Chappie 64

3.5K 74 7
                                    

A/N: Here's a new chapter dear brothers and sisters! Enjoy reading! Rock on! 

This is dedicated to Mariano Marcos Memorial High School lalo na kina Angel and Jas. And to others from that school who read this story, too. (eheheheh)

Good luck to your studies, guys. And enhance your talents. Good luck, SPA people~ 

~~~~~~~~~~

Papunta na ako sa meeting place namin nina Crystal. Pagdating ko, andun na silang tatlo. At si Chelsea na ngayon pa lang na-meet ni Crystal ay ang ingay ingay habang kausap si Crystal. Si Kiara nga hindi na nakakapagsalita sa sobrang tawa. Ano kayang pinag-uusapan nila?

“Oh hi bessieful!” Bati ni Crystal.

“Ang ingay niyo ata ah.”

“Pinag-uusapan ka kasi namin. Kwinento niya kasi si Nick. Ikaw ha, napakasama mo pala sa mga manliligaw mo.” Sabi ni Chelsea.

“Mga manliligaw? Hoy bruha ka, anong pinagsasabi mo? Umayos ka. Hindi ako ganun ka-sama. Medyo lang.”

“Pero Mimi, bakit hindi mo man lang binigyan ng chance?” Tanong ni Kiara.

“Chance? Pano naman ako magbibigay ng chance eh halos hindi na nga ako makanuod ng mga dvd sa sobrang busy ko nung high school. Between dvd and dates, syempre, walang tatalo sa dvd. Tsaka ang awkward kaya makipag-date. Sa tv ko lang yan pinapanuod eh. Kung sa text naman, wala naman akong load at pare-pareho lang naman ang mga tanong niya. ‘Kumain ka na ba? Ano ginagawa mo?’ Nakakasawang magreply sa mga ganun noh! Tapos pag ako naman nagtanong na ‘kumusta?’ ang sagot lang naman ay ‘okay lang, ikaw?’ tapos pag sumagot ako wala namang ibang reply kundi ‘ahh,haha’. Alam niyo yung ganun?!”

“Grabe ka naman kasi. Kawawa pala si Nick.” I know, Kiara.

“Kawawa talaga. Kung pwede nga lang na ako na lang ang ligawan ni Nick ginawa ko na. Kaso hindi ko siya gusto at mas lalong hindi niya ako gusto. Alam niyo bang all these years si Mimi parin ang gusto ni Nick?” Ang bunganga talaga ng babaeng to parang may diarrhea!

“May iba na yun na gusto.”

“Ikaw pa rin noh! Nag-usap pa lang kami nung isang araw at puro tungkol sayo ang tanong.”

“Dapat hindi mo sinagot!”

“Hindi ko nga sinagot. Sabi ko yayain ka na lang niya magdate.”

“B.I. ka talaga kahit kailan! Isusumbong kita kay mama.”

“Duh, kahit yayain ka niya sa date, sasama ka ba? Mimi Bettina Agustin, kilala po kita. Ayaw mo sa mall kasi nabobore ka. Ayaw mo lumabas kasi tinatamad ka lagi. What’s new? Kabisado na din naman ni Nick ang ugali mo eh. Susugurin ka na lang nun sa tinitirhan mo.”

“Subukan lang niya. Di na siya makakalabas ng buhay sa building na yun.”

“Tingnan mo na yan! Ang brutal mo talaga kahit kailan.”

“Sa tingin mo ba makakatakas siya kay Tristan? Aber.” Nag-isip siya ng saglit.

“Hmm, sabagay. Pagtatabuyan lang siya ni Tristan at sasabihin na wala ka. Pero ang tanong bessieful, may paki ba si Tristan sayo?” Ouch naman.

“Syempre meron. Kahit konti.” Bigla ko tuloy naalala yung mga pangyayari kanina. Babantayan daw niya ako. Papaniwalaan ko ba? Pero he never lets me down naman eh. Ako pa nga ang madalas na gamitin siya sa mga kailangan ko. Napakasama ko pala talaga sa mga lalaki.

Pumunta na kami sa bahay na tinitirhan ni Crystal. Kawawa nga talaga siya. Loner siya sa bahay na to,haha.

Nagluto siya ng pancit canton(what’s new?) at ng kung ano-ano pa. Nanuod kami ng mga movies at nag-usap usap na din.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu