QUINQUAGINTA SEX

3K 229 6
                                    

"Just go."

Snow White knew she was doing everyone a favor. Wala siyang naaalalang pagkakataon na naging mabuti siyang mortal, kaya't hindi na rin siya magtataka kung dito sa kawalang ito ang huling hantungan niya. 'Pinapaaga ko lang ang katapusan,' paulit-ulit niyang bulong sa isip niya. Since she had been a burden to the seven sins, might as well try not to kill them right? Batid ng dalaga na kung totoo ngang napapawalang-bisa ng impyernong ito ang kung anumang sumpang ibinigay sa kanya ni Boswell, maaaring ito lang ang pagkakataon niyang mapigilan ang masasama nitong plano. Snow White can't just risk transforming into a monster again and stealing the rest of their collection.

'Bahala na.'

But just when she was about to take another step back, nabigla na lang siya nang umalingawngaw sa puting kawalan ang boses ni Sloth. Nakasimangot ito, halatang hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.

"Stop joking around. Kailangan na nating umalis."

Pagak na natawa si Snow at napahawak sa kanyang tattoo sa leeg. From the corner of her eye, she can see Chandresh shift uncomfortably on his heel. Mukhang hindi rin nito inaasahan ang magiging desisyon niya. Poor Chandresh.

"Didn't I make myself clear? Iwan niyo na ako. Hindi ako sasama sa inyo pabalik.. I-I like it here."

That's partially a lie. Hindi niya gusto ang nakababaliw na lugar na ito (she honestly doubts she'll last a day or a week or a year), pero sa dinami-rami ng pinagdaanan ni Snow sa buhay niya, masasabi niyang mas payapa pa ang impyernong ito. Ang makasama ang mga taong mapanghusga at walang pakialam sa kapwa nila---iyon ang tunay na impyerno. Huminga nang malalim si Snow at sinubukang pigilan ang emosyong tumatagos sa kanya. Sloth and Chandresh still watched her. Ilang sandali pa, bumulong ang binatang nagmula sa kanyang salamin.

"B-Bakit?"

"Kailangan ba may rason?"

"Lahat ng bagay, may rason. Alam mo 'yan."

Snow bit the inside of her cheek until it bled. Hindi na rin niya maramdaman ang sakit na dala nito dahil sa kabog ng kanyang puso sa dibdib. Kaba at takot----iyan mismo ang pumupunit sa kanyang kalooban sa mga sandaling ito.

"Ito ang pinakamainam na gawin. We can't break the curse, and it seems that Boswell's control over me doesn't work here.. Hindi na ako makakasagabal pa sa trabaho niyo." She turned from Chandresh to Sloth and smiled sadly, "I won't be able to see you again, either. Pakisabi sa mga kasalanan----"

"Shit. Bullshit! Snow, cut it out. Aalis na tayo!"

"Sloth, hindi mo ba ako narinig? I am not---!"

"Shut up."

Nagulat si Snow nang sumiklab ang inis sa ekspresyon ni Sloth. Nakasimangot pa rin ito at napapailing sa kanyang sinasabi, but she can vaguely see a hint of worry behind those eyes. Kahit sa huling pagkakataon, hindi pa rin makapaniwala si Snow na mukhang anghel ang isang 'to. This lazy prince is the personification of angelic. 'It's too bad I won't see him anymore. I won't see any one of  them..'

"Sasama ka sa'min." Pinal na wika ni Sloth at humakbang papalapit sa kanya. Naging alerto ang dalaga. Soon, Snow White found herself running away, deep into the endless horizone of emptiness. At habang tinatahak niya ang daang walang patutunguhan, napapaisip si Snow kung paano siya makakatagal sa lugar na ito nang hindi nasisiraan ng bait. You can't see the souls and the monsters, but you can feel them around you. Hinihingal na si Snow, pero hindi siya tumigil sa pagtakbo. Umaasa siyang naligaw na niya ang dalawa.

'Dito naman ako magaling, 'di ba? Sa pagtakbo at pagtakas,' she mentally laughed at herself.

Wala talaga siyang kwenta.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon