Chappie 34

3.5K 70 2
                                    

“Let’s go downstairs. Your date is waiting.” Nakakanerbyos na tuloy. Para sakin maganda na talaga ako kaso mataas ata ang standards ni Tristan kaya baka di niya magustuhan. Pero okay lang naman kung hindi niya magustuhan eh. Uupo lang naman ako the whole night.

Bumaba na kami ng hagdanan. Naririnig ko ang ingay nina kuya sa baba. Basketball ata ang pinag-uusapan nila. May game ba ngayon sa tv?

“Yow gentlemen, here’s our lovely princess.” Nakakahiya naman tong si ate. Lovely? Tsk.

“Beautiful.” Niyakap ako ni mama. “Ang ganda mo, anak.” Napak-sincere nang pagkakasabi ni mama. Ngumiti lang sakin si papa. Si kuya naman adik sa pagpicture sakin.

“Ano yan pang-blackmail?” Tanong ko kay kuya.

“Ang ganda mo kaya. Kailangan ng remembrance para naman maalala mo na minsan ay nagmukha kang tao.”

“Excuse me, tao naman talaga ako!” Si Tristan nakatingin lang sakin na parang wala lang. I knew it. Sorry ha, alam ko naman na mas maganda si Valerie eh. Pero ok lang, alam ko naman na maganda ako ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang.

“What can you say, brother?” Tanong ni ate Clarisse kay Tristan.

“She looks fine. Nothing changed.” Ang ouch nun! Tagos to the bones yun ah! Tsk. Pero ineexpect ko naman yun. What’s new?

“Sakay na kayo sa kotse at baka ma-late pa kayo. Tristan, ikaw na bahala kay Mimi.” Para namang pinamimigay ako ni papa.

“Wag mo siyang ipapalapit sa mga lalaki kasi baka maengkanto sila mahirap na.” Hindi talaga ako titigilan ng kapatid kong to.

“So engkantada ako ganun?”

“Hindi, lamang-lupa.” Susugurin ko na sana si kuya kaso pinigilan na ako ni Tristan. He’s actually laughing,huh.

“Mimi, act like a lady.” Sabi ni mama.

“I’m not yet a lady.”

“You’re..” Tinakpan ni ate ang bibig ni kuya.

“Umalis na kayo. Have fun,sis!”

“Okay. Bye.”

Sumakay na nga kami sa kotse ni Tristan. May driver naman kaya magkatabi kami sa likod. Wala akong balak kausapin siya after nung sinabi niya. Pero ano naman nga ba sa looks diba? I mean, it doesn’t matter if I’m beautiful or not for as long as I’m with him. Masaya ako. Period.

“Wag kang lalayo sakin sa venue.”

“Opo, boss.” Matamlay ang pagkakasabi ko.

“You alright?”

“Oo naman. Bakit hindi?”

After a while, nakarating na din kami sa hotel nina Tristan. Pagdaan pa lang namin sa entrance pinagtinginan na agad si Tristan. Ang gwapo naman kasi ng kasama ko. Kung bakit naman kasi ako pa ang pinili niya. Ano bang meron sakin?

Masyadong crowded sa may elevator. Nag-uunahan naman kasi ang mga babaeng yun. Hindi pa naman sila late ah. Wala naman sigurong award sa mauunang makarating, diba? Tch.

“Anong floor ba?”Tanong ko.

“9th.”

“Malapit lang naman pala. Tara hagdan na lang tayo.” Tumaas lang ang kilay niya.

“Ganyan ang itsura mo tapos maghahagdan tayo?”

“Ano naman? Hindi naman ako naka-heels. Tyaka exercise na din yun. Kung ayaw mo eh di ako na lang. Hintayin na lang kita sa taas.”

“Baliw ka talaga. Tara na nga.” Hinila niya ako papunta sa..secret elevator. Oo nga no. May ganito palang elevator para sa mga special guests.

“Sana kanina mo pa sinabi diba? Onga pala, asan ang mask mo? At yung pakpak ko asan din?”

“Di mo na yun kailangan. You’re a fairy already.” Marunong na siyang mambola ngayon? Asensado ah.

