Chappie 3

5K 110 4
                                    

Nagulat ako dun ah. Pero sanay na ako. Pag may problema kasi ako, yung mga ganitong genre ng problema, bigla na lang ako nyan yayakapin.

Ang comforting nga pag ginagawa nya yun. Pero syempre walang malisya yun! Imposibleng magkagusto yang baliw na yan sakin noh.

“Salamat pare!” Tinapik ko balikat nya.

“Walang anuman, tol! Tara na.” In fairness, gumaan pakiramdam ko.

Ewan ko ba pero parang laging may magic ang mga yakap niya. Kahit nung bata pa kami lagi niya talaga akong niyayakap pag umiiyak ako.

Pagkatapos naming pumunta sa catering service, pumunta naman kami ng mall para kumain. Syempre, libre niya ako. Kung di kami close, siguro mahihiya na ako. Lagi na lang kasi niya akong nililibre. Pero hindi naman ako nagsasabing ilibre niya ako. Kusang loob nyang ginagawa yun!

“San mo gustong kumain?” Tanong niya. Ang hirap din magdecide eh.

“Di ko rin alam. Kahit saan na lang siguro.” Tapos hinila niya ako sa mayGreenwich. Pizza ang inorder niya. Yung pinakamalaki pa! pero kahit malaki yun, since pareho naming paborito ang pizza, syempre UBOS!

After naming kumain, naglakad lakad muna kami. Ang init pa kung uuwi na kami. 4 pa ang praktis namin para sa recital.

Tapos biglang may humila sakin. Pag tingin ko, yung kaibigan ko lang pala.

“Oy, bakit nasa labas ka? Anung nakain mo?” Tanong ko kay Crystal. Kaklase ko siya since first year high school. Lagi kaming seatmate nyan sa hindi ko malamang dahilan. 

“Eto naman parang ewan. Syempre marunong naman ako lumabas ng bahay! Hi Tristan.” Ineexpect ko na susungitan siya ni Tristan.

“Hello.” Bumati nga pero blanko naman ang mukha. Hay naku! Parang wala silang pinagsamahan dati ah. Magkaklase sila nung elementary eh.

“Ikaw anong ginagawa mo dito? Hinahanap ka ni Nick kanina. Tinakasan mo na naman eh.” Isa pa si Nick sa mga stressors ko. NAMAN EH!

“Sinong Nick?” Nagulat kami ni Crystal sa tanong ni Tristan. Ang sama pa ng tingin niya oh!

“Si..Nick..”

“Yung kaklase kong laging nangongopya ng assignments ko. Nasa banda siya tapos kailangan nila ng keyboardist. Kinukulit ako kasi ayoko nga sa banda. Classical music lang ang gusto ko noh.”

Please..

Sana..

Bumenta..

“Ah, eh di sabihan mo siya hindi yung tatakasan mo lang. Kung kinukulit ka, ako na kakausap dyan.” Naku! Kung alam mo lang ang katotohanan!

“Hindi na. Ok na, ako na ang bahala sa kanya. *smiles* ”

“Sabi mo nangongopya siya sayo?” *tango* “Kawawa naman siya. Siguro lagi din siyang bagsak.” Tumawa si Crystal. Hay! OO na, hindi na ako matalino!

Si Nick ay manliligaw ko. Kasinungalingan lang ang mga sinabi ko kanina.

“Ikaw na ang matalino!”

“Alam ko.” Bwisit talaga ang kayabangan nito! Masama naman ugali mo!!

“Oh sige pala alis na ako Bettina. Ingat ka.” Hay sana pala sumama ako kayCrystal.

“She called you Bettina? Mas maganda ang Mimi.” Aba! Anong problema niya at pinagdidiskitahan ang pangalan ko? “Pero di kita tatawagin sa pangalan mo, Agustin.”

“Alam ko Fajardo.”

Ilang oras din ang nakalipas at pumunta na kami para sa praktis. As usual, walang kaeffort effort ang pagpraktis ni Tristan. Pero ang galing ha! Tapos syempre may duet kami sa piano.

Mga 7 na natapos yung praktis kaya nagpasundo na lang si Tristan. Syempre, ihahatid nya ako kasi madilim sa lugar namin. Duh, malapit lang naman bahay niya samin eh.

Grabe pagod talaga ako!

Tapos may sumampal sa mukha ko. Mahina lang naman. “Mimi, gising na.” Si ate Shine pala. Nakatulog ako sa kotse. Hay.

“Salamat Fajardo. Bye! Bye din kuya.” Matutumba pa sana ako. Wala kasing coordination ang katawan ko. Syempre inaantok na nga eh.

Tapos natulog na ako. Kumain na kasi ako sa praktis. Nag order sa Mcdo si Tristan tapos yun, nilibre na naman ako kaya busog na ako.

Mga 11 ng gabi nagising ako tapos kinuha ko yung cellphone ko. Tambak na ang mga message. Puro naman Globe Advisory. Tapos may text si Tristan.

=>matulog ka nang mahimbing. Nyt angel! ^_^

Wiiii! Kinilig ako dun ah! Haha. Angel ang tawag niya sakin minsan. Kasi nung bata pa kami akala niya Angel ang pangalan ko.

Nag share-a-load din siya. 100 ba naman ang ishare. Kaya tinext ko din siya.

=>nagising ako tpos nbasa txt m. tnx sa araw na 2! Slmat sa mga libre! Bawi ako nxt tym. Nyt din, prince! ^0^

Prince naman ang tawag ko sa kanya kasi nung bata pa kami nagkaroon ng play sa barangay namin tapos kami yung bida. Eh prince ang role nya dun kaya yun na tawag ko.

Tumunog yung phone ko after ilang minutes. Nagtext siya.

=>babayaran mo un pgdting ng araw,bwahahaha! XD

Adik! Pero tumawa ako dun ah. Feeling ko million na ang babayaran ko sa kanya,haha.

Pero...ano naman kaya ang ipambabayad ko dun? 

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]On viuen les histories. Descobreix ara