Chappie 37

3.9K 69 1
                                    

After namin kumanta, sinalubong ako nung principal nina Tristan. Ang ganda daw ng boses ko at bagay daw kami ni Tristan. Weird talaga yun so si Tristan na ang nagsabi na wala naman nga daw kaming something or whatever.

Pagkatapos ng principal, yung pari naman ng eskwelahan nila ang lumapit samin.

“Ikakasal ko na ba kayo? You look a perfect match.” Sabi ni Father na ang lapad ng ngiti. Nag-sign of the cross pa para samin. Naku, how I wish. Lols.

“Hindi po kami, Father.” Sabi ko.

“Mas bagay kayo kesa kay Valerie. Meron kayong something na hindi niyo pa nadidiskubre.” HUH?! Ano daw? Lol naman to si Father oh. Si Tristan tumatawa na lang.

Hindi na nga kami nagsayaw ni Tristan kasi marami ang sumayaw sakin at may mga sinayaw din siya. Medyo nga sumama ang pakiramdam ko eh. Napadami kasi ang kain ko ng ice cream. Si kuya Dij naman kasi.

Wait wait wait! Parang nangyari na sakin ‘to ah. Nung kumain ako ng ice cream na may lagnat ako. Parang ganun ulit ang nararamdaman ko. May lagnat ba ako ngayon? Wala naman eh. Psh. Pumunta muna ako sa restroom para makahinga nang maayos. Nakakasuffocate kasi ang crowded na area.

“Hija.” Si Father pala.

“Bakit po?”

“Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Tristan?” Intregero naman si Father.

“Oo naman po. Father naman, kahit memorize ko na ang ugali ni Tristan at ang buong buhay niya, hanggang friends lang po kami.”

“Bagay kasi kayo eh. Biro lang, hija. Dalangin ko na sana mas maging matatag ang pagkakaibigan ninyong dalawa. Mabait na bata si Tristan kahit minsan suplado at snob siya. Sana hindi ka magsawang intindihin at pasayahin siya.” Nakakabagbag damdamin naman yun. Weird nga lang ang sinasabi ni Father.

“Opo, Father. Salamat po.”

Bumalik na ako sa hall at nakita ko si Tristan na masayang kausap ang mga kaibigan niya. Katabi niya yung isang babae. Ang laki ng tawa niya. Bakit kapag kasama niya ako never siyang tumawa nang ganyan?

Sumama na naman ang pakiramdam ko. Oh, ice cream effect, get lost will ya?

Nahihiya naman akong bumalik dun sa table kasi ang dami nila dun eh. Tssss. Lumabas na lang ulit ako. Sa may balcony ako pumunta. Masarap kasi ang hangin from here. Kitang-kita din ang ciudad na tila ba may dekorasyon na mga ilaw.

Hay Robbie, masaya ba kung nasan ka man? Pwede bang tulungan mo akong alisin ang nararamdaman kong ‘to para kay Tristan? I don’t know if I’m in love or not. If this could be love, then I don’t want this.

“Bakit mag-isa ka lang dito? Bakit di ka bumalik dun?” Si Tristan. Paano niya kaya nalaman na nandito ako?

“Paano mo nalaman na nandito ako?”

“Kilala kita. Ayaw mo sa crowded area kaya most probably, nasa tahimik kang lugar. Galing na ako sa CR at sa corridor wala ka naman dun. Tapos naisip ko lang na nandito ka.” Hmmm. Kilala na niya ako from head to toe. Maybe it’s just the familiarity that gave birth to this feeling. Pero mawawala din ‘to. I promise!

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon