Chappie 62

3.2K 66 9
                                    

A/N: Another chapter! Enjoy reading. =))) Abangan ang unti-unting pagbabago ni Miss Uod. Mauunawaan na ba niya ang kanyang sariling damdamin? Oh magpapatuloy pa rin ang kanyang kabobohan,haha. At ano nga ba ang magiging papel ng pagbalik ng dating lalaki sa kanyang buhay?

___________________________________

Natapos na din sa wakas ang praktis namin. Oras na para sa pananghalian. Pero wala na akong ganang kumain. Gusto ko ng chocolate.

“Ate, let’s eat na!” Si Stacey.

“San mo gustong kumain?” Buti na lang nandito si Stacey para magpagaan ng loob ko. Pero ano nga ba ang nangyari sakin? Si Marvin kasi! Si Marvin nga ba?

“Sa Jollibee!” Bata talaga.

“Tara.” Sama-sama kami ngayong lunch. ‘Kami’ means Valerie and friends, plus Tristan and friends, and of course, me plus friends. So madami kami, in short.

Hindi pa rin ako kinakausap ni Tristan. Usually hindi naman ako nalulungkot kapag ganito eh. I hate what’s happening to me. I really do. Parang gusto kong iumpog ang sarili ko sa nangyayari sakin.

Am I changing? Dahil ba sa iba na ang mundong ginagalawan ko kaya ganito?

Naoccupy namin ang buong Jollibee. Well, almost. Magkakasama kami nina Kiara sa isang table tapos sina Tristan naman sa katabing table.

Dahil nga wala akong gana kaya burger lang ang inorder ko plus float. Wala talaga akong gana na kumain ng kanin or anything. Napilitan na lang ako kasi si Kiara pinilit akong kumain.

“Yan lang ang kakainin mo?” Tanong ni Ian.

“Hindi naman ako gutom. Busog pa ako.” Sinungaling. Sinong mabubusog sa dalawang piraso ng pancake?

“Kahit na. Dapat kumain ka.” Sabi ni Chelsea.

“Pagkain naman to ah. Hindi talaga ako gutom. Ok lang ako.” Inuna ko yung sundae part ng float, as usual. Baka matunaw kasi.

“Ate, fries oh~” Lumapit sakin si Stacey na dala-dala yung pack ng medium fries.

“Hindi ako kumakain niyan, baby. Kuha lang ako ng konti ha. Sayo na yan.” Ayoko talagang kumain ng fries. Nasusuka ako for some unknown reason. Pramis! Pero since si Stacey ang nagbigay, kumuha na lang ako. Baka mahurt siya eh.

“Masarap yan. Kainin mo.” Masarap? Kailangan ko talagang kainin sa harap niya? Ok lang sana kung yung plain fries pero Sour Cream flavor ‘to eh. Nakakasuka lalo. Ahuhuhu. Somebody help me.

“Oo, kakainin ko mamaya.” Ngumiti na lang ako nang bonggang-bongga para makumbinsi na kakainin ko nga. Please, makumbinsi ka naman Stacey!

“Kainin mo na~” Ahuhuhu, wala na nga akong ganang kumain, papasukahin pa ako ng batang ‘to. T_____T

“Stacey, halika dito.” Tinawag siya ni Tristan. Lumingon si Stacey sa direksyon ni Tristan at sinamantala ko na isubo kay Darren yung mga kinuha kong piraso ng fries. Tumawa lang yung mga kasama ko sa table.

“Kakainin pa ni ate Mimi.” Tapos tumingin ulit siya sakin. Kunwaring may nginunguya ako.

“Masarap siya. Salamat, Stacey.” Wew.

“See? ^____^” Tapos pumunta na siya kay Tristan.

“Sorry ha.” Sabi ko kay Darren. “Ikaw kasi pinakamalapit eh.” Katabi ko kasi siya,haha.

“Bakit ayaw mo ng french fries? Ang sarap kaya.”

“Ayoko lang. Simula pa bata ayaw ko na dyan.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now