Chapter 3

27.1K 1.9K 1.4K
                                    

Dedicated to: Ryzel Rain

Chapter 3: Fight

Tuwing gabi ay madalas kaming magsama-samang mga babae sa isang silid kung saan ay magagawa namin mag-usap ng mga pangyayari sa loob ng Nemetio Spiran na walang halong opinyon ng mga lalaki.

Iba pa rin kasi ang usapan kapag kaming mga babae lang sa palasyo ang nag-uusap.

Kung dati'y higit na mabibigat na suliranin ang umiikot sa aming usapan, ngayon ay madalas na tungkol sa mga bata. It might be tough to be a parent, but in this conversation filled with our children, mas madalas kaming nakangiti at tumatawa.

Even without kids, Harper, Kalla, and Naha have been enjoying our topics when it comes to Divina, Dusk, Dawn, and Leviticus.

Who would have thought that after those wars I'd see this happiness between all of us?

"It's not just Caleb and King Dastan. The princesses have their other accomplice here," ani ni Lily.

Lahat kami'y napalingon kay Naha na inosenteng nagsasalin ng alak. She pretended not to notice our gazes. Instead, she slightly raised her glass and sweetly smiled. "Anyone?"

We sighed in unison.

Ilang beses ko na rin narinig si Evan na nagrereklamo at sinasabing may inaalagaan din siyang pasaway, kaya hindi na siya nagtataka na magkakasundo sina Naha, Divina, at Dawn.

"Come on, I am not their accomplice. Pinagsasabihan ko rin naman sila," kibit balikat na sabi niya.

"Where are they right now? Simula kaninang umaga'y hindi ko na nakita ang dalawang pasaway na batang iyon," naiiling na sabi ni Lily.

"Of course, they're hiding behind Dastan's power," sagot ko.

Kaninang umaga lang nang pakialaman ni Divina ang aking libro at sinubukan nitong gamitin ang impormasyon doon sa kanyang magaling na tiyuhin. At sa kasamaang palad, kung saan na napadpad si Caleb at wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung nasaan ang paboritong tiyuhin.

"But they shouldn't be tolerated like that. Hindi biro iyong aklat na ginamit ni Divina," dagdag ni Kalla.

Kapwa kami napatango ni Lily.

"Don't worry. I'll talk to my fellow It Girls na super wrong sila sa ginawa nila."

Napangiwi ako sa narinig mula kay Naha. "It Girls?"

Halos hindi maipinta iyong mukha ni Lily habang si Harper ay nagpipilit na hindi matawa. Kahit sina Kalla at Leticia ay tila nalito sa sinabi ni Naha.

"Oh, what I mean, sa mga cute kong mga pamangkin."

"Leticia, can you talk to Dastan. Can you please tell him that he shouldn't tolerate and spoil our kids?"

Tumango si Leticia. "Susubukan ko."

"Sana'y nasa mabuting kalagayan si Caleb sa mga oras na ito," kumento ni Harper.

"He should be! Tulad nga ng sabi ni Dastan, hindi siya maglalaho kung hindi rin dahil sa kanya," marahas napabuga ng hangin si Lily.

"Bago ako magpaalam kay Dastan at sabihin na patungo ako rito, kung hindi ako nagkakamali ay pinagsasabihan na niya iyong dalawang bata," sabi ni Leticia na biglang nagliwanag ang dalawang kamay.

Lahat kami'y dumungaw sa ipinakikita ng liwanag mula sa kamay ni Leticia.

And there, we saw the princesses sitting on the floor with folded legs and hands tightly sealed on their laps. Both of their heads were looking down at the floor while trying to suppress their cries. Nasa gitna rin nila si Leviticus na ginagaya ang pagkakaupo nila.

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Where stories live. Discover now