Chapter 51

10.3K 856 162
                                    

Chapter 51: Villain

Napasalampak ako sa lupa nang masaksihan ang pagtakas ni Atlas dala ang katawan ng babaeng tinatawag niyang Veda Le'Vamuievos.

At nang sandaling tuluyan na silang lamunin ng itim na bilog na iyon, saka ko lang higit na naramdaman ang higit na pagod ng buong katawan ko.

Hinayaan ko ang isang kamay kong manatili sa aking saksak habang ginagamot ang aking sarili.

Ngunit habang ginagawa ko iyon, naglalakbay na ang mga mata ko sa mga nilalang na nasa harapan ko. At ang realisasyong nakikita ko sila sa ganoong sitwasyon— ang tinitingalang mga prinsipe ng Parsua.

Ano ang nangyari sa kanila?

Kung kanina ay hindi ko sila nakilala dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lamang kay Atlas, ngayong tanging kami na lamang ang narito, ang babaeng kasama nilang katulad ko'y mukhang nagugulat sa pangyayari at ang mga inosenteng nilalang na hanggang ngayon ay nasa kanilang mga kulungan sa ere, at maging ang bilog na siyang ginawa ko sa buong paligid na nagsisimula nang maglaho.

The young Blair and Seth were looking quite enthralled with the bluish surrounding, the young Rosh couldn't even move from where he was standing, while my mate— the young Zen was hesitant to touch me with his small body.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko sa nakikita ko.

I almost died fighting against that demon, and here they are with this situation. . .

"Claret. . ." he said in a whisper.

All I did was look sharply at him.

Hindi ko na siya pinansin pa at nagsimula na akong tumayong muli nang maramdaman kong higit na akong makagagalaw.

Before that bluish globe circulating around the village finally collapsed on its own, I lifted one of my hands and started removing it, the blue cages of the innocent villages were descending slowly as I guided them carefully.

Walang makapagsalita sa apat na prinsipe habang pinapanuod nila ako sa ginagawa ko. At nasisiguro kong nararamdaman nilang higit na mas mabuting hindi nila ako kausapin, lalo na't nasa ganoon silang sitwasyon.

Isa-isa akong lumapit sa kulungan upang tingnan ang mga nilalang, ang karamihan sa kanila ay wala nang malay ngunit wala nang bahid ng itim na kapangyarihan ni Atlas, habang ang iba naman sa kanila'y nagpupumilit magpasalamat sa akin.

All I did was smile and nod at them.

The bluish light of the village turned into the natural light of the afternoon. I sighed in relief. Tumanaw ako sa kagubatan kung saan nagtungo sina Cora at Pearl. Siguro'y katulad ni Atlas ay tumakbo na rin si Mitchelle.

Atlas is wounded and he's vulnerable with Veda in his arm, he needs help from Mitchelle.

I kept on pressing my temple as I walked away from that small village. I'd just wait for Cora and Pearl to appear again.

Akala ko ay magagawa ko pang makarating sa bukana ng kagubatan kung saan sila nagtungo ngunit ramdam ko na ang bigat ng talukap ng aking mga mata.

I need rest.

Huminga ako nang malalim at lumingon ako sa apat na batang nakasunod sa akin na kapwa nakayuko. "I need to sleep."

As a witch, it's easy to find an unoccupied place in a village, dahil iyon ang siyang paboritong pamahayan ng mga katulad ko.

At the edge of that small village, I found an abandoned small cottage. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pumasok doon.

I was welcomed by thick dust, cob web, old furniture, and a rotten smell from dead rats. Handa ko na sanang linisin iyon gamit ang kapangyarihan ko nang unahan ako ng babaeng kasama ng apat na prinsipe.

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Where stories live. Discover now