TRIGINTA DUO

3.8K 274 23
                                    

The rain poured hard over the cityscapes, dark clouds covering the gloomy sky. Tila mga aninong umiindayog sa langit ang mga ulap na ito, hatid ang ulan at delubyong hindi inaasahan ng mga naninirahan sa lugar. As the deafening sound of thunder reverberated throughout the area, the first scream echoed amidst the storm. Umalingawngaw ang sigaw ng isang babae, hirap at para bang nakadaupang-palad si kamatayan.

Hindi ito nalalayo sa katotohanan, because Mr. Boswell's cold and lifeless eyes can be considered death as well.

"You've sinned. Let me guess, too much pride? It kills everyone."

Halos hindi na marinig ni Racquel ang tining ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Kinakapos siya ng hininga habang pilit inaanninag ang anyo nitong natatakpan ng kadiliman. Bukod pa roon, aminado siyang mahirap ibigay ang konsenstrasyon dito kung nakapalibot ang kakaibang mga nilalang sa kanyang katawan. 'M-Monsters!', umubo ulit ang dalaga at pilit inaalala ang mga nangyari. She could only remember wisps of what happened, fragments that she couldn't piece out. Ang tanging alaala lang niya ay noong tumatawid siya ng kalsada, hindi niya namalayang may ten-wheeler truck palang paparating.

Now, here she is. Lying cold-blooded on the road, soaked in rain water. Naramdaman niya ang pagkagat ng lamig sa kanyang balat na unti-unting nawawalan ng kulay kasabay ng pagligo niya sa sariling dugo. Mukhang hindi na talaga siya binalikan ng hudas na truck driver. 'Wala naman talagang may pakialam.. Wala.' Mapait niyang isip at sinipat muli ang mga nilalang sa kanyang harapan.

"Lahat ng tao, namamatay.. It's only a matter of when and how."

Gustong tanungin ni Racquel kung sino ang lalaking ito. Gusto niyang tumakas at bumalik sa maliit na apartment na nasa kabilang bahagi pa ng bayan. Gusto niyang magtago sa ilalim ng mga kumot at isiping gawa-gawa lang ng kanyang malikot na imahinasyon ang pangyayaring ito. Pero nakalimutan nga pala ni Racquel na hindi napagbibigyan kung ano ang "gusto" mo. Life sucks like that.

Tick-tock. Tick-tock.

"AAAAAAAAAAAHHHH!"

She felt the wooden spikes pierce through her flesh, an ache that can never be relieved. Damang-dama ng babae ang paghiwa nito sa kanyang kalamnan, sa iba't ibang bahagi ng kanyang nanghihinang katawan. Hindi niya alam kung guni-guni ba niya, pero panandaliang nakaramdam si Racquel ng pag-alis ng kanyang kaluluwa. It felt like something inside you is being sucked out, forced to leave your body. She gasped her last breath, just in time to see sparks of fireflies dancing out of her chest.

Tahimik na pinanood ni Mr. Boswell ang paglipat ng mga alitaptap sa kanyang espesyal na treasure chest. The small wooden box had several engravings in ancient language. Nang dumapo ang huling alitaptap ng kaluluwa sa loob ng kahon, agad itong isinara ni Mr. Boswell at sinelyuhan panandalian.

"Pride has the greatest number of sins on his plate.. Too bad. He'll lose them all soon enough."

Alam niya ang posibleng mangyari sa magkakapatid kapag naubusan sila ng koleksyon ng pitong araw, sunod-sunod. Bukod pa rito, alam rin ni Mr. Boswell na may katangi-tanging sikreto ang magkakapatid. Ang sikretong nakapagbibigay sa kanila ng buhay na walang-hanggan. 'Taking their life spans isn't enough.. I need to strip them away of immortality.' Isip-isip ng pinakamahusay na clockmaker sa Eastwood at sinilip ang relo.

"Well, would you look at the time! Male-late na tayo. Kailangan pa nating ipadala ito."

Binitbit niya ang pinakabago niyang obra maestra, nakabalot na at nabahagyang nababasa ng ulan. Mr. Boswell sighed and grabbed the package, before turning away; his loyal clockwork monsters following suit. Kailangan na niyang umalis bago pa makarating ang mga pulis.

*
"Damn it!"

Mabilis na umilag si Snow nang kamuntikan na siyang mahiwa ng katana ni Wrath. The girl managed to jump back in time before it slashed through her neck. Sinamaan niya ng tingin si Wrath na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya. She couldn't help but be a little conscious, "Sa pagkakaalam ko, wala namang dumi sa mukha ko. Stop staring." Pero imbes na iiwas ang mga mata, walang kahirap-hirap bumunot ng baril ang binata at pinaulanan siya ng bala. 'Shit!' mahinang napamura si Snow nang dumaplis ang isang bala sa kanyang braso.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now