Chappie 2

5.8K 126 11
                                    

Hindi ko na pinansin si Tristan. Tahimik na rin naman siya kaya wag nang guluhin pa ang lolo.

Nakarating na kami sa venue: sa Grande Villa Hotel. Ang alam ko kaibigan ng magulang ni Tristan ang may-ari nito. 

Dito kami magrerecital. Kaming dalawa ang main attraction sa recital. Nakita ko agad si ate Cass, yung piano teacher namin.

Yung mama niya ang dati kong teacher kaso syempre matanda na kaya yung anak na ang nagtuturo samin. Graduate siya ng UST Conservatory of Music at nag-aral na din siya sa Paris. Gusto ko rin ngang mag-aral ng music pag college kaso ang mahal!

“Oh buti nandito ka na. Bakit kasama mo si Tristan?”

“Sumama eh. Pupunta daw siya sa studio.” Tinitingnan ni Tristan yung mga designs sa venue. Nilaro pa nga niya yung G-clef na nakadikit sa wall.

Next week pa ang recital pero nilagyan na ng designs ang lugar. Masyadong excited si ate Cass.

“Ah, oo nga pala, may piano contest two months from now. Gusto mo sumali?”

“Saan yan?” Eto namang si Fajardo basta contest, ang tenga lumalaki agad. Siya ang tinanghal na Pianist of The Year sa buong Pilipinas two years ago.

“Local lang to Tristan.”

“Ok lang. Gusto ko manuod. Sumali ka na Agustin.” Siniko pa ako.

“Ayoko nga kasi eh.”

“Hay naku, ang arte mo talaga.”

Isa lang ang dahilan kung bakit ayaw kong sumali: napahiya kasi ako dati nung sumali ako. Marami kasi akong pinoproblema nung araw ng contest na yun kaya semplang ang performance ko.

Simula nun,di na ako sumasali pero tumutugtog pa rin ako ng piano. Iba kasi yung feeling na tumutugtog ka di para manalo kundi para makapagpasaya sa mga tao.

“Anu naman maarte dun ha?”

“Oist, tama na nga yan. Wag na pilitin ang ayaw. Tristan baka magjudge ka dun.”

“Ah, eh di masaya.” Yabang talaga nitong lalaking toh!

Pagkatapos naming maayos yung venue, pumunta na kami sa studio. Sumakay ulit kami ng jeep.

Medyo malayo yung studio kaya hindi ko alam kung anong klaseng pang-iinsulto na naman matatanggap ko habang katabi ko tong lalaking to.

“May load ka?” Ako pa talaga tinanong. Umaasa lang nga ako sa Share-A-Load ng pinsan ko eh.

“Wala.”

“Gusto mo bigyan kita ng load?”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now