Chappie 18

3.7K 69 1
                                    

“Anong ginagawa natin dito?”

“Sumunod ka lang sakin.” Umakyat kami dun sa may tuktok ng burol. May tatlong puno ng mangga dun. Madalas kaming umakyat dito para kumuha ng mga mangga. Ang baon lang namin nun ay asin tyaka bagoong.

Maraming puno dito dati pero tinanggal na ata yung iba. Ang alam ko kasi gagawin na tong amusement park or something like that.

“Hoy anu na?!” Hindi ako pinansin ni Tristan. Naghukay siya dun sa isang puno. Ano naman kaya hinuhukay nitong lalaking to? Medyo malalim na yung nahukay niya ah.

Baka buto ng tao hinuhukay nya! Hala wag naman. Haha.

“Kelan ka ba dyan matatapos?”

“Manahimik ka na nga lang dyan!” Sungit! Nakatalikod siya sakin. And for the first time, na-appreciate ko likod niya. Malapad ang shoulders niya tyaka..HEPHEP!

Ano ba ‘tong iniisip ko? Tch.

May bote siyang kinuha mula dun sa hukay.

“Para sayo yan. Pinapabigay ni Robbie. Dapat sana ibibigay niya yan nung nasa ospital na siya kaso nakita niya kung gaano ka naapektuhan sa mga nangyayari. I think this is the right time para mabasa mo yan. 7 years na din ang inilagi niyan sa ilalim ng hukay.”

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. After 7 years saka ko lang mababasa kung ano man ang mga nakasulat dito. Parang hinukay ko ang bangkay ni Robbie sa ginagawa kong ‘to. Parang buhay na buhay pa rin si Robbie. Si kuya Robbie ko. Well, mas nauna kasi siyang lumabas eh.

I decided na sa bahay ko na lang basahin ‘to kasi gumagabi na din. Naglakad na lang kami kahit medyo malayo yung papunta sa mga bahay namin.

Tahimik kami pareho. Mga insekto lang ang nag-iingay ngayon. Napaka unusual ko ngayong araw.

“Salamat.” I have to break the silence. Hindi talaga ako sanay sa tahimik eh. Alam niyo yun? Sobrang nakakabingi!

“Para saan?”

“Sa araw na ‘to at sa pagbigay sakin nito.”

“Nagpromise kasi ako kay Robbie eh.”

“Huh? Ano? Anong promise?”

“Basta.”

“Ang ganda talaga ng sagot mo kahit kailan noh?” Robbie, ano ba ang ipinangako sayo ng lalaking ‘to?

“Syempre. May mga bagay na hindi na dapat kailangan pang sabihin.”

“Kelan ka pa naging makata? Puro ka riddles eh! Ano to bugtong? Sorry ha, mahina ako sa ganyang bagay eh.”

“Alam ko kaya nga I’m using your weakness against you.” ABA ABA ABA! HOY! “Kasi kapag nalaman mo ang lahat ng riddles na binibitawan ko, wala na akong mukhang ihaharap sayo. Tyaka kahit gaano na ka-obvious ang sagot sa mga makata kong salita, ang utak mo hindi parin yun kayang intindihin. May pagka-utak uod ka kasi.”

“HOOOY! ALAM KONG BOPLAKS AKO. OO TANGGAP KO YAN! PERO EXCUSE ME, HINDI AKO UTAK UOD! GUMAGANA NAMAN ANG UTAK KO AH!!” hmpf!

“HAHAHAHAHAH!” Sige tawa lang. kainis naman ehhh!

Inunahan ko na siyang maglakad. Gusto ko siyang sakalin! Bwisit! Kung ako utak uod, siya estatwa! Robot! Pero wala yung impact sakanya eh. Hmm, ano bang maganda?

“Nag-iisip ka ng igaganti sakin noh? Hahahaha!” #$%^&!!!!!!!!!

Hindi ko na siya kinausap. Bahala siya sa buhay niya! Bakit kasi lagi na lang nyang nababasa ang nasa utak ko?! Wala naman siyang ESP ha! Ano bang meron sa impaktong ‘to! GRRRRR!!

*Pause*

*Tingin sa kalsada*

*Tingin sa kabilang kalsada*

*Tingin kay Tristan sa likod*

“Kita mo na yan? Lagi kang naliligaw. Kung di mo ako kasama, tiyak di ka na makakabalik. Kaya sa susunod, wag ka nang aalis sa tabi ko.” Sabay kuha sa kamay ko.

“Kasi ako ang direksyon mo and you just have to rely on me.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now