Chapter 5

24.1K 1.6K 590
                                    

Dedicated to: Jasleen M. Eusebio

Chapter 5 Memories

"Queen Leticia will hold a royal banquet for the first time in her reign. At siguradong inaabangan iyon ng lahat," ani ni Zen.

Tumango ako sa kanya.

Madalas man imbitahan sina Dastan at Leticia ngayon sa iba't ibang pagdiriwang, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon magbukas ng pormal na pagdiriwang ang palasyo matapos ang tradisyunal na pagsasalin ng korona kay Dastan.

Sa tradisyon ay ang reyna ang siyang namamahala ng pag-aayos ng pagdiriwang ng palasyo.

"This will be Queen Leticia's first time after all. Marami man ang nakasaksi sa malaking digmaang iyon at kung paano lumaban si Leticia kasama ng hari, iba pa rin ang usapin kung tungkol sa mga nakaugaliang tradisyon."

"The noble families will have a high expectation."

"But she's a goddess. Siguro naman ay pamilyar na siya sa mga pagdiriwang. Isa pa, hindi siya pababayaan ni Dastan. Lily's always there to support, as well as Harper."

Si Zen naman ang tumango sa sinabi ko. "Well, Queen Leticia has a month to prepare for the celebration."

Simula rin nang matapos ang digmaan, tila natahimik din ang usapin tungkol sa mga itinakdang prinsipe. Kung dati'y lagi na lang silang laman ng usapan mula sa iba't ibang emperyo, ngayo'y tila napagod ang mga bulung-bulungan tungkol sa kanila.

"Any news about Tobias' mate?"

Nang pag-usapan namin ang tungkol sa babaeng itinakda kay Tobias at sa unti-unting paghihina ng asul na apoy, hindi ko na natandaan na nasundan iyon.

Umiling si Zen. Nanatili siya roon nakasandal sa may tagiliran ng bintana habang nakakrus ang mga braso at bahagyang nakalapat ang isang paa sa pader, tipid rin siyang sumisilip sa labas kung saan naroon sina Hua, Levi, at Divina.

"I thought King Dastan invited them?"

"I don't know. I never heard any reply from them. Hindi rin kami nag-uusap ni Dastan tungkol doon. Le'Vamuievos has been silent for a while. Wala na rin akong balita sa Parsua Deltora nitong nakaraang araw."

Napayuko ako sa hawak kong aklat at wala sa sariling binuksan ang ilang pahina niyon kahit lipad ang isip ko.

Dahil payapa ang kabuuan ng Nemetio Spiran, kaliwa't kanan ang pagdiriwang sa bawat pamilyang maharlika mula sa iba't ibang emperyo. At nasisiguro kong umuulan ng imibitasyon sa Parsua Deltora, lalo na't kilalang-kilala si Rosh sa mga kababaihan. Isama pa ang kaalamang, isa pang Le'Vamuievos ang nagsisimula nang lumabas sa kanyang lungga.

Unmated royal vampires are very famous in whole Nemetio Spiran. Kaya nang malaman ng karamihan na ang kilalang prinsipe ng mga nyebe'y may babaeng itinakda na at may makulit nang prinsesa, hindi na ganoong katunog ang kanyang pangalan. Even Finn and Evan are not as famous as before.

Gazellian brothers are known for being loyal—madly in love. Kaya wala nang ibang nagtatangkang lumapit sa mga Gazellian na alam nang lahat na may babae nang minamahal.

Kaya ngayo'y ang madalas nang nasa usapan ay sina Caleb at Casper. Well, Casper for being a threat for Rosh's position. At si Caleb na nagkaroon na ng iba't ibang bersyon ng usapan.

May mga nagsabing siya'y nadukot at hindi na nakapanlaban dahil kagagaling lang nito sa pagtulog nang siya'y atakehin. I heard a version that a woman seduced him and made Caleb her slave.

May isa namang nagsabi na siya'y nakawilihan ng isang mangkukulam at ginawang kanyang asawa.

May narinig din akong nagtungo siya sa dagat dahil sa awitin ng mga sirena, doo'y hindi na nakaahon at nagaya na sa kanyang kilalang lolo na sumama sa na dagat dahil sa pag-ibig. They even proved it because of the resemblance of their hair color.

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora