SEX

6.2K 350 21
                                    

"GLUTTONY! PWEDE BANG KAHIT ISANG BESES LANG SA SIGLONG ITO, TIRHAN MO NAMAN KAMI NG PAGKAIN?!"

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Wrath habang nakapukol ang masamang tingin sa kapatid na halos sakupin na ang buong mesa; but the selfish food-lover ignored him and swallowed a whole chunk of lasagna, saka niya naman tinira ang croissant na nakalagay sa tapat ni Pride. The eldest brother calmly frowned. Sa kabilang dulo naman ng hapag-kainan, matamlay na nakamasid sa kanila si Sloth na pumupikit na ang mapupungay na mga mata.

Wrath cursed under his breath when Gluttony burped loudly. Ngumiti pa ito nang nang-aasar, "Oops." Para bang naputol na ang katiting na pasensiyang natitira sa kanyang loob at may kinuhang bagay mula sa ilalim ng mesa.

"GLUTTONY!"

Napahinto ang lahat nang kuminang sa liwanag ng chandelier ang mahabang katana na hawak ng prinsipe. The sharp blade drew menacingly closer towards Gluttony habang nakangisi lang si Wrath. Natigil sa paglamon ang kapatid at namutla nang mapagmasdan ang patalim.

"B-Brother, p-put that thing away!"

"I'LL PUT IT AWAY IF YOU STOP EATING LIKE A DAMN PIG!"

Nangungulilang tinitigan ni Gluttony ang masasarap na mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan. Napabuntong-hininga siya, "Sige patayin mo na lang ako. Just make it quick because the chicken soup will get cold."

Nanlilisik na ang mga mata ni Wrath sa iritasyon. Makikita mo na ang usok na lumalabas sa kanyang mga tainga at parang torong sinugod si Gluttony. He stepped over the table, kicked the plates and chased the poor sin around the dining room.

"BUMALIK KA DITO!"

"MENTAL KA BA? BAKIT KO NAMAN GAGAWIN 'YON?! YOU'RE GONNA KILL ME!"

"THAT'S EXACTLY THE POINT!"

The rest of the brothers sweatdropped upon the scene. Para silang mga batang naghahabulan. Hindi na bago sa kanila ang mga ganitong eksena.

"Where does he even get all these weapons?" Mahinang tanong ni Greed sa kakambal na napapailing na lang. Lust grinned, resting his chin on the palm of his hand, "Now, this is amusing."

Sa kabilang banda naman, tahimik lang na nanonood sa mga pangyayari si Snow White. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang narito pa rin siya sa mansyon at hindi siya pinagtabuyan ng mga ito. Ni hindi na nga niya maalala kung paano siya nakapagluto ng almusal nang ganoon kabilis, para bang may mahika ang kusina at ngayon, napagtanto ni Snow na ang mahika at mga kababalaghan ay hindi nanggagaling sa mansyon, kundi sa mga lalaking nakaupo ngayon sa mahabang mesa. 'These brothers lived long enough to keep the mansion alive', she concluded and shook her head.

Hindi niya alam kung swerte ba siyang hindi pa siya pinapatay ng mga ito o sadyang malas lang siya at napadpad siya sa mansyong ito bilang kanilang alipin. Snow shifted slightly on her weight, enduring the pain of her old prosthetic leg. Sa ngayon, hindi na mahalaga kung swerte ba siya o malas.

*
Kasalukuyang pinupunasan ni Snow ang mga estatwang nakahilera sa isang pasilyo ng mansyon. The first floor's left wing's main hallway is a spacious expanse of marble flooring that is designed with black and white tiles. Katulad ng iba pang bahagi ng mansyon, natatakpan ng makakapal na kurtinang satin ang mga bintana na humahadlang sa pagpasok ng liwanag nag nagmumula sa labas.

Nakadisenyo naman sa mga pader ang ilan sa mga obrang likha ng mga kilalang pintor sa mundo ng mga tao---among these artworks are by Eugene Delacroix, Leonardo Da Vinci and Claude Monet. Nang tanungin kanina ni Snow kay Pride kung bakit narito ang mga obra nilang dapat ay nasa pangangalaga ng mga museo ng tao, he only replied: "I like them, so I stole them. Mga peke ang nasa mundo ninyo". Hindi na nagtaka pa ang dalaga. She knew Pride has a thing for art and aesthetics; she couldn't believe he faked all those fancy artworks in human museums.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon