Chappie 50

3.8K 74 13
                                    

Days passed after nung magkasakit ako at halikan ko sa pisngi si Tristan. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan. Pano naman kasi, tiningnan niya lang ako na parang ewan nung ginawa ko yun. Pinagsisisihan ko na tuloy. Pero pagkatapos naman nun, balik sa dati ang buhay namin. Parang walang nangyari. Kaya ganun pa rin naman kami.

Inaaway pa rin niya ako lalo na kapag late na ako nagigising. Late na ako nagigising dahil sa sobrang pagod sa mga praktis.

Tapos nagsimula na din kaming magpraktis ni Tristan para sa duet namin sa opening. Ave Maria by Franz Schubertang napili namin na tugtugin. Ako ang tutugtog ng higher notes tapos siya naman sa lower para balanced. Nagpatulong siya sa professor niya sa pag-arrange nung music score. Hindi naman kasi yun originally para sa duet. Sa mga children’s piano book kasi may mga simplified na Ave Maria duet pero siyempre pambata pa yun kaya hindi pang-performance level.

Isa din sa paborito ni Tristan ang Ave Maria kasi sa anime na La Corda d’ Oro Primo Passo, maganda yung pagkatugtog nun sa violin duet. Maganda talaga. Pinag-aralan din nga namin yun sa violin eh. Yun lang ang nagustuhan ni Tristan na anime.

Nakatulog na ako sa kakabasa nung mga nota. Hindi pa kasi ako masyadong familiar sa mga bagong nota na nakalagay sa arrangement nung professor ni Tristan. Pero madali ko naman napag-aralan kasi sanay na ako sa biglaan na changes sa pyesa.

Sunday naman ngayon kaya ok lang masobrahan ng konti sa tulog. Hindi ko pa gustong bumangon. Tapos biglang bumukas ang pinto.

“Gising na!” Ano ba naman ‘tong impaktong ‘to?! Hindi na nga marunong kumatok, sinigawan pa ang natutulog! Wala talagang ugali kahit kailan.

“Oo na~” Tumayo na ako. Napaka strikto talaga nitong lalaking to pagdating sa praktis.

Binilisan ko na nga sa pagligo at lahat-lahat. Ang aga kasi nyan magising. Haaaay. Pagkatapos kong maka-sipilyo, diretso na ako sa kwarto niya. Dun kasi nakalagay yung piano niya.

“Bakit ganyan ang ayos mo? Parang pambahay.”

“Magpapraktis lang naman tayo ah.”

“Sinong nagsabing dito tayo magpapraktis? Kulang ng isang piano. Subukan mong magpraktis sa isang piano.” Ok, fine. Ako na tanga. Dalawang piano nga pala ang kailangan namin. Tsk.

So ayun, palit na naman ako ng damit. Tapos umalis na kami. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta eh.

“San tayo pupunta?” Tanong ko nung nasa taxi na kami.

“Sa kaibigan ko.”

“Sinong kaibigan? Akala ko ba magpapraktis tayo?”

“Sa bahay niya tayo magpapraktis.”

“Ok lang ba sakanya?”

“Oo naman.” Hindi naman sinagot kung sinong kaibigan. Pero nakakahiya kaya yun na makiki-intrude kami sa bahay ng kaibigan niya para lang magpraktis.

Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating kami sa isang subdivision. Kapag sinabi ni Tristan na kaibigan, asahan na dapat na mayaman yan. Ang sosyal kaya ng subdivision na ‘to. Ang daming CCTV tapos ang strikto ng mga guard. Tinawagan nga muna ng guard yung bahay nung kaibigan ni Tristan bago kami pinapasok. Ang OA lang talaga!

“Sino ba kasi ang pupuntahan natin?” Pinipilit ko na siya. Mamaya kasi niyan kung sino na yan na hindi ko naman kilala tapos..

“Bettina!” Familiar yung boses ah. Wait nga lang. Ow Em Dyi~~

“Warren!” Tumakbo ako agad at niyakap si Warren na kalalabas palang sa isang grocery store. Sosyal talaga ang subdivision na ‘to. May grocery store pa talaga. Anyway, ang gwapo pa rin talaga niya ever. Hawig lang sila ni Tristan pero dahil nga pala-ngiti si Warren, mas gwapo siya,haha.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now