Chapter 4

26K 1.8K 841
                                    

Dedicated to: Jasleen M. Eusebio

Chapter 4: Katanungan

Nanatiling payapa sa Nemetio Spiran.

Sa tuwing napapadaan ako sa pasilyo kung saan naroon ang naglalakihang bintana tanaw ang labas ng palasyo ng Parsua Sartorias, hindi ko napapansin na napapatigil na lang ako at ilang minutong natutulala sa ganda ng aking nakikita.

Hindi na siguro ako masasanay sa ganda ng lugar na ito. The beauty of this world wouldn't be like this right now, if our rulers gave it up. But King Dastan and Queen Leticia did everything to preserve this world's peace, unity and freedom.

Lumapit na ako sa bintana. Kusang gumalaw ang dalawa kong mga kamay at tuluyan na nga iyong binuksan, dahilan kung bakit yumakap sa akin ang banayad na hanging may saliw ng amoy ng mga bulaklak.

Itinuon ko ang dalawa kong mga kamay sa hamba ng bintana at kusang pumikit ang aking mga mata.

Napakarami na naming pinagdaanan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na darating kami sa oras na ito.

Bagaman isa nang suliranin ang pagkawala ni Caleb, ang mga salita at ang pagiging kalmado ni kamahalan ang siyang nakapagpahinga sa amin ng maluwag.

Hindi naman siguro magiging kalmado si Dastan kung alam niyang nasa kapahamakan si Caleb? I've witnessed how Dastan sacrificed everything for the sake of his siblings, but still it truly bothers me.

Hindi na lang para sa akin kundi para kay Divina. Minsan ay makikita ko na lang na biglang iiyak si Divina dahil bigla niyang maalala ang kanyang paboritong tiyuhin na nawawala.

But we should trust King Dastan's instincts. His every move is already detailed and calculated, na sisiguraduhin niyang maibibigay niya ang kaligtasan ng kanyang mga kapatid.

From Zen and ridiculous dying acts? Kahit si Lily na alam na umaarte lang ang Prinsipe ng Nyebe ay ginawa ang gusto ng kapatid.

Nagmulat na ako at napailing sa alaalang iyon. Parang kailan lang ay nasa bundok ako at naninirahan kasama si lola, at nagulat nang biglang may mga hindi pamilyar na taong naghihintay sa akin.

Who would have thought that an important king of an empire would travel to another world just to forcefully bring his brother's bride into their unusual world?

Dastan should have summoned any powerful vampire knight to do the job, but he personally traveled into different world with his siblings just to grant Prince Zen's dying wish.

"Baby. . ." lilingon pa sana ako sa pinanggalingan ng boses nang maramdaman ko na ang mga braso ni Zen sa baywang ko.

He gently kissed my right cheek. Nanatili siya sa likuran kong nakayakap at pinili rin tumanaw sa labas ng palasyo.

Kusang umangat ang mga kamay ko at yumakap sa mga braso niyang nakapulupot sa akin.

"I hope everything will stay like this, Zen. Peaceful, happy. . ."

"Of course. We have the best King and Queen, Claret, the rightful rulers of this world. We don't have to worry. "

A gentle smile crept into my lips. 

"The history of Nemetio Spiran is nothing without your family's endless sacrifices, Zen. Hanggang ngayon ay hindi maubos ang paghanga ko sa inyo. From King Thaddeus, Queen Talisha and Da—" nang maramdaman ko ang saglit na paggalaw ng braso ni Zen sa akin, pinili ko nang hindi ituloy ang sasabihin ko.

Gazellian siblings might have accepted Desmond as their brother, but they couldn't still hear the name Danna without a flinch.

"Your family deserves this recognition, Zen."

Hidden Bite (Book 3 of Bite Trilogy)Where stories live. Discover now