Chapter 83

8.8K 724 102
                                    

Chapter 83: PROMISE

I gasped, took my step back, and even covered my mouth as if my noise would interrupt them.

As the realization started to creep within me, I couldn't help but think of the possibilities that made us face our present situation.

I've witnessed how happy and dedicated Veda for the throne. She's willing to do everything to serve this world that the prophecy she believes has given to her, but with the idea that it has been mistaken.

If I were in the same situation, I'd feel robbed.

Hindi ko man napanuod lahat ang pinagdaanan ni Veda, nakikita ko sa saya niya at maging sa kislap ng kanyang mga mata ang pagmamahal sa trono.

Lavender Le'Vamuievos is always born to lead. Kaiba siya sa mga nakilala kong namumuno sa kasalukuyan.

King Dastan had doubts before his rule. Queen Leticia questioned her abilities, King Thaddeus blamed his runaway brother for giving him the throne, King Tiffon never wanted to lead Sartorias, and every other leader.

Si Veda Le'Vamueivos lang ang nakitaan ko ng maagang pagtanggap sa trono na kahit wala pa siya sa posisyon ay mahal na niya ito.

Is this the reason why Atlas stopped Divina and Kezalli from entering Veda's mind? Because he doesn't want anyone to know the real story about Veda?

Mariin akong pumikit at umasa na matatapos na ang lahat ng nakikita ko, ngunit nagpatuloy iyon.

Hawak ni Veda ang kamay ng batang si Tobias habang naglalakad sila sa pasilyo. Tobias looked happy with Veda's existence, but his sister looked blank. Pinunasan ni Veda ang kanyang luha bago sila humarap ni Tobias sa harap ng pintuan.

"Come in," boses mula sa loob ng silid.

At nang sandaling buksan niya iyon, sa unang pagkakataon ay napagmasdan kong gising ang dating reyna ng Parsua Deltora, Queen Raeliana. Nasa kanyang braso ang natutulog na si Rosh.

Unlike Tobias who can walk on his own, Prince Rosh grows slower.

"Halika, Veda. . ."

Sabay nagtungo sina Veda at Tobias sa kama ng reyna at naupo ang mga ito. The young Tobias tried to touch the sleeping face of his twin.

"When will he grow up like me?"

Ngumiti si Reyna Raeliana. "May dumalaw na babaylan mula sa Sartorias, at sinabing hindi natin dapat ikabahala ang bagay na ito. Your brother will grow up very unique and powerful that he has to take so much time to grow up. Walang problema ang kapatid ninyo. . ."

Pinisil ni Reyna Raeliana ang ilong ni Rosh na tahimik na natutulog sa kanyang bisig.

I saw how Veda tries to open her mouth to speak, but she just lowered her head. Nangangatal ang kamay niyang inihawak ang kanyang kamay sa kapatid na natutulog.

"I am glad that he'll grow strong," halos pumiyok ang boses niya.

Nagtataka siyang tiningnan ng reyna. "What is wrong, Veda? May nararamdaman ka ba?"

"S-She was crying when—"

"Tobias!"

Kapwa na nagulat sina Reyna Raeliana at Tobias sa malakas na boses ni Veda, dahilan kung bakit nagising na rin si Rosh at nagsimulang umiyak.

Agad nagmadali bumaba si Veda. "I'm sorry, Mother. Pagod lang siguro ako."

Nang sandaling lumabas na si Veda sa silid niya, muling nabago ang pangyayari at dinala akong muli sa ibang sitwasyon.

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Where stories live. Discover now