Chappie 29

3.8K 75 1
                                    

Naglakad na kami pauwi. Trip ko lang maglakad. Na-bankrupt kasi ako sa paglaro namin sa arcade kanina. Ayoko namang sabihin kay Tristan kasi nakakahiya na. I mean, marunong naman akong mahiya noh.


“Hoooooy!” Bigla na lang akong hinila ni Tristan mula sa likod. Tatawid kasi ako sa red lights. As usual.


“Ano ba?! Hindi ka ba marunong tumingin ng mga signs?! Alam mo naman siguro meaning ng red lights, diba?!” Aray, masakit sa tenga.


“Hindi pa naman ako nasasagasaan eh. Tyaka wala namang mabilis na sasakyan eh.” Watta reason.


“Hihintayin mo pang masagasaan ka para tumino ka?! Umayos ka nga, Bettina!” Galit na siya. Complete name ko na ang binanggit niya. I mean kapag Bettina na ang ginamit niya, iba na yan. Kapag Mimi, mild pa lang. Pero kapag full name with middle name, naku kailangan ko ng magtago niyan!


“Oo na. Sorry na, boss.” Naluluha na ako. Sigawan ba naman kasi ako. Ayoko pa naman ng sinisigawan. Kung si mama ok lang pero kung ibang tao, masakit sa feelings eh.


“Huwag kang iiyak.” Mahina na yung pagkakasabi niya.


“Huwag ka na kasing sisigaw!” Sinigawan ko din siya.


“Eh hindi ka tumitino eh! Pano na kung wala ako, ano na mangyayari sayo?”


“Hindi ko naman sinasabing bantayan mo ako ah! Kahit pa sinabi sayo ni Robbie na bantayan ako or something, hindi mo naman kailangang gawin yun.”


“Hindi ko ginagawa yun dahil sa sinabi ni Robbie, ni kuya Alex o ng kung sino pa man. Pinoprotektahan kita kasi gusto k..ko. Ayokong napapahamak ka.”


“Kasi kaibigan mo ako. Yeah right. Tara na nga, baka mag-away na naman tayo.”


“Ewan ko sayo.” Nauna na siyang naglakad. Alam kong galit na yan. Pero haler, lagi naman akong ganito eh! Ano pang ikagagalit niya?


Pero kailangan ko na talagang tumino. I’m gonna be alone in college life.


I mean, wala na akong kuya na mauutusan na dalhin sakin ang gamit kong naiwan sa bahay. Wala na akong mama na pupunta agad sa skul kapag napapunta ako sa clinic. Wala ng papa na susundo sakin pag nagabihan na ako sa skul o kung saan man. Wala na din akong ate na mauutusan kong bumili ng kung ano. Kasi malayo na sila sakin. They can’t be there when I call..’cause we’re gonna be miles away from each other.


Kahit sabihin pa na nandyan si Tristan, alam ko naman na may sarili na yang mundo kapag college na kami. Parang It Started With A Kiss lang yan eh. Nung nagcollege na sila medyo hindi na sila masyadong nag-iinteract kasi mas matalino si guy at dahil nga gwapo siya, may naattract sa kanyang mas BETTER na girl. Pero since may Valerie na nga si Tristan eh di hindi yun problema.


Ang problema ko lang ngayon ay kung mag-iba na ang pagtrato sakin ni Tristan dahil iba na ang grupo ng mga tao na makakasalamuha namin. For sure, hindi na niya ako masyadong papansinin niyan. Of course, mas ahead naman talaga siya sakin when it comes to everything. Kahit magaling ako, mas magaling siya at mas maimpluwensya.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant