Chappie 68

3.3K 88 6
                                    

A/N: Heyow pipz~ Vote naman kayo kahit papano~ 20,000+ reads na to eh tapos 400+ palang ang votes.. Ahihihi!

Anyway, let's all pray for everyone else. Marami na ang disasters at accidents ngayon na kumikitil ng buhay. Mag-iingat po kayo lagi. Wag kalimutang magdasal dahil ang Diyos lang ang may alam kung kelan ang huling hininga natin. That is, kung naniniwala kayo na may Almighty up there. 

Happy long weekend!~~~

~~~~~~~~

Walang rehearsals ngayon kasi ‘settling down’ daw ng mga magdodorm. Tsaka may retreat din yung ibang music professors. Nagkalat ang mga maleta sa may reception area ng dorm ko.

Nasa Vivaldi dorm ako. Dapat sa Schubert dorm ako kasi dun yung mga piano majors kaso dahil nga kay Tristan kaya napunta ako sa Vivaldi. Mababait naman ang mga tao sa Vivaldi dorm. May mga piano majors din na napunta dito kaya hindi naman ako OP. Tsaka kasama ko naman si Kiara kaya keri lang.

Maganda ang kwarto namin ni Kiara. Para ngang hotel room eh. Aside sa malaki, may piano at sala din. Parang condo unit lang. Masyado pang techy ang C.R.

Pagdating namin ni Tristan sa kwarto, andun na si Kiara. Nag-aayos na siya ng gamit niya. Ang dami ngang maleta eh. Nahiya naman ang dalawang maleta ko.

“Andyan ka na pala, Mimi. Anong bedroom ba ang gusto mo? Pinili ko yung nasa dulo pero kung gusto mo yun..”

“Nagtanong ka pa kung nakadecide ka na pala.” Sabi ni Tristan. Ang sama talaga. “Mas maganda tong nasa unahan. Dito ka na lang, Agustin.” Malamang 2 lang naman ang kwarto dito diba?

“Pareho lang naman ang design ng bedroom ah.” Sabi ko. Magkatabi ang bedroom namin. Maganda ang bedroom area. May veranda kasi at presko kahit hindi na gumamit ng airconditioning unit.

Iniwan ni Tristan ang maleta tapos umalis na siya. May pupuntahan pa ata siya eh. After two hours, natapos na din ako sa paglagay ng mga gamit sa cabinet at kung ano-ano pa. Maayos na din ang kwarto ko. Fluffy ang kama ko kaya nakatulog ako.

Nagising ako hapon na. Wala si Kiara paglabas ko. pumunta ako ng veranda para magpahangin. Maganda ang scenery mula sa bedroom. Nasa third floor kasi ang kwarto namin.

Mula dito kitang-kita ang iilang tao na nagkukumpulan sa may Music Circle. Ano kaya meron dun? Parang magandang puntahan kaso..kaso..parang may nag-aaway.

Oh no! Si Kiara yun ah! Tsk. Napatakbo ako papunta dun. Sinampal nung blonde na friend ni Valerie si Kiara.

“How dare you!” Galit na galit yung blonde. Ito namang mga tao dito tumitingin lang. Tsk, nakakaasar!!

Hindi man lang umiimik si Kiara. Nakita kong papunta na din dito sina Ian.

“I’m not doing anything against you so stop bothering my life.” Nakaupo sa ground si Kiara. Sinusubukan niyang tumayo pero parang may sprain siya sa paa.

“You’re the one who should stop bothering my life!” Gusto ko na sabunutan tong babaeng to ah!

“Mimi, wag. Let him.” Pinigilan ako ni Darren. Si Marvin kasi lumapit na sa kanilang dalawa.

“Can’t you two grow up?” Galit na tanong ni Marvin.

“She started it!” Sabi nung blonde. Syempre tahimik lang si Kiara.

“Yeah, I started it. It started when I was born into this world. I’m sorry for that.” Sarcastic na pagkakasabi ni Kiara. Tumayo siya kahit parang hirap na hirap siya. Pinipigilan kasi ako ni Darren na lumapit eh.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now