Chappie 56

3.6K 85 21
                                    

A/N: This is dedicated to the people who commented in the Chappie 53 (kimonoyukata, heart_madnezz19, readerwriterlover, nononononono, iambiancalacaba). And for the silent readers as well. I really really love you all. Sana may napupulot kayong aral sa kwentong ito. At sana, may mga ma-inspire na mag-aral ng piano, bwahahah. At sa mga marunong na magpiano, sana wag kayong titigil sa pagtugtog! Maraming Salamat po! Mahal ko kayo!

~~

“Hah? Seryoso ka ba? Kasi sa mga sinabi mo, parang lumalabas na wag akong maiinlove kahit kanino. May gusto ka ba sakin ha?” Lakas lang talaga ng loob noh? Tch. Ano kaya isasagot niya? Duh, as if naman. Binibiro ko lang naman siya eh.

“Pano kung meron nga?”

“Imposible yan. Pero teka nga lang. Sabi mo di mo na gusto si Valerie. Pero sabi mo din na meron ka ng ibang gusto. Kung ganun bakit sumasama ka kina Valerie kung ayaw mo naman talagang makasama sila?”

“Gusto kong makasama si Valerie not in the sense na may nararamdaman pa ako sa kanya. Gusto ko lang na maging magkaibigan ulit kami gaya ng dati. Magkakaibigan tayong tatlo mula pa bata tayo. Ayokong masira yung mga pinagsamahan natin dahil parte ng alaala natin si Robbie. Pero ayaw ko na magpanggap na ibang tao kapag kasama yung mga kaibigan niya. Sawang-sawa na ako sa kaartehan nila.”

“Bakit di mo sabihan si Valerie na gusto mong kayo lang na dalawa ang magkasama?”

“Baka kung ano ang isipin niya. Baka isipin niya kasi na gusto ko pang maging kami ulit.” So may iba na nga talaga sa puso niya. Hmm, anyway ok lang yun kasi hindi ko naman siya gusto. Kasi nga FAN lang ako diba? Yun lang ako. Fan.

“O bakit natahimik ka?” Natulala ata ako.

“Ahh, wala lang. Naisip ko lang na dapat linawin mo kay Valerie ang lahat. Kasi ayokong masaktan siya dahil aasa siya sa wala. Kahit naman hindi na kami ganun kalapit sa isa’t isa ayokong nasasaktan siya. Kaibigan ko pa rin naman siya eh.”

“Kakausapin ko siya bukas.”

“Yung matinong usapan ha. Baka mamaya katarayan mo na naman ang pairalin mo. Umayos ka dyan.” Hmm, pero sino nga kaya yung babaeng gusto niya ngayon? Kahit masungit at suplado si Tristan, pramis, maswerte yung babaeng yun kasi mabait at understanding din naman si Tristan. At siguradong hindi siya pababayaan ni Tristan.

“Opo ma’am. Sayo lang naman ako mataray.”

“Weh? Eh halos lahat ng babae mong kaklase nung high school tinatarayan mo eh.”

“Maaarte kasi sila.”

“Hindi naman ako maarte ah.”

“Sabi ko nga sayo kanina, ano man ang ugaling ipakita ko sayo, alam kong hindi mo ako huhusgahan. Mabait naman ako sayo ah.”

“Oo na. Ikaw si Tristan Adrian Fajardo na masungit at suplado pero mabait naman sa mga kapatid at kay Mimi. Ikaw si Tristan Adrian Fajardo na magaling sa lahat ng bagay pero napapagod din. Ikaw ang kababata ko na kahit kailan ay hindi ako iniwan.” Niyakap ko siya.

“Pasasalamat ba yan?”

“Oo.” Bumitaw na ako. “Alam mo ba, nung magulo sa bahay pagkamatay ni Robbie, isang tao lang ang nagpapasaya sakin at ikaw yun. Kaya siguro nakayanan ko ang pagkawala niya kasi lagi kang nandyan para kausapin ako. Sinabihan ka ba niya na kausapin ako pag wala na siya?”

“Hindi noh. Sinabihan niya lang ako na wag kang awayin.”

“Obviously, hindi yun natupad.”

“Ang sarap mo kasing awayin. Tsaka naaalala ko si Robbie sayo.”

“Halos lahat naman naaalala si Robbie sakin.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon