Chappie 77

3.3K 83 28
                                    

A/N: Ayan, para sa mga natakot sa previous chapter, eto na ang update,wahahah! At sa nagsabing sana magkaamnesia si Mimi at makalimutan niya si Tristan, naku, walang ganyan sa story na 'to. Haha.

This is dedicated pala to war0711 kasi lagi siyang nagvovote dito kahit napakasilent niya lang. Ahihihi. Thanks a lot. Nasubaybayan ko din ang pagboto mo sa mga updates ko so you deserve a dedication! **sabog confetti** =) 

I really treasure silent readers. Yung iba kasi bigla na lang magmemessage sakin at magcocomment kapag nagulat sa chapters so even if you don't comment or vote, you have a place in my heart. Kahit alam kong yung story ang habol niyo at hindi ang author,hahahha. =))

Happy reading! 

__________________________

“Mimi!” Kung hindi lang ako sanay sa mga multo, siguro nahimatay na ako. Buti na lang hindi masyadong masakit ang pagkakahulog ko sa hagdan.

“Ate Winx naman eh!” Napasigaw ako sa takot na din. “Sorry po. Kasi may nararamdaman akong multo. May third eye po kasi ako pero sinara na ni lola Jas. Pero may nararamdaman po kasi ako ngayon eh. Buti ikaw lang yan.”

“Sanay ka naman pala eh. Ok lang yun, baka natripan ka lang kasi mukha kang mabait.” May napansin lang ako ah. Sa tuwing magkikita kami ni ate Winx, laging pareho ang damit niya. Laging puting dress na may lace sa may neck line.

“Ate, bakit po parang laging pareho ang damit mo sa tuwing magkikita tayo?”

“Hah? Ah kasi favorite ko ‘to eh. Haha.”

“Ah, ganun pala. Ate, balik na po ako sa dorm. Natatakot na po kasi ako. Ngayon na lang kasi may nagparamdam sakin ulit.”

“Okay. Nga pala, good luck ha! Wag kang susuko. Maraming naniniwala sa kakayahan mo. There would be people who would ruin you but never face the ground. Chin up.” Ngumiti siya. Napaka-angelic ng ngiti niya. Napakaganda niya talaga.

“S-sige po. Bye po. Hindi ka po sasabay sakin? May mumu po dyan.”

“Magpapraktis pa ako. Babye. Buenas noches.”

“Sige po. Oyasumi nasai!”

Tumakbo ako na parang may race. Buti nga hindi ako nadapa sa sobrang bilis.

Pagbalik ko sa dorm, nandun pa rin si Marvin. Hindi ko na kinain yung natitirang pagkain ko. Nagtaka nga sila dahil daw pawis na pawis ako at parang sumali ako sa marathon.

Eh di kwinento ko naman sa kanila. Naniwala naman sila dahil nga meron talaga dun at si Twinkle nga yun.

~~~~~

“Mimi!” Umagang-umaga, malakas na boses ni Chelsea agad narinig ko. Pagod na pagod ako sa pagpraktis ee. One week na ang nakalilipas mula ng kinausap ako ni sir Dave. Pero wala daw siya sa bansa ngayon kaya sa pagbalik niya saka ko na sasabihin ang desisyon ko.

Desisyong hindi ko alam kung tama o mali. Sabi nila, tama ang desisyon mo kung masaya ka sa kinalabasan ng desisyon mo. Magiging Masaya kaya ako?

“Ano?” Hindi ako tumingin sa kanya. Nasa cafeteria ako nag-aaral para sa exam bukas. Wala akong Applied ngayon kasi wala nga si sir Dave na personal trainor ko kaya ginamit ko na ang oras para magreview.

“Seryoso mo naman ata dyan ah.” Nagsiupuan naman ang mga friends ko. Kanina tahimik lang ang buhay ko dito dahil wala akong kasama pero ngayon, WALA NA! Dapat pala sa library na lang ako. Bawal kasi ang pagkain sa library eh.

Sa dorm sana kaso baka matulog lang ako pag nandun ako.

“May ibabalita ako sayo kaya makinig ka muna.” Inalis niya yung libro sa harapan ko at hinarap ang mukha ko sakanya.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now