Chappie 20

4.1K 72 4
                                    

“Weak!” Sigawan ba naman ako ng hampas-lupa kong kapatid!!

“May araw ka din sakin!!” Si Tristan naman nakitawa na din. Bakit ba kasi laging automatic na kapag naghahabulan kami ni kuya dito lagi ang dinadaanan namin?!

Tumayo na ako at nagpagpag ng mga dumi sa damit ko. Buti na lang safe ang aking kamay kundi lagot ako nito.

“Bakit naman kayo naghahabulan?” Tanong ni Tristan.

“Kasi utak ibon siya.”

“Hindi, mas utak uod yan.” Sabay tawa ang mga loko-loko.

“At least naman ang uod maraming PUSO! Eh kayong dalawa wala kayong mga puso! Mga manhid!”

Oops, did I just say manhid?

Sabagay, totoo naman eh. Mga manhid yan.

“Manhid, huh? Hmm, manhid ka daw Tristan oh!”

“Manhid nga ba? Paano mo naman nasabi?” Hala, cornered ako oh!

“WALA!” Hmpf! Makauwi na nga lang. naglakad na ako pauwi. But someone suddenly grabbed my hand and carried me.

“IBABA MO AKO FAJARDO! ANO BA PROBLEMA MO?!?!?”

“Wala lang. trip trip ko lang.”

“KUYYYAAAA!”

“Oh pano ba yan Tristan..” Yes! I love you kuya! “Ikaw na muna bahala sakanya ha! Babush!”

“KUYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!” Nabingi ata sakin si Tristan pero ni hindi man lang ako binagsak o hinulog which I wished he did para nahabol ko si kuya.

Bwisit talaga. Naexercise ang vocal chords ko!

“Ano ba kasiiii??!!”

“May sugat ang tuhod mo. Hindi mo man lang napansin?” Oh, meron nga. Amazing hindi ko man lang naramdaman.

Dun sa sofa ako pinaupo. Tapos kumuha siya ng panlinis ng sugat ko. Ok lang sakin ang nasusugatan. Sanay na ako dun. Remember I am a clumsy girl. Mabuti nga madaling maghilom ang mga sugat ko eh. Tyaka hindi rin ako masyadong napepeklatan.

Nilabas ni Tristan ang Agua Oxenada. Mabisang panlinis daw yun ng sugat eh. Syempre andyan din ang walang kamatayang BETADINE, Band-Aid at…mga cotton balls.

“Hindi mo ba talaga naramdaman na masakit?”

“Hindi. Kung naramdaman ko eh di sana umaaray na ako diba?” Sarcastic ang tono ko. Pwede ko naman kasi yang gamutin sa bahay eh.

“Meron ka ba ngayon? Ang sungit mo eh!”

“Aba Fajardo! Ikaw ang araw-araw na masungit! Baka ikaw nga dyan ang nagmemenopause eh!”

“Pwede bang wag ka nang sumigaw?” Ow in fairlaloo, hindi siya galit or something ha. As in malumanay lang yung pagkakasabi niya.

Napaka gentle niya sa sugat ko. As in super gentle. Syempre, pianista yan eh kaya marunong magpaka-gentle when it comes to some stuffs. Ako naman pinaglaruan ko lang yung mga cotton balls. Ang cute cute kasi eh! Alam niyo yun na sobrang fluffy niya!

“Para kang bata..” Sabi niya bigla.

“At bakit naman?”

“Cotton balls lang ang saya-saya mo na.”

“Eh ano naman ngayon??”

“Parang naiwan ang utak mo sa arena. Alam mo yun?” Tinulak ko siya kaya napaupo siya dun sa carpet nila. Nanlilisik na mata ko.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now