Chappie 79-The Childhood Memoirs(2nd Green Letter)

3.3K 83 18
                                    

A/N: Mga kababayan ko! Maghanda kayo ng panyo sa kabanatang itey. Kung hindi naman kayo yung iyakin, maghanda parin kayo. BTW, wag naman kayong magalit kay Tristan. He has his reasons,mwahahahah. So there, hope you won't cry so much. Hahahah. =) 

______________

Boom! May ilaw na! Nawala na kasi yung ilaw nung emergency light. Nakasaksak pa kasi yun tapos kapag walang kuryente, automatic  iilaw yun. Kapag may kuryente naman, mawawala ang ilaw nito kasi ibig sabihin, magrerecharge na yun.

“Oh may ilaw na.” Pumunta ako sa may switch para i-on yung ilaw. Nasilaw pa nga ako kasi masyadong nasanay ata sa dilim ang mata ko.

“Tulog na ako Fajardo ha. Maaga pa kasi ako bukas. Teka, papasok ka na ba bukas?”

“Oo na. Hindi na masama ang pakiramdam ko.”

“Sige, kung lagnatin ka ulit, heto ang paracetamol. Eto din yung extra kumot. Hmm, tapos wait, kailangan mo ba ng tubig? Baka mauhaw ka pag gabi.”

“Ok lang ako. Sige na, tulog ka na. Good night.”

“Good night. Sweetdreams.” I love you.

Ano? Hoy, wait Mimi! Tigil! Haaaaay.

“Agustin!” Sinigawan niya ako bago pa ako makalabas.

“Ano?” Tumingin ako sakanya.

“May tiwala ka ba sakin?” Hah? Ang random naman ata ng tanong na yan. May tiwala na ano?

“What do you mean?”

“I mean, if you trust me? May tiwala ka ba sa mga ginagawa ko?” Sa mga ginagawa mo?

“Like what?”

“Anything. Mga bagay na alam mong hindi ko gagawin na walang dahilan.” Like alin? Isa lang naman ang naiisip ko eh. Yung pagkakabalikan nila ni Valerie. Wala siyang gusto diba at iba ang gusto niya so bakit sila ngayon? Yan ang mahiwagang katanungan para sakin. Pero sinagot ko na din naman yan ng sarili kong theory eh. I think, rational naman yung theory ko, diba?

Ay wait, heck no! Marami pa siyang ginagawa na alam kong hindi niya gagawin without reason. Yung sa elevator, bakit pinatigil niya? Yung paghanap niya kay Lola Jas, para saan niya yun ginawa? Yung lagi niyang pag-iwas at paglapit na talagang nakakainis!

For what were all those things? Ano ang dahilan niya sa pagpatigil sa elevator? Yung sinabi niya nun, hindi rin malinaw sakin ang tunay na meaning. Tapos yung kay lola Jas, parang sobra naman ata kung gawin niya yun para sakin. Kasi, nung sila pa ni Valerie, wala siyang kaeffort-effort, honestly.

Then the weirdest of all, yung bigla siyang hindi mamamansin tapos kapag nakita na niya akong umiyak o nasaktan, nandyan na siya. Kung hindi ko siya masyadong kilala, siguro iisipin ko na na may sira na utak niya.

But, no! I know he wouldn’t do things like that without a reason. But the thing is, what were his reasons for all those things??

“Kung ipapaliwanag mo ang mga dahilan, alam kong justifiable and valid naman siya. Pero, minsan, dahil sa naguguluhan ako sa mga ginagawa mo, ang hirap intindihin. Lalo na kung ang iniintindi ko ay yung action at hindi yung reason na hindi ko alam. I trust you. So much. Pero alam kong mahirap sayo ang mag-explain ng reason mo. So minsan, kahit masakit at magulo, iniintindi ko na lang at iniisip na alam mo ang ginagawa mo. Matalino ka eh. Nakakaisip ka ng mga bagay para masolusyunan ang problema mo.”

Sabi nga ni ate Danica, ‘isipin mo na lang, sa tingin mo magkakaganyan siya without reason? Kilala mo siya diba? He’s usually so composed in front of you pero the way he is acting right now shows he has a problem. Hindi ka dapat mainis o magalit at iwan siya. This is the time when he needed you the most’.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now