Chappie 47

3.8K 64 1
                                    

WHAT THE HECK? SINABI NIYA BA TALAGA YUN?

Shemay, inaantok na ako kaya automatic na din yung paglabas nun sa bibig ko. Kapag sa bahay kasi, ganyan ako minsan. Magsasabi ako kay mama at papa ng goodnight/I love you bago matulog.

Tsk.

Pero at least, sinabi niya na mahal niya ako.. Kahit alam kong as friends lang. O kahit trip niya lang yun.

Grabe naman ngayong araw. Matutulog na nga lang ako may weird pa na pangyayari. Hay.

Itulog mo na nga yan, Mimi!

Kinabukasan, sabay kaming pumunta ulit sa skul. And this time, talagang pinagtinginan ako ng mga tao. Ganun ba talaga ka-heartthrob si Tristan at grabe ang mga tao dito kung makatitig sakanya?

Umagang umaga eh. Bahala nga kayo sa buhay niyo. I don’t really care. Sus, sanay na ako sa mga ganyan. Wala na akong pakialam kung pag-usapan pa ako ng mga tao. Walang mawawala sakin kung pag-usapan nila ako.

Mimi, relax lang. Don’t mind them.

“Yo!” Si Darren lumapit samin. Nasa parking area pa lang kami ng mga bike. Hay naku, heartthrob din tong si Darren eh. Dalawang heartthrob. San ka pa? Baka mamaya nito may umabang na sakin sa kanto at ipa-salvage na ako.

Diyos ko, wag naman sana. Typical kasi sa mga palabas sa tv ang mga ganyang bagay diba? Aawayin ng mga tao yung bidang babae kasi close siya dun sa campus heartthrob. Tapos pag-uusapan ka sa mga CR, or may ilalagay sa locker mo na death threat, or huhulugan ka ng something kapag dumaan ka sa baba ng stairs. Or pinaka-common yung kakaibiganin ka nila pero may masama palang plano.

Sus! Lahat na ata ng klaseng palabas na may ganyan napanuod ko na. What’s new?

Wait. So ako ang bidang babae at si Tristan ang leading man ko? Hah, syempre, kwento ng buhay ko ‘to no!

Kahit pa may Valerie na siya..?

Eeeee, tama na. Stop na okay?

“Tristan, musta na ang progress ng quartet mo? Mga bigatin ang kasama mo ah. Baka kayo ang pumunta sa Vienna nyan.” Inakbayan ni Darren si Tristan. Wow, ang gagwapo talaga. Argh, stop stop!

“Yun ang gusto naming lahat.” Hindi yun pwede! Dapat kami ang pumunta!

“Well, hindi yan mangyayari. Kasi kami ang makakapunta dun.”

“Lakas ng loob ah. Bilib na talaga ako sayo.” Puri ni fafa Darren. Shame, crush ko na talaga siya!

“Tingnan natin. Sige, alis na ako.” Sa kabilang building ang practice nila.

“Mukhang determinado ka ata ah.”

“Gusto ko lang kasi malaman kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Tara na!” Tumakbo ako papuntang practice room namin.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon