Chappie 14

3.9K 75 3
                                    

Maaga akong nagising. Feel ko na pumasok eh kaya naghanda na ako ng gamit ko sa skul. Wala naman daw na assignment kaya ok lang. Si kuya ay nagmagandang loob na ihatid ako sa skul kahit na malayo ang eskwelahan niya sa eskwelahan ko.

Ano kaya nakain nito? Dahil ba may sakit ako kahapon? Nah, hindi ata yun eh.

“Kuya!” Tawag ko. Haha. As if naman ang layo niya sakin. Nasa likod niya kasi ako habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.


“Ano?” Aba, hindi siya galit na sinisigawan ko siya? Hala, baka siya ang may sakit!

“Bakit ang bait mo ngayon sakin? Usually naman masama ka diba? Bakit ihahatid mo ko sa skul at bakit—“


“Wala lang. Syempre para dagdag allowance.” Tsk. Ano pa nga ba ang ibang dahilan?


“Yeah right.” Inunahan ko na siyang maglakad. Tapos biglang lingon sa kanya. “Wag mo na kong ihatid. Kaya ko na rin naman eh. Nasa sayo na yung allowance mo kaya pwede ka nang pumunta sa skul mo. Baka malate ka pa nyan eh tapos ako na naman gawin mong dahilan!”

Actually, ako ang laging dahilan niyang lalaking yan kapag nalalate siya sa skul. Minsan, kahit hindi naman talaga ako ang tunay na dahilan PANGALAN ko ang laging napagdidiskitahan nyan!

Pano ko nalaman? Eh madalas nasa bahay yung mga kaklase niya kaya nagsasabi sakin. Oh diba? Close kami nung mga kaklase niya! Aahaaha!


Third year college na yan si kuya pero lagi pa rin kami niyang nag-aaway. Si ate lang ang kasundo ko. Duh, malamang tatlo lang kaming magkakapatid diba??


“Hoy Bettina.” Nagulat naman ako dun ah! Tinawag niya akong Bettina? Once in a blue moon lang yun ah! Tyaka madalas pa, sa mga sulat niya pag Christmas or birthday ko lang niya nababanggit ang Bettina! Isa itong malaking HIMALA!


“Ano?!” Ako na yung naiirita.


“Gusto mong malaman kung bakit ako nagvolunteer na ihatid ka?”


“Hindi wag na. Huhulaan ko na lang. yung nililigawan mo dun nakatira sa may malapit sa skul? Or may bibilhin ka malapit sa skul? O di kaya may pupuntahan ka malapit sa skul?”


“Engk!” Tapos lumapit siya at binatukan ako nang mahina. “Kasi kapag umalis ka na dito at nag-aral sa EMAU, mamimiss kita kaya lulubos-lubusin ko na habang nandito ka pa.”


Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ko dun ah. Kapatid ko ba talaga tong kaharap ko ngayon ha? Sabihin niyo nga sakin!


“Wala ka namang sakit, diba?”


“Alam mo, hay, wag na nga!” Nagsabay na kami sa paglakad. Nakakapanibago naman tong kapatid ko!


Nakarating din kami sa skul ko. Yung kaklase ko na babae, parang gulat na gulat pa sa kasama ko. Never ko pa naman kasing isinama si kuya dito eh.

Nagpaalam na ako sakanya. May plano sana akong i-hug si kuya eh kaso marami na yung tao sa skul kaya di ko na lang itinuloy. May delikadesa pa rin naman ako noh! Whatever that means,haha.


“Mimi, ang gwapo nung kasama mo ah!” Sabi nung kaklase ko nung nakaupo na ako sa upuan ko.


“Oo nga. Sino ba yun? Sa Lian University ba yun nag-aaral?” Haaaay! Kapagod ah!


“Kapatid ko yun, okay. At oo, sa Lian University siya nag-aaral. Halata naman siguro sa uniform niya diba?”


“Ang gwapo pala ng kapatid mo! May gf na ba yun?”


“Ewan ko..malamang meron. Eh college na yun tyaka since nasa banda siya, marami siyang nauutong babae.” Hhaha.


“Hephep! Bakit parang inis ka sa kuya mo?” Si Crystal. Mabuti naman at nandito na siya!


“Ihatid ba naman kasi ako ngayon! Alam mo yun, parang multo ang kasama ko. Nakakagoosebumps lang eh!”


“Ang sweet naman! Actually nadaanan namin kayo at hindi kayo nag-aaway ha.”


“Yun nga eh! Mas feel kong nag-aaway kami.” Haha. Ang sama ko naman ata. 

Tapos bigla kong naalala na pupunta pala ako sa clinic. “Punta lang pala ako sa clinic para magtanong ng gamot sa sakit ko.”


Sasama sana si Crystal kaso di ko na pinasama kasi nagbell na.


Chineck ng nurse sa clinic yung temperature ko and all. Naghintay pa ako ng saglit bago dumating yung doctor. Tinanong ko yung doctor kung anong gamot dun sa tinatawag kong ‘ice-cream effect’.


After a while, umalis na rin ako. Tinawanan ako ng doctor bago ako umalis. Hindi rin naman nakabuti yung pagpunta ko ng clinic eh!


Pano ba naman ang sabi niya lang sakin eh…wala daw gamot sa sakit na yun at hindi rin daw yun sakit.


Ewan ko ba kung matutuwa ako na hindi yun sakit o maiinis kasi wala dun gamot! Kung hindi yun sakit, eh bakit ako nagkakaganun diba?? Haay, hindi magaling yung doctor na yun!


Hala! Sinisi pa yung doctor! Haha.


Pumasok na ako sa room. Ok naman ang kinalabasan ng araw ko. Kaya lang, nung hapon na, may pumunta sa skul ko.


Kakatapos pa lang kasi ng practice ko with music club. May tutugtugan kami next month kaya puspusan ang practice namin.


Palabas na ako ng gate ng skul nang makita ko ang dalawang tao na naghihintay sa labas.


Si Valerie at si Tristan.

=READ, COMMENT, LIKE, VOTE, SPREAD THE STORY! Thanks lovey-dovey! <3 hhahah! 

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now