"Ang Alamat Ng Pangalan Ni Cerberus"

2.3K 139 7
                                    

A SWATSDS fanfiction,
written by MJ Bejar

---

Drinking day...

"Malamang ngayon ay isinusumpa ka na ni Hades sa pagnanakaw mo sa tuta niya", sabi ni Pride sabay simsim sa kopita.
"Kahit ngumawa pa siya wala akong pakialam" sagot ni Wrath saka inisang lagok ang laman ng glass niya."Mas pinoproblema ko ngayon kung anong ipapangalan ko rito", tukoy niya sa three-headed puppy.
"Why don't you name him Gummy? Pagnakikita ko kasi ang buntot niya, gummy worms ang naiisip ko" Gluttony suggested, di alintana ang masamang tingin ng buntot na ahas na lingid sa kaalaman ng marami ay isa sa mga bumida sa music video ng Look What You Made Me Do.
"Nah. It would be better if you name each of his head. Let's say...Kim, Kourtney and Khloe. What do you think?", Lust suggested with a playful smile on his lips, wiggling his brows.
"Sira! Alam kong laman lagi ng pantasya mo ang mga Kardashian. Pero wag mo namang gawing bakla ang tuta ko!" singhal ni Wrath at nagsalin ulit ng alak. 
                                        
Samantalang ang kambal naman ay naghahabulan sa paligid ng dining hall. Bago kasi ang drinking session ay nanggaling sila sa paglalaro ng chess. Parehong ayaw patalo at parehong madaya.
"You sneaky bastard!" sigaw ni Greed
"Don't talk as if you never cheated!" pasigaw ding sagot ni Envy.

Halos ilang oras na ring nagiinuman ang pito.At nang maubusan ng pulutan ay bigla na lang umalis si Gluttony. Pagbalik niya ay may hawak nang buhay na manok. Kung saan iyon nanggaling ay wag na nating alamin pa. Tinapat niya iyon sa isa sa mga ulo ng tuta na agad naman nitong binugahan ng apoy at na-lechon ang pobreng manok.

"Ikaw Sloth, wala ka man lang bang suggestion?" baling ni Wrath sa kapatid na umiinom na nakapikit.
"Tinatamad akong magisip" walang ganang sagot nito. Lagi naman talaga itong tamad.Wala naman bago rito bukod sa lately ay madalas na itong makinig ng kanta ni ng metallica bilang pampatulog.

"Tutal lagi namang CERious iyong isang ulo, ang isa naman ay BERy angry at ang isa pa ay Uber Sa pabebe, Why don't you name him Cerberus?" biglang sabat ng medyo lasing nang si Pride na naturingan pa man ding pinakamatalino sa kanila. Pero malamang ngayon ay itinatakwil na ito nila Shakespeare, Francis Bacon, Blaise Pascal, Isaac Newton at iba pang mga katropa nila. Gaya ng pagtakwil ng mga ito kay Professor Samuel Castillo.

Nagulat na lang ang lahat nang mapatayo si Wrath sabay hampas sa mesa. Nagtu-twinkle pa ang mga mata nitong dati ay laging galit.

"You really are a genius Pride! You're the man!" Wrath happily exclaimed.
Tumahol pa ang dambuhalang tuta nito bilang pagsang-ayon.

Natigil si Snow sa paglilinis at napasapo ng noo.

At diyan nagtatapos ang makasaysayang pinagmulan ng pangalan ni CERBERUS

---

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz