Chappie 25

3.8K 72 1
                                    

Maaga pa lang, nagising na ako on a Saturday morning. 6 am actually nakaupo na ako sa may kusina at lumalantak ng hotcake.

“Ano na namang milagro ang nangyari at nandito ka na?” Tanong ni kuya. Pati si papa naki-agree na din. Tsss, mga lalaki talaga.

“Birthday ni Tristan. May plinano kami ni Valerie kaya dapat maaga pa lang nasa ayos na ang lahat.”

“Nasa ayos? Kung organizer ka ng plano niyong yan, well, siguradong sabog yan.”

“Kapal mo talaga! Ang sama mo ah!”

“Oist nasa kainan kayo. Akala ko ba may party si Tristan?”

“Papa, malabong mangyari yan kung si Tristan Fajardo ang may birthday.” Sabi ko.

“Eh panu kung wala siya sa bahay nila?”

“Ako na ang bahala dun! Sabi nga ni Paulo Coelho, kung gusto mong gawin ang isang bagay, the universe conspires just so you can get it.” Aba, nagbabasa naman ako ng mga de-kalibreng mga libro noh!

*Claps, claps* “Iba ka na talaga, Bettina!” Si ate naman ang sama ng ugali! Ang sarcastic ng pagkakasabi!

Hmpf!

“Tse, osha mga kaibigan, ako’y aalis na at marami pa akong pagtutuunan ng pansin.” Inayos ko muna yung mga gamit na kakailanganin. Tapos, umalis na ako.

Una kong pinuntahan si Crystal. Siya kasi ang gumawa nung banner. Hindi na namin nasabihan ni Valerie sina ate Danica kasi madalas madulas ang mga dila nung mga babaeng yun. Lalo na si Stacey! Naku!

Kaya sinekreto na lang namin. Syempre with the help of Crystal. Friends na din sila ni Valerie.

“Eto na yung banner. Tapos yung mga designs. Oh anu, ready na?”

“Oo ok na to. Tara na sa bahay ni Valerie.”

At yun na nga. Nakarating din kami sa bahay ni Valerie. Ganun pa rin naman yung bahay ni Valerie. Mansion pa rin naman. Nakakamiss tuloy.

“Oh my, Bettina ikaw na yan?” Kuya ni Valerie. Si kuya Donn. Ang gwapo pa rin! Walang kupas! Wew!

“Opo, kuya. Musta ka na po?”

“Eto, ikakasal na.”

“WHHHAAAAT?” OUCH! Hahahah!

“Ayaw mo?”

“Nakakagulat lang. Huli kong pagkakita sayo eh may gatas ka pa sa labi.”

“Kung makasalita ka parang mas matanda ka pa sakin ah.” Tapos ginulo niya buhok ko. “Imbitado ka sa kasal ko ah. Bridesmaid ka na.”

“Grabe, ngayon lang tayo nagkita tapos bridesmaid na agad?”

“Hay naku Bettina, pasalamat ka nga at sinabihan ka pa niyan. Kung di kayo nagkita, magugulat ka na lang na kasama ka sa wedding invitation.” Sabi ni Valerie. Kakababa pa lang niya sa hagdan.

“Plano ko naman talagang isama si Bettina sa entourage eh. Kaya, maghanda ka na ah.”

“Kelan ba yan?” Tanong ko.

“Hindi pa nga yan nagppropose eh!”

“Kuya naman, di ka pa pala nagppropose eh!”

“Oo malapit na. pinag-iisipan ko pa ang concept.”

“Sino ba ang malas na babaeng yan?”

“Ynna Dy.”

“Ynna Dy?” Nakakagulat naman si Crystal.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon