Chappie 15

4K 75 6
                                    

Kung di lang ako lumingon sa direksyon nila, sana nakasakay na ako ng jeep. Hay buhay nga naman. Gusto ko nga sanang isnobin na lang eh kaso nakita na nga nila ako.

Wait lang nga ha. Bakit naman ayaw kong makita sila?!

Tumigil na ako sa kinatatayuan ko. Hinayaan ko silang lumapit sakin. Sila yung mukhang may kailangan eh! Wahahah!

“Hi!” Bati ko agad. “Anong pinunta niyo dito?”

“Yayayain ka sana namin na kumain sa labas.”

“Kakagaling ko pa lang kasi sa sakit kaya pinapauwi ako ni mama agad.” Wooshoo! Wahahahah! Ako ay isang dakilang sinungaling kaya SORRY na lang kayong dalawa.

“Ah, ganun ba? Sayang naman. Sige, ihatid ka na lang namin.” Sabay turo sa car na nasa likod niya. Tsss, parehong rich kids. Sila talaga ang mas bagay.

M-A-S bagay???? Ano yun? Bakit naisip ko yun? Argh!

Since wala na akong magagawa, eh di sumakay na lang ako sa kotse ni Valerie. May driver naman kaya ok lang. Sa katabi ng driver ako umupo. Silang dalawa naman sa likod. Ang sweet nga eh. Bumalik na yung Tristan na masiyahin and all.

Ops ops! That’s enough.

“Fajardo, di ba dapat pupunta ka sa EMAU ngayon?” tanong ko naman para di masyadong halata na hindi ako okay.

“Nag video conferencing na lang kami kahapon na hapon. Pinatugtog nila ako ng mga sample  pieces tapos yun na.” Oo nga pala, may pa video-video conference pang nalalaman! Ayaw na ba niyang mawalay kay Valerie?!

Bettina, bakit high blood ka na naman? Relax nga lang kasi! Okey?

“Ang ganda na ng park dito ah.” Talagang nakita pa niya yung park? Dahil ba napaka significant nun sa relasyon nila ni Tristan?

Oo, significant yan na lugar na yan! Dyan sila naging official na lovers at dyan din ako hinulog ng dalawang yan sa fountain! Bwisit lang eh!

“Oo, maganda na yan. Memories.” Memories mong impakto ka!

Hay, bakit ba nagkakaganito ako? Ano namang meron?! Argh, ayoko na!

“Kuya, pwede pong pabilis bilisan? May gagawin po kasi ako eh. Kung ok lang po.” Syempre sinabi ko yun in a nice way!

In no time, nakarating din ako sa bahay. Bumaba na ako at bibilisan ko na sana ang paglipad papasok ng bahay. Kaso…

“Agustin, bakit ba nagmamadali ka? Ano namang gagawin mo?” Parang badtrip si Tristan ah. Sakin ba siya badtrip? Pero bakit naman?

“Kasi Tristan, may gagawin pa kami ni Mimi.” Paglingon ko, si kuya ang nakita ko! Wow, anong gagawin namin? Ako ba maglalaba ng mga damit niya? Nalinisan naman na ang bahay kaninang umaga ah! Pinakain na rin yung mga alagang hayop. Ano pa ba gagawin namin?

“Oh talaga. Sige, di ko na kayo gagambalain. Bye.” At nag bbye na kaming lahat sa isa’t isa.

“Ano namang gagawin natin ha?!” Tanong ko pagkapasok ko ng bahay. Naupo lang ako sa sofa at nilagay ang paa sa ibabaw ng mesa.

“Kakain.” Iba talaga si dearest kuya ko ngayon! Nilapag niya sa mesa yung Tupperware na may pagkain. Ipinagluto ba naman ako ng favorite kong Cheese Sticks!

“Teka nga lang ha. May kailangan ka ba sakin at prinsesa ang turing mo sakin ngayon? Nakakatakot ha!” Sabay naman lamon ko dun sa cheese stick.

“Hindi ka talaga marunong magpasalamat noh?! Kelangan bang may dahilan ang mga ginagawa ko?”

“Oo naman! Eh pano ko pala ieexplain yang actions mo? Hindi ako naniniwala na dahil lang yun sa mamimiss mo ko.”

“Kung ayaw mong maniwala, eh di wag!” Aba, nagtampo na. Kaya naman papaganahin ko na ang aking lambing-lambing side.

“Kuya,” Tapos bigla ko siyang hinug. “I love you, kuya.” Mahina lang yung pagkakasabi ko pero andun yung feelings eh. Alam ko naman na buong buo yung pagkakasabi ko nun.

