Chapter 10

11.1K 816 266
                                    

Dedicated to: Shayne Marie B. Hidalgo

Chapter 10: Melting

"Maybe now it's all about our family."

Ilang beses iyon nagpaulit-ulit sa isipan ko. Kreios waited for my answer but all I did was stare at him. Iniisip ko pa lang na sisimulan naming tuklasin ang totoong nangyari sa pamilya namin, nagsisimula na akong kabahan.

We're already fine without knowing more about our family. Tahimik na si Kreios namamahala sa emperyong iniwan ng aming ama, masaya nang magkasama sa kabilang buhay sina lola't lolo. Hindi ba mas mabuting hayaan na lang namin ang lahat?

I also have my own family— a happy family with Divina and Zen. Ngunit paano nga kung tama ang kapatid ko? Paano kung ang puno't dulo nito ay hindi na mula sa pamilya ng mga Gazellian kundi sa aming pamilya na mismo?

"H-How can we even start, Kreios? Walang iniwan sa atin sina lola't lolo."

Huminga nang malalim si Kreios. Naupo na rin siya sa harap ng lamesa, sumandal at napatingala sa kisame. "We can do everything step by step, Claret. Ang mahalaga sa ngayon ay ligtas kayo rito ni Divina."

I glanced at Divina. Naroon sa pagkain ang kanyang atensyon, marahan kong hinaplos ang kanyang ulo. I'll do everything to keep my daughter safe. At kung ang pagtuklas sa totoong nangyari sa aming pamilya ang paraan upang ilayo siya sa kapahamakan ay gagawin ko.

***

Nang sandaling nagtungo kami sa Mudelior ay hindi na muli nagkaroon pa ng kakaibang presensiya at biglaang pagpapakita kay Divina.

I spent most of my days reading books, while Divina's starting to mingle with the other noble children. Madalas din siyang hiramin sa akin ni Kreios kapag tapos na siya sa kanyang responsibilidad habang si Zen ay tumutulong sa mga militar ng Mudelior.

Hindi iilang beses na inisip kong bumalik na sa Sartorias dahil sa katahimikan na siyang nararanasan sa Mudelior. It is as if everything that happened few weeks ago was just a false alarm. Hindi rin naman pumapalya si Lily sa pagpapadala ng sulat sa akin upang magbahagi ng balita sa palasyo. I even asked her about the decoy that Finn, Casper and Harper made for us.

I could still remember how uneasy Zen was while we were waiting for the letter about what happened. Kahit si Kreios ay halatang hindi rin mapalagay habang nakatanaw sa bintana kung saan dadaan ang ibon na may dalang sulat.

"It's here!"

Hindi ko na nagawang hintayin pa na tuluyang makalapit ang itim na ibon, nagmamadali akong nagtungo sa bintana at agad kong itinulak iyon para pagbuksan ang ibon.

Sumalubong ang napakalakas na hangin ngunit hindi ako nagpatinag habang tanaw ang paparating na ibon. At nang ilaglag nito ang sulat ay agad akong naupo sa aking upuan.

"The window!"

Iritadong tumakbo si Kreois sa may bintana, isinarado niya muna iyon bago nagmadaling lumapit sa akin.

Sina Zen at Kreios ay mabilis nagtungo sa likuran ko at dumungaw sa papel na hawak ko.

With Zen worried for his siblings and Kreios to his mate. Our eyes moved in unison as we read the every word inside the letter, looking for critical news that would shake our peaceful life in Mudelior, but until we reached the last part of the letter all we received was Lily's concern for us, and how nothing happened when Finn, Casper and Harper volunteered to be our decoy. 

We sighed in relief. Napasandal na lang ako sa aking upuan at napatayo nang tuwid si Zen habang tanaw ang bintanang dinaanan ng ibon na may tipid na ngiti sa kanyang mga labi.

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Where stories live. Discover now