UNUM

14.9K 623 120
                                    

"Kiss my feet and crawl back into your cage."

Once upon a time, the story never started...

Huminga nang malalim si Snow at gumapang papalapit sa amo. Marahan niyang hinalikan ang makintab at mamahalin nitong sapatos at nanginginig na bumalik sa kanyang kulungan. All the while, she had her eyes casted down, just in time to see a cockroach crawling upon the dirty floor.

Ngumisi ang lalaki at saka umupo sa sahig. Nagtama ang mga mata nila ng dalaga. Bahagya siyang umusog papalayo, kahit na alam niyang imposible dahil sa maliit niyang kulungan. Para siyang asong nakakulong sa loob ng malamig na rehas. The steel metal bars gave her a chill.

"Good girl, Snow. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. I expect you to behave while I'm gone. Got it?"

Nanginginig na tumango si Snow. 'Damn him', isip-isip niya habang pinapanood itong maglakad papalayo. Wala siyang ibang marinig kundi ang malakas na pagsara ng pinto sa madilim na silid.

"Balang araw, matatakasan rin kita.."

Bukod sa basag niyang boses, namayani sa katahimikan ang tunog ng isang libong orasang nakapaligid sa kanya. Every agonizing second passed by, and it felt like an eternity to her.

Napayuko na lang ang dalaga habang tumutulo ang kanyang mga luha sa maruming bestida. Ni hindi siya makatayo sa maliit niyang kulungan, at kanina pa siya nakakaramdam ng gutom. Hindi niya maalala kung paano ulit siya napunta sa ganitong sitwasyon.

Mr. Remi Boswell is a well-known clockmaker in Eastwood. Natalo sa sugal ang ina niya, at wala na itong nagawa kundi ibenta ang anak. Unfortunately, she sold Snow to the notorious clockmaker. Magmula noon, hindi na nakita pang muli ni Snow ang ina. Malamang nagpapakasasa sa pera at nagtago na sa iba nitong mga utang. She couldn't say that she missed her mother, in fact, she's happy without her.

Mas gugustuhin niyang makulong sa loob ng silid na ito kaysa makipagplastikan sa ina niyang hindi naman siya mahal. "What's the use of having parents if you can't feel parental love? That's stupid," iyan ang madalas niyang sabihin--noon, hanggang ngayon.

It's been years.

Ilang taon na rin siyang naging residente ng malamig na kulungang ito. Ilang taon na rin siyang kumakausap sa kawalan at nababalot ng kadiliman. Now, everything will change. Snow smirked and grabbed a hair pin. Nagmadali siyang gumapang papalapit sa nangangalawang na kandado at sinubukang buksan ito.

"Please..gumana ka naman."

Mahina niyang bulong. Naramdaman niyang bumilis ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Paano na lang kung mahuhuli siya ni Mr. Remi? Paniguradong hindi lang siya nito paglilinisin ng bodega sa susunod. Tumulo ang pawis sa gilid ng noo ni Snow, at nanghihina niyang kinalikot ang lock.

Click!

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Her mouth broke into a smile. Nagawa niya! Nanginginig niyang kinalas ang mga kadena at marahang binuksan ang pintuan ng kulungan niya. She crawled out of her cage, her ebony black hair stuck on her forehead with sweat. Inayos niya ang prosthetic niyanc binti at pinagpag ang kulay itim niyang bestida na napapalamutian ng mga laso.

Nagmamadali siyang tumakbo papalayo sa madilim na silid. The ticking of a thousand clocks, in different sizes and shapes, mocked her. It filled the air with dread. Hindi niya makita ang dinadaanan niya, pero wala siyang planong huminto.

"Makakatakas na ako.." Hindi niya makapaniwalang sabi. Adrenaline coursed through her blood. Mayamaya pa, naramdaman niya ang seradura ng isang pinto. Mabilis niya itong pinihit pabukas at tumakbo sa mga pasilyo.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon