Chappie 40

3.7K 71 4
                                    

Total awkwardness. I mean, DUH PANO KAMI MAGKAKAROON NG KAMBAL?!!

“Can’t you shut up? Namumuro ka na sa mga joke mo ha!” Sinipa ko siya sa paa niya kasi nakakainis na talaga siya eh. Ang serious pa naman ng mukha pag nagjojoke kaya talagang BINGO na!

Pero nakakalungkot din kasi puro siya joke. Totohanin niya na lang kaya? I hate this. Tch. Bakit ba kasi nagkakaganyan siya? Lack of people to make fun of? Andyan naman mga kaibigan niya ah.

After nung graduation, bihira na kami magkita ni Tristan kasi nauna na siya sa EMAU for preliminary processes chuvaness. Ako naman buhay bakasyonista. Nah, actually, last day ko na sa lugar na ‘to. Kailangan ko na pumunta sa EMAU bukas kasi may summer orientation pa and practice para sa opening ng school year.

Sinusulit ko na ang mga oras kaya naglakad-lakad na ako sa subdivision. Nagpaalam na din ako sa mga lolo at lola na kaibigan ko. Malulungkot daw sila kasi wala na daw magpapatawa sa kanila. At eto ang mas weird, wala na daw magpapakilig sa kanila. Kapag naghahabulan o nag-aaway kasi kami ni Tristan, witness sila kasi buong subdivision ang nalilibot namin.

Anyway, college na ako soon. Sa dorm ng skul ako titira. Sana lang talaga mabait ang roommate ko. Kundi, magpoprotesta talaga ako. Ngek, OA naman. Basta sana mabait siya. Si Tristan naman sa condo titira. Since hindi naman nun kaya maglinis ng tirahan niya, sasama si ate Mira, yung medyo matandang katulong nila. Matagal na sa kanila si ate Mira kaya safe naman daw si Tristan kesa sa maghahanap pa ng katulong dun.

Bumalik na ako sa bahay. May handa pala ngayon para sa pag-alis ko. Parang pinapalayas na tuloy ako sa bahay na ‘to. Mamimiss ko tong bahay. Sembreak lang kasi ako makakauwi nito eh.

“Tara na, kain na.” Naiiyak na ako. Iiwan ko na sina mama. Hanggang ngayon di ko pa rin feel na aalis na pala ako. Pero kailangan kong kayanin. This is for us.

For my family.

For my twin who dreamt of seeing me in an orchestra.

For me.

Usual self ko pa rin ako hanggang sa matapos kaming kumain at magligpit ng kinainan. Pero pagpasok ko sa kwarto ko, lahat ng pretenses ko wala na. Lumuluha na ako habang nakahiga sa kama.

Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si mama. Hindi talaga marunong kumatok ang mga nanay. Ambush lagi eh. Kaya wala kang takas.

“Umiiyak ka.” It wasn’t a question. It was a statement. Alam niya ang nangyayari. Madilim sa kwarto ko pero ewan ko ba kung bakit niya alam. Siguro ganyan lang talaga ang mga mama. They can feel the things you hide inside even when you don’t tell. Well, yung ibang nanay lang siguro.

“Mama.” Umupo siya sa tabi ko after niyang buksan ang ilaw. Bigla ko naman siyang niyakap. Automatic sakin na kapag niyakap siya, umiiyak agad. There’s just something with her hug. Napaka-warm. Comforting. I feel safe.

“Andito lang kami kung may kailangan ka. Tandaan mo lagi na hindi ka namin iiwan. Pag may problema ka, magsabi ka lang. Just do your best, anak.” Dahil nga umiiyak ako, hindi ako makasalita.

“Malaki ka na. Malaki na ang mundo mo. I know, magiging mahirap pero sana kayanin mo lang. Hindi magiging madali pero sana mag-enjoy ka kasi yan naman ang gusto mo diba? Kahit ayaw namin na malayo ka samin, kailangan naming suportahan ang gusto mo..kasi mahal ka namin. Ayaw namin na ipilit sa’yo ang ibang kurso kasi hindi naman kami ang mag-aaral. Talented ka, anak. Napatunayan mo na yun samin. We’re very proud of you. Wag kang susuko.”

“Opo.” Nagawa ko ding magsalita. Hay, how can life be this hard?

“Tandaan mong may mga nakagabay sayo lagi. Nandyan din si Robbie na binabantayan ka. Isipin mo lang na marami kang pangarap at kailangan mong tuparin ang mga pangarap mo. Wala kaming pakialam kung manalo ka sa mga kompetisyon o kung ano pa man. Hindi mo kailangang manalo lagi sa mga laban. Pinakaimportante sa lahat ay ang tapusin mo ang laban na pinasok mo. Kung magkamali ka man, natural lang yun pero dapat matuto ka sa huli.” Nagmimistula nang litaniya ang mga sinasabi ni mama pero hindi pa rin tumitigil ang luha ko. Usually naman ginagawan ko na lang ng biro ang ganitong mga usapan kasi masyadong masakit sa lalamunan ang umiyak. Pero ngayon, unstoppable ang drama ng mga mata ko.

“Nagpapasalamat kami na binigyan kami ng Diyos ng isang anak na katulad mo. May mga oras na akala namin hindi mo na kakayanin ang mga bagay-bagay sa mundo pero nanatili kang matatag. Lagi mo kaming ginugulat sa mga ginagawa mo. I’m very proud of you. Nandito lang si mama ha.” Pinupunasan niya na ang luha ko.

“I love you mama.”

“I love you more than you’ll ever know.” May mga taong ayaw sa mga nanay nila. Siguro may ginawang mali ang nanay nila. O baka mali lang sila sa kanilang paningin sa kanilang mga ina. I know, hindi ko masisisi ang kahit sino sa kanila—ang nanay o ang anak. Hindi ko alam ang kwento ng bawat tao.

But this one thing I know for sure.

Sabi nga sa palabas na napanood ko, mothers are supposed to make your pains go away. They’re supposed to hold you and, tell you everything is going to be alright. They’re supposed to tell you that thunder is angels bowling. And that it’s okay to be afraid of the dark and that it’s not silly to think there might be monsters in your closet and that it’s okay to climb into bed with them just this once, cos it’s scary in the room all alone. They’re supposed to say it’s okay to be afraid and not be the thing you’re afraid of. But most importantly they’re supposed to love you no matter what.

“Isa pa palang paalala, wag ka munang magboyfriend ha.” Natawa naman ako dun. Si mama talaga.

“Ako pa?”

“Pero kung katulad lang din naman ni Tristan ok lang.”

WHAT?!

“Wala nang tutulad pa kay Tristan. Unique yun, mama.”

“Ok, irephrase ko. Kung si Tristan lang naman magiging boyfriend mo, ok lang.” ????

“Mama, what are ya sayin’?” In-english lang? Haha. Weird naman ng mama ko.

“May gusto siya sayo diba?”

“HUH?!”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now