Chappie 75

3.5K 83 20
                                    

A/N: Hmmm, here's more! Hope you'll like it. =)

This is for wistfulpromise pala. Quite missing her. Haven't talked to her this past few months. But yeah, we're friends(?) Hahah. Miss you Jade! <3

____________________________

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Matutuwa ba ako? Malulungkot?

Ewan, di ko talaga alam. Pero naguguluhan ako. Sabagay, nagdedate nga sila, diba? So sila parin naman kasi sa huli. Maging masaya na lang kaya ako diba? Mga kaibigan ko yun eh.

Tinext ko naman si Tristan para i-congratulate. Pati si Valerie tinext ko.

“Mimi, bakit nasa labas ka?” Si kuya Dij pala.

“Kasi wala po ako sa loob.”

“Pilosopong bata. Tara pasok na.”

“Wag na po. Ok lang ako. ^___^”

“Ikumusta mo ako kay Tristan pag nagkita kayo. Sabihin mo magbabayad siya sa ginawa niya sa prom niya.” Prom? Ah wait, yung nasirang elevator? Wait, di ko sure, tanungin ko nga.

“Ano pong sa prom?”

“Yung nasira yung elevator na sinasakyan niyo. Kinutsaba niya pala yung isa sa maintenance staff. Napaamin ko yung staff na yun at sinabihan nga daw siya ni Tristan na itigil yung elevator kahit ilang minutes lang. Langya yung Tristan na yun, napagalitan ko pa tuloy ang mga inosenteng tao.”

“Pero bakit naman po niya gagawin yun?”

“Sino ba kasama niya nung oras na yun?”

“Ako po.”

“O yun nga. May ginawa ba siya sayo?”

“Wala po. Nag-usap lang kami.”

“Yun nga. May tinanong ata siya sayo o baka may sinabi. Mga para-paraan talaga ng mga teenagers ngayon kakaiba.”

“Anong para-paraan ba sinasabi mo? Walang gusto sakin si Tristan. Sila na nga ulit ni Valerie eh.” Pero wait, yung pinag-usapan namin nun ni Tristan ay tungkol sa ‘he’ll always stay by my side’.

“Ano!?”

“Sila na ni Valerie. Sila na ulit, okay?”

“Mimi!” Si kuya. “Hoy, Dij, tawag ka sa office.”

“Ahh..sige. Bye, Mimi. Basta sabihin mo yun kay Tristan.” Tapos umalis na siya.

“Kasama mo si Danica?”

“Oo, asan na ba siya?”

“Kasigawan pa lolo niya. Tara kain muna tayo.” Kasigawan talaga? Tsk. Wawa naman yung lolo niya.

~~

“Ang tamlay mo ah.” Sabi niya habang kumakain kami sa isang café.

“Wala. Napagod lang siguro ako sa byahe.”

“OA mo. Ang lapit lang naman ng lugar na ‘to ah. Onga pala, tumugtog ka ba ng piano sa reception area kanina?”

“Hah? Oo. Mukha ngang galit sakin yung mga tao. Parang may silent retreat kanina. Ang tahimik. Sabihin mo sa supervisor na hindi ko sinasadya—“

“Hindi sila galit sayo. Ano ka ba. Nagandahan sila sa pagtugtog mo noh.” Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. Pagkatapos, may inabot siyang business card.

“Ano to?”

“Isa sa mga nakarinig sayong tumugtog ang nagbigay nyan. May restaurant siya at gusto ka niyang kunin para maging pianist dun.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now