Chapter 11

10.4K 775 218
                                    

Dedicated to: Jamelah

Chapter 11 Attacked

We might be miles away from Parsua Sartorias, Queen Leticia and Lily never kept us in the dark.

Madalas na kaming matipon nina Zen at Kreios sa silid-aklatang iyon kung saan napapanuod namin ang kaganapan sa palasyo. At halos hindi ko na yata mabilang kung ilang liham na ang naipadala ni Kreios sa Sartorias.

He's always on that small table, looking utterly frustrated, with visible veins on his temple, and one of his hands on his forehead. The scribbling sound of his quill against that huge parchment gave us too much distraction.

Dahil nang sandaling nag-angat na ako ng tingin mula sa binabasa kong libro at sulyapan muli ang kapatid ko, hindi na nagbago ang kanyang hitsura.

Nagkatinginan kami ni Zen na nag-angat na rin ng tingin mula sa tubig habang hinihintay niyang magliwanag ulit iyon. Hindi na nakatiis si Zen at lumapit sa akin para bumulong.

"Manunulat ba iyang kapatid mo, Claret? Is he trying to make a novel?" tanong sa akin ni Zen

Umiling ako. "I don't know."

"His scribbling is so annoying," iritadong tinakpan ni Zen ang kanyang tainga.

Saglit ko lang muli sinulyapan sina Kreios at Zen bago ako bumalik sa pagbabasa ko ng libro. Akala ko'y mananatili lang kaming naghihintay tatlo roon nang biglang nabuksan ang pintuan. Iniluwa niyon ang masiglang si Divina na mukhang katatapos lang makipaglaro sa mga maharlika ng Mudelior.

Agad akong napatitig kay Zen at sa kaunting tubig na kanina niya pang dinudungaw. Napag-usapan na namin ni Zen na mas mabuting walang alam si Divina sa kasalukuyang nangyayari sa Sartorias.

My daughter's too innocent to learn that her homeland's currently facing a serious crisis, and her own parents decided to bring her to another empire to protect her.

Higit naming gusto ni Zen na isipin ni Divina na narito kami para magbakasyon at makasama ang kanyang tiyuhin na si Kreios. Isa pa, sa sandaling malaman ni Divina na bumalik na si Caleb, kasama si Anna na siyang itinakda sa prinsipe mula sa ibang mundo nasisiguro kong magyayaya na itong umuwi. Isama pa na naroon na rin sa Sartorias sina Dawn at Dusk.

"Mama! Papa!"

Lalapit na sana sa amin si Divina nang lumingon siya sa gilid niya at makita si Kreios. "Uncle, what are you doing?"

Saka lang tuluyang naabala si Kreios at ang kanyang nobela dahil kay Divina na tumakbo patungo sa kanya. Divina sat on her lap while watching her uncle make his novel.

"What are you doing, Uncle?" ulit ni Divina.

"A novel."

"Kreios," tawag ko sa kapatid ko.

Natigil siya sa pagsusulat at nag-angat siya ng tingin sa akin sa unang pagkakataon. Alam kong sa paraan pa lang ng pagtawag ko sa pangalan niya ay nahihimigan niya ang bigat niyon.

Anumang oras ay maaaring may ipakita si Leticia sa tubig. Huminga nang malalim si Kreios at itinigil ang kanyang ginagawa. Tumayo siya habang buhat si Divina.

"Do you want to go somewhere else, Divina?"

"Outside. Who says a king can only stay inside his castle?" sagot ni Kreios.

Hindi ko mapigilan hindi matawa nang sabihin iyon ni Kreios habang palabas na sila ng silid ni Divina. Saglit lang nagtama ang mga mata namin ng kapatid ko at tumango ako sa kanya.

"Mama, Papa, we're going outside!"

"Yes. Take care," sagot ko.

Nang sandaling nagsarado na muli ang pintuan ng aklatan, hindi na kami naghintay pa ng matagal. Muling nagliwanag ang tubig at doon saglit na ipinakita ang mga nilalang sa Parsua Sartorias.

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Where stories live. Discover now