Chappie 42

3.6K 65 3
  • Dedicated to Shai~Bit
                                    

Napakahigpit nung yakap niya. Nahihirapan akong huminga. Pero hindi ko alam kung dahil ba yun sa sobrang higpit ng yakap niya o dahil sa umiiyak ako. Pero isa lang ang masasabi ko, ngayon ko lang naranasan ang ganito kahigpit na yakap mula sa kanya. It felt so right. Parang nagstop ang mundo ko.

Hugs make a person feel secure knowing that for that moment, no one else can come in between.

“Sorry.” Yun lang ang sinabi niya. Pero kahit yun lang, ok na ako. Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan na ang luha ko.

“Ang sama mo talaga!” Tinulak ko siya at umupo ako sa bench.

“Sorry na nga. Akala ko nasa tabi lang kita.” Tumabi na din siya sakin.

“Akala ko din eh.” Mahina lang ang pagkakasabi ko.

“Bakit ka kasi umalis sa tabi ko?” Tumaas na ang tono ng boses niya.

“Bakit ka din umalis sa tabi ko? Sabi mo dati you’ll stay by my side.” Nagdrama?

“Kasalanan ko na nga. Sorry na.” Siya ba talaga ‘to? Nagsosorry siya nang bukal sa puso niya? Is this for real? “Wag na binabawi ko na.” Sabi ko na nga ba.

“Whatever.” Tumayo siya tapos hinila ako patayo. “Ano ba? Hindi ka talaga gentleman alam mo yun?! Hindi ka man lang sweet.”

“Hindi talaga dapat maging gentle sayo ang lalaki.”

“Ano naman ibig mong sabihin mo dun? Na dapat sinasaktan lang ako ng lalaki? Hah?!”

“Tsk, ang hirap mag-explain sa worm brain.” Hinampas ko siya nang napakalakas. Sumakit nga kamay ko eh. Kakainis tong pangit na ‘to! “Kita mo yan. Amazona ka talaga kahit kelan.” Kung alam ko lang talaga ang daan pauwi, iiwan ko na siya dito. Badtrip.

Hinila naman niya ako palapit sa kanya. As in sobrang lapit na halos ilang centimeters na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya.

“Kung magpakagentleman ba ako, hindi magiging awkward sayo? Gusto mong maging sweet ako sayo?” Inayos niya ang bangs ko kasi natatakpan na ang mata ko. And in the process, alam kong namumula na ang mukha ko. With all my strength, tinulak ko siya nang malakas. Pinaglalaruan na naman niya ako.

“Maging masama ka na lang sakin! Gaya ng dati! Bwisit ka! Uwi na nga tayo!” Naglakad na ako papunta sa..san nga ba ‘to papunta? Basta naglakad lang ako. Kakainis na ang mga pangttrip niya.

“Wait, may sasabihin pa ako. Para malinawan ka. Ayokong magpakagentleman sa harap mo kasi binabasura mo lang minsan eh. Mas mabuting pinoprotektahan ka nang hindi mo nalalaman. At ang pagiging sweet, gagawin ko lang yan sa isang babae.” Bahala ka sa buhay mo. Binabasura? Ano ba ang binabasura kong pagkagentleman niya? “At isa pa, gusto kong ikaw mismo ang lalapit sakin para humingi ng tulong. Gusto kong maramdaman na kailangan mo ako sa buhay mo.”

Napatigil na ako sa paglalakad. Ganito ba talaga kapag simula bata magkaibigan na kayo? Honestly, sweet siya sa mga sinabi niya. Nung sila pa ni Valerie, never ko siyang narinig na nagsabi ng mga ganyan. Well, unless sa private sila nag-uusap ng mga sweet stuffs. Never ko din siyang nakitang nag-effort kay Valerie. Puro lang siya bili ng makikita niyang gusto ni Valerie. Usually pa nga ako pa ang pumipili. Walang letter ang mga regalo niya maliban sa mga greeting cards.

Pero bakit ganun? Pag dating sakin nararamdaman kong, well, special..?

Hindi ako special. Magkasama lang talaga kami since birth kaya ganyan. Tyaka, ako lang ang isa sa mga close girl friend niya. Yah, hindi talaga ako special. Kita niyo naman ang ka-brutalan niya sakin. Lahat ng pang-iinsulto, panlalait, atbp.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now