“Ikaw ata ang baliw eh. Monster ako diba? Tch. Baka masyado naman akong mag-stand out niyan kasi ako lang naiiba na walang pakpak.”

“You already stand out from the crowd.”

“Kasi gwapo ang kasama ko.”

“No. It’s because..you’re..you’re like a princess.”

“Tumigil ka na nga sa pambobola mo pwede? Sabi mo kanina nothing changed with the way I look. Tapos ngayon sasabihin mo I’m like a princess? Haler.” Biglang tumigil ang elevator.

“Anong nangyari? Hoy Tristan.” Ayaw bumukas ng pinto. Don’t tell me something bad happened.

“Wait, tatawagan ko lang sila. **kuha sa phone** Hello, si Tristan ‘to. Tumigil ang elevator na sinasakyan namin. What? Can you please do it fast? Thanks.”

“Ano daw sabi?” Don’t tell me masasayang ang porma ko! No way!

“May problema daw to kasi matagal nang hindi nagagamit. Baka matagalan pa daw ang pag-aayos kasi wala ang ibang crew.” Huhuhuhu! “It’ll be fine.” Umupo ako sa sahig. This is so sad.

“Bakit malungkot ka?” Umupo na din siya sa tabi ko.

“Wala naman. Sayang naman kasi kung hindi ako makaka-attend ng prom. Hindi na nga ako naka-attend ng prom namin pati ba naman ngayon hindi pa din. Last na ‘to eh.”

“It’ll be alright. Don’t worry. Hindi pa naman magsisimula yun. We have till 12.”

“Hm.”

“Babalikan ko lang yung sinabi mo kanina. It’s true when I said nothing has changed with you. It’s because you’ve always been pretty. Lagi ko lang sinasabi na pangit ka kasi kapag sinabi ko sayo baka baguhin mo ang itsura mo. I mean, you might resort to putting make-up and changing your hair style.” Tumawa lang ako. Ang cute niya mag-isip alam niyo yun? Haha. Yet, it was so sweet.

“Do you think I’m the kind of person who would change because of compliments? Didn’t I tell you that I only value the inner things? Tristan naman. Ako mag make-up at magpa-straight or magpakulot? Hello, hindi ko trip ang ganung mga bagay. Kahit naman ata sabihin ng buong mundo na pang-dyosa ang ganda ko, mas gugustuhin ko ang simple lang kasi ganun ako pinalaki. Tyaka ang pera ko lagi lang napupunta sa pirated dvd ng mga Korean dramas at sa mga accessories para sa phone na music ang design. Tsk. Tsk. Tsk.” Nginitian ko lang siya.

“My fault.”

“Pero ano naman sayo kung magbago ako?”

“It means a lot to me. Your simplicity, I mean. Tyaka all these years your simplicity has always reminded me of Robbie. Hindi ka naman kasi nagbago since childhood natin eh. Ayoko lang na mawala ang alaala niya.”

“Hindi yun mawawala. Lagi lang yun nasa isip natin. Hindi ako magbabago gaya ng inaakala mo. Siguro mas magiging mature na ako pero ako pa rin to. Baka ikaw pa nga ang magbago dyan pag college natin eh.”

“Hindi ah.”

“Sus, eh si Chiaki nga nagbago kay Nodame pagpunta nila sa Paris.”

“Pero mahal naman ni Chiaki si Nodame at gusto lang ni Chiaki na matuto si Nodame sa maraming bagay.” I’m loving this talk. I don’t want this to end pero sayang talaga ng kagandahan ko eh. Haha.

“Ako ba pagtatabuyan mo din pag college na tayo? Para matuto din ako?” Silence. Nakaka-hurt ang silence niya. Does that mean it’s a..yes?

Bumukas na ang pinto. Tumayo na ako. Inoffer ko ang kamay ko sakanya.

“Let’s go.”

“Hindi.” Tumayo na din siya.

“Huh? Ayaw mong kunin ang kamay ko? **sabay frown**

Binawi ko tuloy ang kamay ko.

“Hindi kita pagtatabuyan. Tutulungan kita. I’ll stay by your side.” Then he took my hand and we went to the hall.

He’ll stay by my side. He will. He said it.

But should I believe it?

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now