Chappie 76-Childhood Memoirs(The Green letter)

3.2K 69 19
                                    

A/N: Happy reading.

____________________

Ayan, green na ang babasahin ko. Pang-apat na sulat.

mimi,

hindi ako hinga ng maayos Kasi yung gamot ata pero eto may sasbhn ako

si tristan pasayahinmo lagi ah lagi kasi siyang natuttwa sa mga kalokohan mo atska sa mga ginagawa mo

sabi nya nakakatwa kang kasama wag mo siyang iiwan ha

sige tulog na ako

Kelan pa talaga ako naging clown? Natutuwa si Tristan sa mga kalokohan ko?! Ano to malaking joke? Baka noon oo. Pero wait, wala akong maalala. Kapag nagjojoke kasi ako sinusungitan lang ako ng Tristan na yun. Oh di kaya magtataas lang ng kilay. Take note, nung bata pa kami nyan ha! Akala ko nga bakla yun dahil sa pagtaas niya ng kilay.

Anyway, bakit ko siya pasasayahin? Naku naman Robbie. Kahit ikaw ang gustong humiling nyan hinding-hindi ko ata yan magagawa! Malamang, tinatawanan lang ni Tristan ang mga kapalpakan ko. Yun naman talaga yun eh.

Hay, maibalik na nga tong sulat sa kinalalagyan nito. Sorry, Robbie. I think I can’t do what you want me to. I want to but I think, Valerie is the one who will make him happy. It’s not me.

But it saddens me that I am not the one who can make him happy.

“Robbie, bakit ganun? Gusto kong ako ang maging dahilan ng mga ngiti niya pero bakit hindi ko magawa? Ang daming kulang sakin eh. Alam mo naman siguro na lagi lang akong nagpapasakit ng ulo niya. Sana ako na lang dahilan ng mga ngiti niya. Pero imposible eh. Laging iba ang ngiti niya pag kasama niya si Valerie. Kasi mahal niya si Valerie.” Napaluha na ako. Wala na eh, tumulo na. Inunahan na ako ng mga luha.

~~~

“Mimi, tawag ka ni sir Dave sa office niya ngayon na.” Sabi sakin ni Prof. Mitchie pagkatapos ng klase namin sa Theories.

“Ah, sige po thanks.”

“Hala ka, may kasalanan ka.” Sabi ni Kiara.

“Ano naman kasalanan ko?”

“Nagpeperform ka daw kasi outside school. At sa bar pa~”

“Huy, anong bar pinagsasasabi mo dyan? Baliw, resto yun!”

“Bar daw eh. Nalasing ka pa nga daw.”

“Hoy Mrs. Scott! Anong lasing-lasing?! Baka ikaw ang lasing nung isang gabi! San ka galing nun ha? Sino ang kainuman mo?! Yung Anthony? Sino?!” Hahah, binibiro ko lang naman siya. Pero totoong lasing siya nung isang gabi pero sa dorm siya uminom. And mag-isa lang siyang uminom. Ayoko nga siyang damayan. Hahaha. Ang sama ko. Pero hindi naman niya ako niyaya eh. May problema ata sila ni Marvin.

“Sino ang Mrs. Scott?” Nakakalokong tanong ni Ian.

“Shaddap!”

“Asus, kunwari pa eh kinikilig ka naman dyan. Oy, bridesmaid ako ha.”

“Bridesmaid ka dyan! Ikaw ang mauunang ikakasal sating dalawa!”

“Magmamadre ako!”

“Weh?” Sabay sila ni Ian. Tsk.

“Hindi ako magpapakasal!”

“Bakit naman? Maraming lalaki sa earth noh!”

“Mauuna ka muna. Hindi ako magpapakasal hanggang hindi ka pa kasal. Maliwanag ba? Sige, babush!”

“Hoy sandali, pustahan na lang tayo.”

“Sige ba, anong pustahan yan?”

“Kung sino ang maunang ikasal dapat ibibigay ang hiling ng isa.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now