ba ang condo mo?” Tanong ni papa.

“15 minute ride lang po mula dito. Samahan ko na po kayo.” Binitbit ni Tristan ang isa sa mga bagahe ko. Medyo madami akong dala kasi yung mga libro at mga pyesa ko kelangan ko daw dalhin.

Nag-taxi kami papunta dun. Tssss. Ang lapit lang naman pala. Ang mahal pa tuloy ng babayaran sa taxi.

Narating din namin ang condo ni Tristan. Naabutan namin si ate Mira na naglilinis. Ilang araw pa lang si Tristan dito tapos ang dami nang ginagawa ni ate Mira. Tsk, makalat talaga ang mga lalaki. Kawawa naman si ate Mira.

“Dito muna titira si Mimi hanggang matapos ang summer. Inaayos kasi ang dorm niya.” Sabi ni mama kay ate Mira. Close naman yan si mama at ate Mira.

“Oh, mabuti naman. Ang tahimik dito eh.” Haha. Kapag nag-ingay yan si Tristan, isang himala na yan. May spare room pa naman sa condo ni Tristan kaya ok lang. Malaki yung kwarto ko at comfortable din. Ang sosyal ng condo ni Tristan. Binili na daw to eh. More than a million pesos daw ang cost nito. Ang yaman talaga.

Inayos ni mama ang mga gamit ko. Apparently, makalat din ako sa mga gamit. Haha. Si papa naman andun lang sa labas kausap si Tristan.

“Ang mga gamit mo ingatan mo ha. Wag pakalat-kalat sa dorm mo ha. Mag-text ka pag nakauwi ka na sa dorm mo.”

“Mama, sa skul lang ang dorm ko.”

“Kahit na. Syempre lalabas ka nyan kasama ang mga kaibigan mo. At ngayon magpapraktis kayo para sa opening. Magtext ka pag nakauwi ka na dito sa condo ni Tristan. Yung ibang bilin ko wag mong kakalimutan ha. Magdasal palagi.” Wala na akong masabi sa mga bilin ni mama. Kapag kinontra ko kasi sermon na ang aabutin ko nyan. Pakinggan mo na lang, Mimi.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now