“Kapag nagkaproblema ka dun tawag ka lang sakin ha.” Mamimiss nga talaga ako ng kapatid kong to. Wala na kasi siyang aasarin eh.

“Opo!”

“Aba, anong drama to?!” Si ate Shine biglang lumapit at niyakap din kami nang napakahigpit! Naku naman oh! Pero in fairness, ang saya ha! Madalas naman kaming emotional na magkakapatid pero bihira yung ganitong parang ayaw na namin bumitaw sa isa’t isa. Mamimiss ko talaga mga kapatid ko.

=(

“Pinapapunta pala tayo ni Danica sa bahay nila. Birthday ni Stacey bukas pero ngayon icecelebrate para sa mga friends nila.” Ahhh, yun pala yun? Kaya pala sabi ni Tristan pumunta ako. Hmm, nandun sila kaya ayoko ngang pumunta!

“Hindi ako sasama. Magpapahinga pa ako. Alam niyo na, galing pa lang ako sa sakit.”Tapos sabay lamon dun sa cheese stick.

“Yan ba ang galing sa sakit?” Sabi ni kuya Lex.

“Alam kong sasabihin mo yan. Pero kapag nalaman mo na pupunta dun si Warren siguradong kahit bumabagyo o lumilindol, pupunta ka.” OH MY GULAY!

“SI WARREN?!” Nagulat talaga ako! Si Warren ang isa sa mga kaibigan ko nung bata pa ako. Super friends kami nun kaso lumipat na siya sa kabilang probinsya kaya bihira ko na siya makita. Pero consistent parin communications namin. Mapa facebook, text or YM. Loyal kami nyan sa isa’t isa.

One more thing, he’s Tristan’s cousin.

So syempre, pumunta nga ako. Si Warren kasi gusto ko talagang makita eh! Ang alam ko may girlfriend na siya! Iintrigahin ko nga yun,hihihih.

Pagpasok ko sa bahay ni Tristan, nakahanda na ang mga kakainin and designs. Children’s party eh.

Wait nga lang, kanina sabi ni Tristan kakain sila sa labas diba? Eh bakit sila nagyaya sa labas kung may celebration pala dito?

Hay naku!

Anyway, hinahanap ko na si Warren pero kahit anino niya hindi ko man lang makita. Nasaan kaya siya? Hmmm.

“Ate Ina!” Si Stacey. Ang cute niya sa suot niya. Naka pink gown siya at may tiara sa ulo niya. Ang cute cute talaga niya!

“Stacey!” Niyakap ko naman siya. “Happy birthday!”

“Thanks ate.” Iba yung smile ni Stacey ngayon. Sobrang saya niya. Siguro kasi nandito yung mga friends niya.

“Nga pala, nasaan si kuya Warren?”

“Ah si kuya Ren po? Hindi na daw sila makakapunta dito eh.”

=((((

Ano ba naman?!!! Kainis naman oh! Tssss!

“Ah ganun ba?”

“Bakit po? Aalis ka na?” Tinamaan naman ako dun. Si Warren naman kasi talaga ang pinunta ko dito eh. Nakaka guilty tuloy.

“Hindi noh! Akala ko kasi pupunta siya. Pero siyempre, celebration mo toh kaya dapat nandito ako.” Kinuha muna siya ni ate Danica kaya naiwan ako sa may pool area.

Yung mga kasama ko papunta dito nawawala na. San naman kaya nagpunta yung dalawang yun?!

Hay, mahirap pala maging loner. Kahit na feel at home ako sa bahay na ito, mahirap din pag mag-isa ka na. Hindi ko naman kilala yung ibang bisita eh.

Ano ba naman kasing gagawin ko dito eh? Tssss.

“Oy, nakita ko si Valerie at Tristan na magkasama. Bagay na bagay talaga yung dalawang yun. Buti na lang nagkabalikan na sila. Ang swerte mo naman, mare!”

Did.I.Just.Hear.Something?

“Ah, oo nga eh. Pero di ko alam kung sila ba talaga. Ang alam ko kasi iba ang gusto ng anak ko eh.”

Bakit ganun? Bakit ako nasasaktan nang ganito? Ano bang meron? Gusto ko nang umuwi. Pero para kay Stacey ang pagpunta ko dito. Pero kahit na!! May sakit ako diba?

“Oh Tristan, kumusta ka na pamangkin? Ang ganda naman ng kasama mo.” Tapos yun na nga. Paglingon ko nakita ko silang magkasama.

And yeah, Tristan’s smiling like he just won a lottery..and then, there’s a goddess beside him.

=READ, COMMENT, LIKE, VOTE! THANKS! <3 

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now