Chappie 31

3.5K 68 0
                                    

“Anoooo? Bakit parang wala akong nabalitaan tungkol sa prom na yan? Kelan pa nag-announce niyan?”

“Last week pa kaya! Wala ka na talagang pakialam sa earth.”

“Wait! Overnight kami dun sa gymnasium since gabi yung ibang contest. Hapon kasi ang opening ceremonies tyaka gabi naschedule ang chess. Sa 11 yun! So, hindi na ako makaka-prom niyan?” Hay, bwisit naman oh! Gusto ko pa naman sanang magprom eh. Last naman na to. Kaso mas nauna na yung commitment ko sa inter high.

“Hindi ba pwedeng ipa-cancel mo?”


“Alin? Yung prom?”


“Toinks hindi!”


“Malamang hindi na noh! Sino ba naman ako?” Nakakalungkot talaga. Hindi ko pa naman masyadong naenjoy yung prom last year dahil sa bwisit na Nick na yun. Hay.


“May Seniors’ Night pa naman, sis. Wag kang mawalan ng pag-asa.”


“Sana nga may Seniors’ Night pa.”


Maaga akong umuwi ngayon dahil busy ang mga teachers sa assembly nila. Bukas ang resume ng practice. Although nakakapagod na talaga, masaya naman ako. Yung sa prom lang ang nakakapadepress sakin. Sayang naman kasiiiiiiii…


“O bakit parang ang lungkot mo?” Si ate Danica pala. Pareho nga pala ang daanan namin papuntang mga bahay namin. Pero bakit siya naglalakad? May sundo siya dapat diba?


“Hi, ate. Wala lang po. May chess competition kasi sa araw ng prom namin. Nakakalungkot lang na hindi ako makaka-attend.”


“Ah ganun ba? Sayang nga. Pero mas importante naman yung competition mo since school ang nirerepresent mo. Huwag kang mag-alala, hindi ka naman ata nag-iisa, diba?” Tiningnan ko siya nang malungkot.


“Ako lang ang senior na representative ng chess. Yung iba mga sophomores and freshmen. Ako lang ang nag-iisa, ate Danica!”


“Walang juniors?”


“Hindi sila sinama kasi hindi naman sila masyadong magaling.”


“May seniors’ night pa kayo diba?”


“Hindi ko lang alam. Hay. Andito na pala ang bahay ko. Bye ate! Ingat sa pag-uwi!”


“Ina, sosolusyunan ko yan. Huwag kang mag-alala ha!” Ano naman kaya ibig niyang sabihin dun?


Pagpasok ko ng bahay, si mama agad ang nakita ko. Maaga ata siyang nakauwi. Lol, lagi lang ata akong late na umuwi kaya di ko napapansin.


“Hi, mother!” Then kiss sa cheeks.


“Oh musta ang araw mo, anak?”


“Mama! Huhuhu, hindi pala ako makakaattend ng prom kasi yung chess same day din.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang