Chappie 12

4K 79 7
                                    

Pasukan na ulit. Hindi ko pa rin pinapansin si Tristan kahit ilang beses na kami nagkita at nagkasama.

Lahat nga nagtataka kung bakit eh pero syempre, hindi naman yun malaking issue sa kanila kasi lagi naman talaga kaming nag-aaway.


Usap usapan na sa skul kung saan sila mag-aaral pag college. Nakwento ko na kay Crystal na sa EMAU nga ako mag-aaral. Siya daw sa katabing Business School ng EMAU mag-aaral kasi dun din yung tita niya nagtuturo kaya dun na lang daw siya. That means, magkasama kami! YAY!


Mabilis na lumipas ang mga buwan at September na. Matagal ko nang nakuha yung result ng scholarship exam ko at gaya ng sabi ni sir Dave, mataas ang result ko! For short, SCHOLAR na ako!


At last week nga, inaayos ko na ang mga gamit ko. OA noh? Pero ang dami ko kasing kelangang dalhin para sa college ko eh. Ang daming mga music books ang naka-pile na sa mga kahon.


Sa sobrang dami ng inaayos ko, nagkasakit na ako. Hindi tuloy ako pumasok sa skul ngayon. Ako lang ang tao sa bahay.


“Hay ang boring naman oh. Ano ba magandang gawin?” Ayun! Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad. Mamimiss ko ang lugar na toh. Nagdrama ba? XDD


@____@


Parang nahihilo ako ah. Ano ba to? Umiikot ang mga bahay. Hala!


Ineexpect ko na mauuntog na ulo ko. Tapos biglang may sumalo sakin.


“Salamat. Sensya sa abala..” Oh my gally! Si Tristan!


Ang sama naman ng tingin sakin. Sorry na! Baka nadumihan ko pa uniform niya eh.


“Sorry. Bye.” Hay, dapat di na ako lumabas labas pa eh.


“Hoy sandali.” Hilain ba naman ako! Nahihilo na nga eh. “Sa bahay ka na lang muna. Wala ka daw kasama eh.” At pano naman niya nalaman yun?


“Hindi ko na kayang maglakad.” Napakahina nang pagkakasabi ko. Grabe, ngayon lang ata ako nagkasakit ng ganito ah.


Sa loob ng 5 seconds, naramdaman ko na lang na buhat buhat na ako ni Tristan. Hindi na ako makapalag pa kasi nahihilo na nga ako.


“Anong nangyari dyan?” Tanong ni lola Martha.


“May sakit po, lola.” Aba, ang galang ng lalaking toh ah! Sabagay, matanda kausap niya eh. May sinasanto naman yan paminsan minsan.


At after 48 years, nakarating din kami sa bahay niya. Wala ding tao maliban sa isang katulong at sa guard.

Nilapag niya ako sa may sofa.


“Grabe ang bigat mo!”


“Sino ba nagsabing buhatin mo ko?!”


..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now