Chappie 84

3.4K 103 40
                                    

A/N: Okay mga kaibigan, ihanda ang panyo at ilayo ang ano mang bagay na maaaring masira. Wag po kayong magagalit sa update na 'to. Kung magalit man kayo, wag saakin. Sakalin niyo na lang ang katabi niyo. Kung wala kayong katabi, andyan si Twinkle hindi niyo lang napapansin,hahaha! Pero seriously, wag talaga kayong magagalit ha? Mahaba tong update. Ok lang kung walang comment o vote basta wag niyo lang akong iflood ng hate messages ha? Friends tayo ha? Walang iiyak sa chapter na 'to ha? Peace lang ha?

____________________

Inaapoy na ako ng lagnat. Nanginginig na rin ako. Naririnig ko ang mga boses ng mga tao pero hindi ko kayang imulat ang mga mata ko.

“Luto na yung mainit na sabaw.” Rinig kong sabi ni Chelsea.

“Malamang mainit yung sabaw. Bagong luto diba? Alangan namang malamig agad yung bagong luto? San mo niluto? Sa yelo?” Natawa naman ako sa sinabi ni Darren. Ang bakla lang ng lalaking yun. San niya kaya yun napulot? Astig lang eh! Hahaha!

“Shhh, silence please. She’s sleeping.” Boses yun ni kuya Storm.

“Lumabas ka nga dito sa kwarto ng babae.” Pagsusungit ni ate Shine. Wait, nandito siya??

“Ate?” Biglang mulat ko ng mata.

“Nagising ka?”

“Obvious ba?” Mahinang sabi ko.

“Wag kang mag-alala, napagalitan ko na ang dapat pagalitan. Hindi ka dapat nagkakasakit eh.” Galit si ate. Sino kaya pinagalitan niya?

“Sino pinagalitan mo?”

“Si Valerie, Tristan, Nick.” Umupo ako.

“Galing mo talaga. Idol kita. Nasaan na sila?” Tanong ko.

“Nasa labas. Nagrerecollection sila dun. Ang tatahimik eh. Kulang na lang siguro magtirik ng kandila sa altar tapos may litrato mo.” Sagot ni Chelsea. Haha. Toinks talaga tong babaeng to.

Konti lang ang tao sa loob ng kwarto. Kasama na dun si kuya Storm. Feel ko talaga ang tension sa pagitan nila ni ate,haha.

“Pasalamat sila mild lang ang pagkakagalit ko sakanila. Kung si Alex yun, dedokz na yan si Tristan. Si Valerie ang nasabon ko.”

“Uy, grabe ka naman!” Sigaw ko. “Concerned citizen lang naman si Valerie eh. Dapat sina Tristan ang nilampaso mo!”

“Si Alex na ang bahala sa dalawang yun. Papunta na yun dito. Katatapos lang daw ng meeting niya.”

“Teka lang. Bakit ka pala nandito?” Tanong ko kay ate. Kasi naman hindi naman siya dito nagtatrabaho noh. Medyo far far away pa eh.

“May eroplano, Mimi. Nung magtext sakin si Valerie, sinabihan ko agad sina mama tungkol sa nangyari sayo. Sabi nila puntahan daw kita at alagaan. Wala naman kasing ibang makaka-alaga sayo dito kundi kaming kapatid mo. Syempre may mga pasok ang mga friends mo.”

“Pano ang trabaho mo?”

“Ok lang yun. Di naman ako nagleleave kaya ok lang. Mas importante ka, okay?” Nakaka-teary eyes naman ang pagmamahal ng isang ate.

“Eh sina mama?”

“Di na daw makakapunta. Pero nagpadala naman si mama ng mga herbal medicine tapos may mga gamot din. At syempre, isang mahabang sermon ang pabaon niya. Mamaya ko sabihin. Baka mastressed ka kapag narinig mo ngayon.”

“Hanggang kailan ka dito?”

“Hanggang gumaling ka. Oh ito, kumain ka muna. Nagluto si Chelsea ng mainit na sabaw.” Pagkasabi ni ate ng ‘mainit na sabaw’, napatingin ako kay Darren at tumawa.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now