Chappie 36

3.7K 75 3
                                    

“Thanks din sa pagyaya sakin.” I have to say something or he might notice what’s going on.

For the first hour, kumain lang talaga ako. Mabuting may mga umupo na sa table namin kundi sobrang awkward talaga. Hindi naman nagtatanong ang mga ka-table namin pero I felt their stares and probably glares.

Si Tristan naman paalis-alis kasi biglang nagkakaproblema sa program at sa sound system. Eh sa matalinong bata yun kaya nasosolusyunan niya agad. Wala naman akong paki kung umalis siya. Bumibilis ang tibok ni little miss heart kapag umuupo na siya sa tabi ko eh.

“Would you mind dancing with me?” Sumusubo ako eh tapos bigla namang may susulpot na nilalang. Nasan ba ang bride nito at naghuhunting ng iba?

“Uhm,..” AYOKOOOOO! “Sure.” Psh talaga! Gustuhin ko mang tumanggi, I should still know etiquette. Hay, deym!

So pumunta na nga kami sa dance floor. Ang gagwapo naman ng mga schoolmates ni Tristan. Pero may evil aura sa lalaking to eh. Ang scary lang.

“What’s your name?” Magsinungaling kaya ako? Baka kasi mahanap ako nito sa facebook eh. Assuming lang,haha.

“Nana.” Kim Nana? Haha, assuming lang talaga. Asan na kaya ang aking City Hunter? Wahahah.

Haha, pero nickname ko naman ang Nana nung mga bata pa kami eh.

“Pretty name. It suits you.” Mga bolero talagang nilalang sa earth naglipana. Hay, kawawa naman ang mabibiktima nito. Well, hindi ako tanga kahit minsan oo. Ang mga ganitong klaseng flirting chuvaness ay hindi umuubra sakin.

“Thanks.” Blank face na ako kasi hindi ko nagustuhan ang nakita ko. May kasayaw si Tristan na iba. But why do I hurt? He’s not mine!

“Are you alright? You look pale.”

“Yeah, I’m hurt.”

“Where?” Seryoso bang concerned to? Mukhang masyadong worried eh.

“Nothing. ^____^” Tinapos lang namin yung kanta tapos hinatid na niya ako sa table ko. Hindi man lang siya nagpakilala. But as if I care.

“Ayos ka lang?” Si Tristan nandito na pala. Tumango na lang ako. “May ginawa ba yung lalaking yun sayo?”

“Wala. Feeling ko nga na-bore siya sakin eh.”

“Kanina ok ka naman ah. Umupo ka lang dito ha.”

“Bakit ako uupo lang? Wala ba akong karapatang sumayaw?” Mukhang nagulat siya. Ang taray ko kasi. Bakit naman kasi ako naiinis? Aish naman kasi.

“Ano ba problema mo?”

“Wala, sorry.” Masaya na dapat ako eh. Umalis na siya at may kinausap siyang babae. Alam ko kung ano ang tawag dito eh. Antok na ako diba? Tama, antok lang ako kaya nagkakaganito ako.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now