Chappie 4

4.8K 96 6
                                    

Lunes na.

Wala naman akong magawa maliban sa makipagkulitan sa katabi ko, si Crystal. Pinag-uusapan namin yung tungkol sa bagong Korean na palabas. Bibili kami ng dvd mamaya pag-uwi! Yey!


Hindi natatapos ang araw na hindi kami napapagalitan ni Crystal. Kung hindi kami maingay, yung pagtulog ko naman ang pinupunterya ng teacher. Minsan naman, nahuhuli akong nagbabasa ng manga.

Suki na ako sa Guidance Office. Lagi na rin pumupunta si mama sa principal.

Pero syempre, hindi naman ako mapatalsik sa skul kasi mga mild lang naman ang mga kalokohan namin ni Crystal.


Hello! Varsity kaya ako ng chess. Kahit boplaks ako, madiskarte ako sa chess! Naging 2nd runner up kaya ako nationwide. Pero yun nga lang, talagang pasaway ako,haha.


At ngayon, napagalitan kami dahil late na kami pumasok sa klase after ng recess. Pano naman kasi si Crystal eh! Nakita lang yung crush parang baliw na naman.

So yinugyog niya ako, eh nasa hagdan kami nun. Eh alam niyo naman siguro na wala akong sense of balance kaya yun eh di nahulog ako!

So pumunta kami sa clinic. Buti na lang safe ang kamay ko! Hindi to pwedeng maaksidente noh!

Tapos uwian na! Haha. Naglakad na lang kami papunta ng tindahan ng mga pekeng dvd.

Oo, pirated dvd! Syempre, praktikal na dapat sa mundong ito no! Tsaka, san naman kami hahanap ng original diba? Sa korea?


Naglalakad kami nang makasalubong namin ang mga taga St. Monica. Maaarte ang mga yan. Pero mas maganda ang uniform namin! Haha. Talagang nagkumpara.


“Bettina!” Sabay kaming lumingon ni Crystal. Ako yung tinatawag eh tapos siya lumingon? Haha. Nakita ko yung pinsan ni Tristan. Graduating na siya ngayong year. Ang ganda niya talaga!


“Oh ate Cielo, ikaw pala.”


“Bakit dito ka dumaan? Dun sa kabilang kanto ang sakayan papuntang bahay niyo diba?”


“Bibili lang kami ng dvd,haha.”


“Ahh, di ka talaga nagbabago. Nga pala, manunuod ako ng recital niyo. May duet daw kasi kayo ni Tristan eh. Gusto ko makita.”


“Ah, oo nga eh. Duet na napakawalang kwenta. Palamuti lang ata ako sa duet namin eh.”


“Magaling ka din naman ah.”


“Oo? Haha, salamat ate Cielo.” Tapos nagpaalam na siya.

“Ang ganda naman niya.” Sabi ni Crystal.


“Naman! Ballerina yun.”


“Para nga siyang Barbie doll kasi curly yung hair. Mukhang maarte sa malayo pero napakasimple pag nakausap mo. Hindi rin Ingleshera!”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now