Chappie 1

8.8K 161 31
                                    


Pagod.Na.Ako.

Ilang araw na akong parang lumilipad sa sobrang dami ng gagawin! Malapit na kasi ang recital namin sa piano at ako, bilang isa sa pinakamagaling na estudyante, ay naatasan na bilhin to, kunin yun, dalhin yung sulat kay ano…

NAKU!!! Lahat na lang! Pero ok lang. next week, tapos na tong lahat. Saturday na ngayon at papunta na ako sa bahay ng suplado kong kaibigan. Pareho kaming nagpipiano simula bata. Kami ang pinakamagaling sa lahat ng estudyante. Pero ang malaking pagkakaiba namin ay mabait ako at siya suplado to the max!

Pinapasok na ako ng katulong nila. Kilala na kasi ako dito sa bahay nila eh. Malamang, kababata ko yan eh. Napansin kong nilipat ng posisyon yung grand piano nila. Oo, grand piano! 1.8 million pesos yun eh! Oo, mayaman sila! Sobra!

Hinanap ko naman siya sa kwarto niya. At aba, nakatunganga lang siya sa harap ng laptop nanunuod ng kung anong video na hindi ko nakita kasi bigla niyang sinara yung laptop nung nakita niya ako. Naku! Baka kung ano na ang pinapanuod nya ha!

“Ano naman ginagawa mo dito?” Napakagandang bati!

“Si ate Cass pinapapunta ako dito para kunin yung music score na pinaphotocopy mo. Asan na yun, Mr. Fajardo?” Siyempre, taray din ang katapat nyan!

“Kunin mo sa portfolio ko. Andyan sa ibabaw ng cabinet.” Naku talaga! Nakakapikon ang ugali ng lalaking to.

“Nga pala, ilang kanta ba itutugtog mo?” Tanong ko nung nakuha ko na yung portfolio nya.

“Apat.”

“Ano ano?”

“Moonlight Sonata, Spring, Fantasie Impromptu tyaka Etude in E.” Wow, mga bigating pyesa yun ah. Mas magaling siya sakin, tanggap ko na yun sa simula pa lang.

“Ah, hmm, oi meron ka bang The Swan?”

“Meron pero hiniram ng kapatid ko. Para san ba?”

“Pag-aaralan ko. Yung pinsan ko kasi kelangan ng live piano para sa ballet recital nila. Next month na yun kaya kailangan ko nang magsimula.”

“Hindi mo yun kaya sa isang buwan.” Napakabait!! BWISIT!

“Ah, ganun ba Fajardo? Bahala ka sa buhay mo! Ikaw na magaling!” tapos lumabas na ako ng kwarto niya.

Pasalamat siya bestfriends ang ate naming dalawa at magkaibigan ang mga magulang namin.

Siya si Tristan Adrian Fajardo. Tristan for short. May tatlo siyang kapatid: Ate Danica, Ate Clarisse, at si Stacey. Siya lang ang lalaki sa magkakapatid kaya madalas OP pero kasundo naman niya lahat ng kapatid niya.

3rd year high school na siya. Sa St. Monica Academy siya nag-aaral.

Masungit yan at napakasuplado. Bihira makipag-usap sa mga hindi niya kilala. Lapitin ng babae pero isa pa lang ang nagiging girlfriend, si Valerie. Pero iniwan na siya kasi nag-aral na si Valerie sa London at wala na atang balak bumalik.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon