Chappie 9

4.1K 92 1
                                    

Hindi pa rin ako pinapansin ni Tristan. Lagi akong nagtetext tapos tumatawag pero wala pa rin eh.

Kung pumupunta naman ako sa bahay nila, hindi naman siya lumalabas ng kwarto niya. Ilang lingo na din ang nakalipas eh.

Nakakalungkot talaga.

Ngayon nga nasa EMAU ako para sa scholarship exam. Next year pa ako papasok pero mahaba daw kasi ang proseso para sa mga scholars kaya the earlier the better.

Pero sabi naman ni sir Dave, siya na daw bahala sa lahat ng aasikasuhin kaya wala na daw ako dapat ikabahala.

Si Tristan kaya kelan mag-eexam? Hay, hindi ko talaga siya maintindihan. Ano naman ang ikinagalit niya?! Tsk!

Pumasok na ako dun sa examination room. Kinakabahan pa nga ako kasi alam kong mataas ang standards nila. Hello, European standards ang sinusunod nila kaya talagang bigatin.

May mga pinatugtog saking pyesa. Meron ding mga scales, sight reading tyaka finger exams. Medyo madali na yun kasi bata pa ako tinuruan na ako nun. Pero baka hindi parin pasado eh.

Pagkatapos nun, pinatugtog nila ako ng kahit anong classical song daw na gusto ko. Eh favorite ko mga classical songs eh kaya yun. La Campanella ang tinugtog ko. Pero ngayon, kalmado na ako nung tinugtog ko.

Hindi nagsasalita yung mga examiner nung natapos ako. Feeling ko tuloy ang dami kong mali. Tsss.

“Ok, you can go.” Medyo down ako nung lumabas ako.

“Bakit naman ganyan ang mukha mo?” Si…TRISTAN!

“Ngayon ka din mag-eexam?” Namiss kong kausap siya. Sana naman ok na kami. =_=

“Matagal na akong nag-exam. Kinuha ko yung result ngayon.”

“Ano daw sabi?”

“Syempre pasado. Pasok na ako sa quartet na binuo nila.”

“Quartet?” 

“Oo. Hindi ko na kasi kailangang mag-exam eh. Sa mga group na ako pinapasali.” Sus, ang yabang na naman. Ok, fine. Siya na magaling.

“Magaling ka naman talaga eh.” Sabi ko nang nakataas ang kilay.

“Mimi!” Oy, si Ian. Akala ko nasa London pa siya.

Bigla namang nag-iba ang mukha ni Tristan. Ano na naman kaya problema niya?! May period na naman kaya siya?

“Hello!” Bati ko naman.

“Tapos ka na mag-exam?”

“Oo eh. Kinakabahan nga ako. Baka hindi pasado.”

“Pasado ka nyan.”

“Ah, nga pala. Si Faja..si Tristan, friend ko. Tristan, si Ian.” Nakakatakot naman si Tristan. Bakit naman ganyan ang itsura niya?

“Hello.” Inabot ni Ian yung kamay niya. Hay, sana naman maging magalang si Tristan.

“Hi.” Wow! Nakipag shake hands si Tristan!

“Tristan Fajardo, right?” Tanong ni Ian.

“Yup. We met before.” Oh? Really? OOooohh.. I don't like the atmosphere.

“Congrats for passing the quartet.”

“Congrats too for being the top student.” Parang..parang ang bait ni Tristan na parang hindi. Gets niyo? Siguro sa tingin ni Ian mabait si Tristan pero para sakin hindi eh.

“Tristan, Mimi.”

OH...

MY...

GULAY!!

Si Valerie?! Anong ginagawa niya dito? Wait, parang hindi ko gustong makita siya ah. Hindi naman masyado.

I mean, hindi talaga. Hindi ko lang siguro siya inaasahan na makita dito. Wait, baka dito siya mag-aaral. Alam ko nagbaballet siya eh. Prestigious school ang EMAU pati sa dance eh. Pero nasa London na siya diba?

“Hi Valerie.” Ang ganda na niya.

“Alis na ako. Pupunta pa ako sa chamber hall.” At ganun ganun na lang, umalis na siya. Hmm, baka naman ayaw niyang makita si Valerie.

Kasalanan naman ni Valerie eh. Umalis alis pa kasi siya. Hindi nga formal yung break-up nila eh. Nakialam ba? Haha. 

Magsesecond year kami nung naging sila. Tapos kalahatian ng second year, umalis siya. Alam kong mahal siya ni Tristan pero wala eh, nasaktan si Tristan. Hindi man lang kasi nagsabi si Valerie eh.

At ngayon, magfofourth year na kami. At baka same school pa kaming tatlo.

Wait, panu naman ako nasama sa drama nila?

Sinundan ni Valerie si Tristan. Sinundan ko din sila..ng tingin.

“Parang hindi maganda ang tingin mong yan ah.” Nakalimutan kong andito pala si Ian,haha.

“Ah, kasi mag-ex yan na dalawa. Nagulat ako na nandito si Valerie. Nasa ibang bansa na kasi siya tapos nandito na pala ulit siya.”

“Sa pagkakaalam ko, isa siya sa mga apprentice ng prima ballerina ng isang sikat na ballet school sa London. Pinapunta sila dito para magtraining. 3 years din ata ang training nila bago makagraduate. Sister school kasi ng school niya sa London ang EMAU.” Oh, kaya pala.

“Ah, kelan pala ang result ng exam?”

“Baka next month yan.”

“Isang buwan pala akong magnonovena. 30 divided by 9 equals..ahm.. ilan ba?”

“3.”

“Oh di 3 beses pala ako magpapaulit ulit ng novena. Ayos lang yun.” Tumatawa naman si Ian.

“Nakakatawa ka naman. Gusto mong itour kita?”

“Oh sure! Tara.” Unang pinuntahan namin ang Beethoven Building. Ang cute ng mga name ng buildings dito.

Puro mga musicians at artists ang pangalan kaya nakakatuwa. Haha.

Sa Beethoven Building ang mga nag-aaral ng piano which means dito ang building ko para sa mga major subjects. Ang daming mga music rooms at airconditioned pa. Syempre, soundproof din. Mababait din yung pinakilala sakin ni Ian na mga estudyante.

Sunod naman sa Paganini Bldg. Dun naman ang mga nagviviolin. Ang gagaling nga ng mga estudyante! Super! Na-amaze nga ako dun sa isa eh. Bigatin ang mga tinutugtog niya.

Kung saan saan pa kami pumunta. Pero ang pinakapaborito ko as of now ay yung Music Garden. Marami kasing flowers at mga bushes at napakatahimik din.

Konti lang ang pumupunta dito kaya napaka serene. 

Anong klaseng mga memories kaya ang mabubuo sa lugar na to?

==READ, COMMENT, VOTE, LIKE! TELL ME WHAT YOU THINK OF MY STORY! THANKSIE! <3

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now