Chapter 6

22K 1.6K 565
                                    

Dedicated to: Raichelle N. Cruz

Chapter 6 Pagpaparamdam

Ilang beses umikot ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang prinsipe ng mga nyebeng nananatiling prenteng nakahiga sa kama na tila wala siyang dapat gawin sa araw na ito.

Nakayakap siya roon sa mahabang unan ni Divina na tila tinatamad pang magmulat ng kanyang mga mata.

"Zen," isang mata niya lang ang kanyang imulat ngunit agad niya rin iyong ipinikit.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ko ang pagpili ng aking kasuotan.

Bago ko ipag-utos sa mga tagasunod na simulan nang ihanda ang mga kagamitan namin, napag-usapan na namin ni Zen na kailangan naming ipaalam kay Dastan ang aming magiging pagdalaw sa kabilang emperyo. Lalo na't laging hanap ni kamahalan si Divina na parang siya ang ama ng bata.

Isa pa, baka may nais siyang iparating na mensahe kay Kreios na kasalukuyang hari ng Mudelior.

Sa tuwing naalala ko ang emperyong iyon, hindi ko maiwasang alalahanin na minsa'y kinilala akong isang reyna. Isang titulo na kailanman ay hindi ko pinangarap. Titulong hindi sa akin nararapat.

I was dubbed as the evil queen before, isang imahe na malayo sa totoong pagkakakilanlan ko.

But that's the life in this world, sometimes all you have to accept deceptions and make everyone agree with it.

One of the most important things that someone needs to learn in this world is the ability to play the truth and lies.

Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nanatili akong matatag sa panahong ito. I shouldn't let the mixture of lies and truth waver me in any situation, not because it was taught by my grandfather, but those experiences I had faced as years passed by.

I grew, learned, and got stronger. Hindi lang sa kapangyarihan, isipan, o kaya'y maging ang aking puso, kundi pati na rin sa mga bagay na nais kong paniwalaan at panindigan.

Nang makapili na ako ng kasuotan at isarado ko na ang tokador, muli kong narinig ang ingay mula sa kama.

"Would you like me to speak with Dastan? Ikaw na lang talaga?"

Muling umikot ang mga mata ko. Sa tingin niya ba'y may oras pa siya? Hindi pa niya naaayos ang kanyang sarili'y tapos na ang libreng oras ni kamahalan. Si Leticia mismo ang nagsabi sa akin na kaunti lamang ang libreng oras ngayon ni kamahalan.

"Do you need to ask him something? Gusto ko ay ako naman ang makipag-usap sa kanya."

"Alright. Nasaan na naman ba iyang si Divina?"

Tinanggal na ni Zen ang pagkakayakap sa mahabang unan ni Divina at umayos siya nang pagkakahiga. Nasa kisame na siya nakatitig ngayon habang paulit-ulit niyang inihahagis sa ere at sinasalo iyong maliit na unan ni Divina.

Nagising na lang kami ni Zen na wala na sa kama si Divina. Hindi na rin naman kami nagugulat dahil madalas na iyong nangyayari. Makikita na lang namin siyang kasama sina kamahalan at Leticia o kaya'y si Hua kasama si Levi.

Simula nang nawala si Caleb, bukod kay kamahalan ay sina Evan at Casper naman ang laging nakikita ni Divina. It's just that the two uncles are too different when it comes to treating our princess. Dahil si Evan ay parang si Zen din na mas madalas kaaway si Divina. Habang si Casper naman ay sunud-sunuran din ngunit hindi sobrang kunsintidor katulad ni Caleb.

I can still remember how Divina complained last time. Pulang-pula ang pisngi niya at ilang beses niyang pinagkukrus ang kanyang maliliit na braso.

"Mama! Si Uncle Evan! Lagi na lang siyang isusumbong kita sa Papa mo! Divina, what's that? Isusumbong kita sa Papa mo! Divina! Isusumbong kita sa Papa mo! Sumbungero si Uncle Evan, Mama!"

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Where stories live. Discover now