Chappie 48

3.4K 69 0
                                    

Uuwi na sana ako kaso biglang niyaya ako ni Darren sa isang orchestra concert. Since may ticket siya, eh di nanuod kami. Marami sana siyang tickets kaso wala namang gustong sumama. Libre naman yung ticket eh kaya sayang. Tyaka chance ko na din ‘to para makasama ang crush ko! Wiiiii!

7 na ng gabi natapos ang concert. Nabitin pa nga ako kahit 2 hours na yun. Feeling ko kulang pa kasi sobrang galing nila. Gusto ko din maging pianist sa orchestra someday.

“Kakaibang performance yun. Nagustuhan mo ba?” OO! Gustong-gusto kita! Lols.

“Oo. Ang galing nila. Lalo na yung concert master! Ang amazing talaga! Salamat sa pagdala sakin dito ha!” Double purpose ‘tong pagpunta namin dito. Una, makapanuod ng concert. Pangalawa, makasama siya. Ang ganda ng opportunity na ‘to. Buti na lang tumanggi yung iba,haha.

“Buti naman nagustuhan mo. Gutom ka na ba?” Kinikilig ako. Shemay~

“Ah, medyo.” Anong medyo? Gutom na talaga ako. Fishball tapos burger lang kinain namin kanina.

“Tara kain tayo. Libre ko.” Kung kay Tristan hindi ako nahihiya magpalibre, sa ibang tao sobrang nahihiya ako.

“Wag na. Nakakahiya eh.”

“Ano ka ba, ok lang sakin. Wag ka na mahiya. Libre mo na lang ako sa sunod.”

“Ok. Salamat.” At pumunta na kami sa isang noodle house. Mahilig siya sa mga noodles/ramen kaya dito kami kumain. Mahilig din naman ako dito pero hindi ‘ramen’ kundi ‘mami’. Wala namang pinagkaiba un eh. Lols. Ano bang iniisip ko? Wala naman, kinikilig lang talaga ako at kasama ko siya. Ayiiiieee!

“Mahilig ka sa maanghang?” Napansin niya ata na ang dami kong nilagay na maanghang sa noodles. Pinapak ko din kasi yung kimchi.

“Oo. Masarap kaya. Try mo din.”

“Ayoko ng maanghang. Kung mainit nga ayoko maanghang pa kaya? Hindi ba sumasakit ang dila mo?”

“Haha. Hindi noh. Sanay na ako. Yung kapitbahay kasi namin mahilig sa maaanghang tapos lagi kaming binibigyan ng mga kimchi. Feeling Korean kasi yun. Tyaka nung bata pa ako may kaibigan akong mahilig sa maaanghang.” Si Warren ang tinutukoy ko. Nagpaligsahan pa nga kami sa pagkain ng sili dati eh. Pero syempre..talo siya! Hay, namiss ko tuloy yun bigla.

“Ah, pero masakit yan sa ulo diba?”

“Hindi naman. Sanayan lang.” Marami pa kaming napag-usapan na mga bagay. At napunta pa nga yun sa love life niya.

“Nagkaroon ako ng girlfriend nung high school. 3rd year actually. Kaso umalis siya kasi nagka-offer siya sa Paris. So yun, wala na akong balita sakanya.” </3 Nasa music school kasi siya nung high school kaya madaming talents ang nadidiscover at pinapadala sa ibang bansa.

“Mahal mo pa ba siya?” Andito naman ako eh. Ako na lang. Toinks.

“Hindi na. Naka-move on na ako. Matagal na din yun. Marami na din ang nangyari.”

“Paano kung bumalik siya tapos sabihin niyang mahal ka pa rin niya?” Tristan-Valerie lang ang drama. Hay, hindi ako dapat ma-involve nito kay Darren. Baka bumalik din si first love niya tapos masaktan din ako. Lol, ano ba tong pinag-iiisip ko?

“Hindi na yun babalik pa sakin.”

“Sure ka?” Nabuhayan bigla?

“Oo naman. Tyaka, hindi ko na siya pagbubuksan pa. Hindi niya kasi sinabi na aalis siya. Bigla na lang siyang nawala.” Ay, yun ang masakit dun eh. Walang closure. Aba, may alam ako sa ganyan? Toinks lang talaga.

“Maghanap ka na lang ng iba.” Nasa harap mo lang ako. Shoot talaga. Ang shunga ng takbo ng utak ko.

“Ayoko muna. Mag-aaral muna ako. Pakatapos na lang ng pag-aaral.” Wow! Saludo ako sa kanya. Akalain niyo yun na meron palang ganitong lalaki sa earth.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now