Chapter 52

10.7K 868 316
                                    

AN/ Steamy scenes ahead. Warning lol

Chapter 52: Snowstorm

Freya and I spent our hours outside that small cottage until the darkness cloaked the whole village, and only those blinking stars widespread above us served us our only light.

We shouldn't be idly sitting right now, but the situation of those princes and the potion they took need more time.

Zen, Rosh, Seth and Blair should be in their best form if they're going to face Atlas— o kung iyon ba ang siyang nais nila.

Sa sandaling bumalik na silang apat sa kanilang totoong anyo, siguro naman ay mas magagawa ko na silang kausapin nang maayos na hindi umiinit ang ulo ko.

Huminga akong muli nang malalim.

Ano ang kasiguraduhan ko na hindi muli gagawin ni Rosh ang ginawa niya?

"Ngunit kung hindi ko magagawang kitilin si Atlas, hindi niya titigilan ang anak ko. Because my daughter is the only way he can use to revive Veda Le'Vamuievos. Gayong hindi pa kami kumpletong mga itinakdang babae sa mundong ito," sabi ko nang hindi ko na napigilan ang siyang nasa isip ko.

Huminga ako nang malalim at napasandal na ako sa kinauupuan ko. Tumanaw ako sa kalangitan, hindi ko na napansin ang oras na lumipas dahil sa pakikipag-usap kay Freya at sa lahat nang iniisip ko.

Kumusta na kaya si Divina sa kamay ng aking ina? Saan niya dinala ang anak ko? Dapat ko bang pagkatiwalaan ang babaeng kahit ang sariling anak ay hindi kayang protektahan?

Freya only told me that my mother Cynara only helped me to save Divina from Atlas, at para hindi na kami magaya pa ni Zen sa mga magulang na nawawalan ng alaala.

But why does she cares for me and for my family? Bakit ngayon lang siya nagpakita at nagparamdam pagkatapos nang maraming taon? She was never like my grandmother and grandfather who sacrificed their lives for us.

Kumuyom ang mga kamao ko. I should finish this quickly and find my daughter. Alam kong umiiyak na siya ngayon dahil sa pagkakalayo namin sa isa't isa.

Divina might be a sweet and bright girl, but she always cries. It will be a challenge to someone that will take of her to stop her from crying dahil ang nakikilala ko lang nakakapagpatahan kay Divina ay si Haring Dastan.

"Divina. . ."

Hinawakan ni Freya ang kamay ko. "She will be alright. Don't worry."

Saka ko lang din napansin na tuluyan nang tumahimik ang apat na batang prinsipe sa loob ng maliit na bahay na iyon.

"Nasa maayos pa ba silang kalagayan?"

Saglit na sumilip sa kanyang likuran si Freya na parang makikita niya sa paraang iyon ang mga prinsipe. "Marahil. . ."

"At sinabi mong may nakatakdang tumapos sa buhay ni Atlas? Freya, I know that I am capable of killing him," madiing sagot ko.

Masyadong marahas at madugo man ang naging pakikipaglaban ko kay Atlas, alam kong magagawa ko siyang mapatay, ngunit alam ko rin sa sarili ko na magiging Malala ang pinsalang iiwan niya sa akin.

Zen's presence right now helped my recovery as well.

"Ito ang siyang dapat mong pag-usapan kasama sila, Claret."

Tumango ako sa sinabi ni Freya. I really have to talk to them, but when can I wait for them?

The time is ticking. Nakabalik na si Atlas sa kanyang palasyo at wala pa rin akong balita kina Pearl at Cora.

"Ang sakit ng ulo ko. . ."

Kapwa kami napalingon ni Freya nang may isang kamay na humawak sa hamba ng pintuan at nasundan iyon ng pagsungaw ng mukha ni Zen na salubong ang kilay, gulo ang buhok, at sapo ang noo habang bahagya pang umuusok ang katawan.

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon